Rianne's POVNag sakay pa kami ng kung anu-anong Rides, lahat ng sinakyan namin puro buwis buhay, sumusuko na nga ang kasama ko pero pinipilit ko pa rin sya.
"Teka lang! Nahihilo na ako, gusto ko ng masuka!" Aniya sabay upo.
"First time mo ba?" Taka kong tanong. Para kasing ngayon lang sya sumakay ng ganito.
"2nd time ko. Bata pa ako nung sumakay ako, pero hindi ganito ka sobra." Seryoso nyang sabi sabay inom ng tubig.
"Kaya naman pala! Kaya kita sinasama sa mga buwis buhay para naman pala maranasan mo. Kasi kanina pagkita mo pa lang sa Rides, mukhang hindi mo pa nga naranasan." Utas ko.
"Hahaha hindi ko naman gusto eh..." Sandali syang tumigil at tumingin sa bote ng tubig na iniinom nya. "Pero nag enjoy ako dahil sayo." dagdag nya.
Bumilis ang tibog ng puso ko. Bakit? Bakit ganito kabilis agad, wala naman syang sinabi para bumilis to ah!
"Tara na! Uwi na tayo. 7:36 na oh!" Aniya sabay tayo.
Sumunod na rin ako sakanya. Pansin ko, this past few days parang madalas bumilis ng heartbeat ko, baka kasi sa kabaitan nya, oh baka naman... May sakit na ako sa puso? Oh my! Wag naman sana.
Sumakay na kami sa kotse nya, ihahatid nya na raw ako. Sinabi ko kung saan ako nakatira, agad nya nakuha ang location, after nun wala ng isa saamin ang nagsasalita. Nahihiya ako sa hindi ko alam na kadahilanan.
Ilang oras lang, dumating na rin kami, pumasok na kami sa loob ng ville. At tinuro ko ang kulay ng bahay namin. Pagkatapat bumaba na ako.
"Uhm, ayaw mo bang pumasok muna? Tara! Pasok ka na, ipapakilala kita sa mama ko." Nakangiti kong sabi. Ngumiti sya at bumaba na. Pumasok na kami.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si mama, naka upo at nanunuod ng T.V.
"Ma!" Bati ko. Lumingon sya at tumayo na nakangiti.
"San ka galing, gumabi ka? Kasama mo ba sina-" sabay tingin nya sa likod ko.
"Ah Ma! Friend ko po pala, si Dustin. Dustin, Mama ko." Utas ko.
"Goodevening po tita." Nakangiti nyang sabi. Nakita kong ngumiti si mama.
"Hi, Goodevening too iho." Sabay beso nya kay Dustin. Tss. Mama ko talaga, pag ganyan sya ibig sabihin okay ka sakanya.
"Hinatid nya po ako." Utas ko. Nakita kong ngumisi si mama. Alam ko talaga yang mga ngiti nya eh! May ibig sabihin. Tss.
"Aah hahaha nanliligaw ka ba sa anak ko iho?" Nakangisi nyang tanong.
"MA! Kaibigan lang po kami!" Pagsasaway ko, nakita kong ngumiti lang si Dustin. Tss. Napaka intrigera talaga tong mama ko nakakahiya tuloy.
"Hahaha okay fine! Tara upo muna kayo, nagdinner na ba kayo? Ipaghahanda ko lang kayo ah?" Utas ni mama sabay punta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.