"It's when you don't know how to handle the situations in your life that are anything but black and white."
Ganon ang naramdaman ko simula nung mawala si Gail, halos nagtago ako sa dilim, mahirap sa una, akala ko madali lang kasi I have our son kung saan ay dapat maging lakas ko pero hindi ko naiwasan hindi magkulong sa lungkot ng mawala sya. Nagkaroon lang ulit ako ng lakas nung narealized ko na kailangan nga pala ako ng anak ko kaya simula nun pinagtuunan ko na sya ng pansin.
APAT na taon na ang nakalipas simula ng mawala sya, as years past by unti-unti ko na natanggap ang nangyari. Dahil alam kong magiging malungkot sya kung makita nya na nakakalimutan ko na ulit bumangon at lalo na kung makita nyang hindi ko inalaagan ng maayos ang anak namin.
Alam kong masaya na sya kung asan man sya ngayon, pero alam kong nasa tabi nya lang kami dahil nararamdaman ko 'yun.
Lumipas ang panahon at marami na rin ang nagbago. Nalaman rin nina Jessica ang nangyari at halos hagulhol lang ang narinig kong sagot mula sa skype, nalulungkot sya dahil hindi man lang raw sya makauwi para ihatid si Gail sa libing. Nasa New York si Jessica at do'n na nanirahan kaso naipit lang sa trabaho kaya nahirapan syang mag leave. Pero nung nalaman nya ang tungkol kay Justin napakasaya nya raw at gusto nya sya ang magiging ninang kahit raw wala sya, kaya ginawa ko.
Si Nikki at Ryan nakapunta at halos mawalan na ng luha si Nikki sa kaiiyak. Hindi ko rin inasahan na umuwi pa si Trigger ng pilipinas kasama ng asawa nya para sa libing ni Gail, pumunta rin si Harry, nakakalungkot raw na ganun ang naging situasyon nya mahirap raw 'yun para sa'min. Lahat sila hindi makapaniwala na may anak kami, nakakatuwa lang.
Thankful ako kasi nandun sila kaya kahit papaano nabawasan ang lungkot ko dahil pinaintindi nila sa'kin. Halos hindi rin makapaniwala sina mama't papa sa nangyari kay Gail even my Ate kaya nung gabing binalitaan ko sakanila agad syang nagpabook ng flight kinabukasan papuntang pilipinas kaya I'm so greatful kasi nandyan sila para umalalay.
"Papa..." lumingon ako sa maliit na boses, and then there I saw Justin hawak hawak ni Mama sa kamay.
"Hey there little guy." Nakangiti ko syang kinarga. Napayakap sya sa leeg ko. My son is a blessing for me. Sya ang lakas ko. Sya ang pag-asa ko.
"Kanina ka pa hinahanap. Mamasyal raw kayo." Ani mama habang inaayos ang damit ni Justin.
"Where do you want to go?" Masaya kong tanong, napangiti ako sa ngisi nya, he's just like his mother, nakuha nya ang mata na kumikinang at labi ng mama nya kaya masaya ako dahil kahit papaano parang kasama na rin namin sya.
"I want to visit mom." Pumungay ang kanyang mga mata. Napataas ako ng dalawang kilay. Saturday pala ngayon pero usually sunday ang schedule namin sa mama nya.
"Okay, we will." Sabi ko saka ngumiti ng malapad ang anak ko. Masaya ako dahil hindi gaano kahirap ipaintindi sa anak ko ang nangyari sa mama nya kung paano pinili sya. Unti-unti nyang naintindihan kahit alam kong hindi pa ganon kadaling intindihin lalo na sa murang edad nya, hinahanap nya ang isang ina but my Mom and Ate fill that and mama ni Gail kaya lumaki ang anak ko na sobra sobra ang pagmamahal.
Ikakasal na rin si Ate sa long time boyfriend nya next year, si Karl naman college na at laging gustong kasama si Justin, si Roeh ikinasal rin nung last year at may isang anak na, si Kellie.
Sumakay kaming dalawa sa kotse at nagtungo sa memorial park. Wala pang kalahating oras dumating na kami, ganun na lang siguro kaexcited ang anak ko kaya tumakbo agad papunta sa mama nya dala ang mas malaki pang bulaklak sakanya. Ang liit-liit.
"Don't run!" Sigaw ko saka umiling-iling. Ganito kami lagi tuwing binibisita ang mama nya, masaya sya.
Mabilis akong nakarating kung saan si Gail, nakita ko ang anak ko na nilapag ang nabili naming bulaklak kanina habang tahimik na tinitignan ang puntod ng mama nya.
Rianne Gail Sandoval.
Naalala ko pa nung una tayong magkita. Sa kabila ng ilang taon natin hindi pagkikita pagkatapos nung nangyari sa dagat pinagtagpo parin tayo. Kung alam ko lang na ganito siguro mas lalo ko na lang sana pinaramdam sayo at sana marami pang lugar ang mga napuntahan natin.
"Mom is now happy." Napatingin ako sa anak ko. Tumingin sya sa'kin saka ngumiti.
"Yeah baby." Sabi ko saka lumuhod para akbayan sya. "Mom is now in a good hand." Dagdag ko saka tinitigan ang lapida nya.
"Do I really look like her?" Tanong nya ulit. Honey loves, ang daming tanong ng anak natin oh! Tumango ako.
"You have a lot of her pictures right?" Tumango sya. "Just hide it, that's the only thing you have to remind the beautiful face of your mom." Dagdag ko pa saka hinalikan ang ulo nya. Tumango ulit sya.
"I will dad. If I grow up, tell me more about mom." Napatingin ako sa sinabi nya. Gail, parang hindi bata ang anak natin diba? Napangisi ako.
"I can tell you now." Nakangiti kong sabi. Nakakatuwang isipin na sa edad nya may nalalaman na syang ganito. Pero sa ngayon hindi nya pa maiintindihan dahil pagdating ng panahon makakalinutan nya rin ang sinabi ko kaya ikekwento ko kapag naiintindihan nya na.
"Not now dad, granny told me that I will not understand now, so I ask her if when will I understand, she just said that if I already grow up." Malumanay nyang sabi habang nakatingin parin sa lapida. Ginulo gulo ko ang buhok nya. Parang hindi 4 years old ang kausap ko eh.
"You're a big boy now, what did you said is like you're an old man little guy! But okay, I will tell you anytime you want." Natatawa kong sabi. Ganito na syang magsalita. Siguro ay ganun ako kamatured pag kausap sya kaya naadopt nya na rin. Matalino si Justin dahil kung anong sabihin namin sakanya agad nyang nakukuha.
Minasdan ko ulit ang pangalan ni Gail. Kung andito ka lang siguro ay masayang masaya tayo.
Siguro nga nakatakda na ganito ang magiging kapalaran natin. Pero kahit ilang ulit pa tayong paghiwalayin magkikita at magkikita parin tayo, tulad noon, Gail. Tulad noon.
I already move on pero hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanyan, may nakalaan na malaking lugar sya sa puso ko at mahirap na 'yun palitan. I will never ever forget her dahil simula ng makilala ko sya naging bahagi na sya ng buhay ko, ng pagkatao ko.
I will never forget how you brought the light to mylife. I never search but there you are, you may not stayed long in mylife masaya parin ako dahil binigay ka sa'kin. I will never forget the between life and death, because you gave me the Hope to forget, to be brave, to be happy and most of all to start again with the hope you gave to me.
I love you and I will search you in a lifetime even in a hundred Times.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.