CHAPTER FOUR

15 0 0
                                    

Rianne's POV

Ang bilis ng panahon, mag fefebruary na. Wala naman magandang nangyari bukod sa umuwi sila kuya at daddy nung december, bumalik rin sila sa london nung 1st week of january kasi si papa may kailangan pang gawin, si kuya naman kailangan nya rin bumalik kasi back to school nanaman raw. Nagkikita rin kame ng dalawa kong kaibigan nung 25 para iabot ang mga regalo namin. Masaya naman pasko ko, hindi nga lang sobra, kasi pinangarap ko rin na gagawin kong special ang pasko namin ni Andrew, hindi naman nangyari. Di ko na rin masyadong nakikita si Andrew sa school pati na rin si Bianca. Baka nagpatiwakal na sila hahah joke. Mas okay na yun para makapagmove on na rin ako.

Busy na rin ang kanya-kanyang section, kasi malapit na ang february 14, marami silang gagawing iba't ibang booths. Next week naman mag start na rin yung practice namin para sa J.S, nakaka inggit nga yung mga maagang nag iinvite para maging prom date nila. Haaay...

"Oy! Nagmumuni-muni kana naman dyan ha!" Utas ni jess, tignan mo to! Bastos lang kung makapag Oy' hahah

"Hindi naman! May iniisip lang." Lingon ko sakanya.

"Sus! Alam ko na! Umaasa ka na may mag aalok sayo na maging date nila sa 14 nuh? O di kaya prom date? Hahaha" pangaasar na sabi ni nikki sabay tawa.

"Baliw! Hindi ah! Ano naman pake ko sa mga date-date na yan! Tss. Waste of time yan" pag rarason ko, pero hahaha umaasa ako pramis. Hindi lang ako nagpapahalata.

"Wusshuuu!" Utas ni nikki sabay sundot sa tagiliran ko. Sabay tawa nilang dalawa.

"Hahahah mga sira!" Sabay tawanan namin tatlo.

Natahimik ako ng nakita kong dadaan si Andrew at Bianca sa lugar namin.
Napansin naman nila nikki at jess na may nakita, ako agad silang lumingon sa likuran nila para tignan.

"Wag kang paapekto Rianne!" Utos naman ni jess, mukhang pati sila natataranta na ang reaksyon. Binaling ko ang tingin sa kanila. Oo tama si jess, wag akong magpaapekto.

"Ikaw ba nikk. May kadate kana?" Tanong ko, para lang hindi mapansin sila. Ugh asar! Sa laki ng campus, bat dito pa sila dadaan! Tss. Sabagay mas malapit naman ang cafeteria dito.

Agad naman binaling nilang dalawa ang sagot ko.
"Ahh well... Uhm. Wala eh. Ha-ha-ha" parang wala sa sariling sagot ni nikki. Bat sya ang natataranta. Hahah nakakatawa naman tong si nikki pati sya nakikisabay.

"Nikki! Ayusin mo nga sagot mo! Hahaha" tawang tawa sabi ni jess. Best aktress talaga tong si jess.

"Hahahah para kang na e-LBM!" Pabiro kong sabi sabay tawa.

Napansin kong dumaan na sila.

"Saan mo gustong kumain babe?" Tanong ni Bianca.

"Uhm kahit saan, ikaw ba?" Sagot naman ni Andrew.

"Kahit saan basta kasama ka!" Ngiting sabi ni Bianca.

Lumampas na sila saamin. Uhgg
Sumasakit nanaman puso ko. Bat ganito! Nakakainis!!

"Shan mu gushto kumain bhabe! Nyenyenye!" Iritang panggagaya ni nikki kay Bianca.

"Wag mo ng pansinin sila! Hahaha natatawa ako sa itsura mo nik." Sabay hampas ni jess kay nikki.

"Totoo naman! Hahaha Ganun yung itsura nya! Hahaha... Sa make up kumakapit hahahah... Try mo burahin make up nya, hahahaha... baka pati mata,ilong,bibig nya mawawala. Hahaha" tawang tawa sabi ni nikki.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon