CHAPTER TWENTY THREE

3 0 0
                                    

Rianne's POV

Monthsary...

"Wow Rianne! Nageeffort! Hahaha" utas ni Nikki, andito kami ngayon sa bahay namin, andito si Jess at Nikki. Dinedecorate ko na lang ang gawang cake ni mama, heart shape sya tapos mocha ang flavour, gusto nya kasi ang mocha, naglalagay na lang ako ng toppings para mas cute.

"Hayaan mo yan! Hahaha alam mo Rianne, hindi sya worth it para sa effort! Tsaka hayaan mo yan sya ang mag effort!!" Utas ni Jess na kumakain ng cupcake.

"Wag nga kayo Bitter! Hahah gusto ko lang naman makipagbati!" Ngiti kong sabi.

"Maygudness! Pag yan boyfriend ko, baka kinutus ko na yan! Astang babae ah! Sya ba ang girlfriend at ikaw ang boyfriend? Hahaha" pangaasar na sambit ni Nikki.

"Monthsary namin ngayon! Kaya kailangan ko rin isurprise sya!" Pagrarason ko sabay baling sa ginagawa ko.

"Hmpf! Kahit ilang beses lang nag greet sa monthsary?" Iritang tanong ni Jess.

"O-oy grabe din..." Bigla akong napatigil, Oo nga, hindi yun nag gigreet, tatlong beses ko lang ata narinig, tulad ngayon, wala! Pero sa tatlong beses nyang greet nag effort naman sya, nag dinner date kami, namasyal kami, kinantahan nya ako sa school, oh diba? Nakakatunaw yun puso, wala pa kasing nakagawa nun sakin eh.

"Oh see? Di na nakapagsalita! Kasi totoo! Hayaan mo sya ang gumawa na dapat ay kanya!" Utas ni Jess. May point naman sya eh! Pero di nila ako naiintidihan eh!

"Ayokong saktan ang nararamdaman mo, hindi sa sinisira ko sya sayo! Pero Rianne? Intindihin mo rin ang puso mo!" Dagdag pa ni Jess. Nakakainis na ah! Hindi naman sa ayokong makinig, pero di nila ako naiintindihan!

"JESS!! Kahit hindi mo man aminin alam ko noon pa ayaw mo na kay Andrew! Pero respetuhin mo naman ako! Alam mo naman na mahal ko sya! Oo nagkamali sya noon, pero nagbago naman sya diba? Pinakita nya kahit hindi kami laging magkasama!" Galit at diretso kong sabi. Nagulat naman si Jess at biglang naningkit ang mata. Hindi ko na napigilan sarili ko, nadala ako sa emosyon ko.

"So ganun? Sa sinabi mo ngayon mas pinili mo sya? Oh sige! Total matanda kana! Hindi mo na kame kailangan diba? Mas pinili mo sya porket boyfriend mo? Ha-ha okay fine, sorry huh? Hindi kita naiintidihan kasi WALA naman akong boyfriend diba? Ano ba ang alam ko? Wala naman diba? Pero Rianne? Sino ba ang tanga satin dito?" Galit nyang sabi. Anong sinasabi nya? Na tanga ako? Wala naman syang alam kasi wala pa sya sa lugar ko.

"Tama na nga kayo! Magkakaibigan tayo! Ano ba kayo? Jess? Rianne? Ano?" Pagpipigil ni Nikki. Kung kaibigan sila, suportahin naman sana nila ako, hindi yung kung anu-anong comment!

"Ewan ko! Sa oras na to! Hindi ko alam kung magkakaibigan pa tayo! Halikana Nikki, mukhang hindi na tayo kailangan!" Galit parin na sabi ni Jess, sabay talikod at umalis na. Asar! Bat sya pa ang galit?

"Rianne?" Walang expression na Nikki ang tumawag sakin.

"What? Narinig mo naman si Jess na tinawag ka diba?" Matabang kong sabi. Sabay punas ng luha. Tumalikod na rin si Nikki at umalis na. Bahala sila! Nainis na ako. Lagi kasi nila sinasabi ng kung anu-ano si Andrew, Oo alam ko naman na concern sila, pero alam naman nila masaya ako diba? Kasi kung hindi edi sana kumalas na ako sa relasyon namin. Wala naman kaming pinag awayan na malaki eh! Sana suportahan na lang nila ako.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon