Rianne's POVPagkaalis ko dumiretso na ako sa condo ni Dustin. Usapan kasi namin na magkikita ngayon, gusto nyang kasama ko sya mag dinner.
Pagkadating ko sa cond mabilis na ako umakyat at pumasok na sa loob, napansin ko syang nagaayos sa mesa, nakatalikod sya, pero alam kong alam nya na nandito na ako. Mabilis akong lumapit at niyakap sya mula sa likuran nya. Bahagya syang tumigil sa pag aayos at huminga ng malalim.
"May nangyari ba?" Aniya na may pagaalala sa boses. Ilang segundo pa bago ko sya sinagot.
"Hmm... may konting problema lang kanina sa shop." Mahina kong sabi.
"Anong nangyari?" Aniya at humarap sya saakin sabay hawak sa magkabilang balikat ko.
"There was an old man, pumasok sa shop at pilit na kinuha ang anak nya." Malumanay kong sabi.
"Bakit naman?" Taka nyang tanong. Sinimulan ko naman ikwento sa kanya ang buong pangyayari kanina. Hindi ko alam pero naawa ako sa dalawang bata, hindi sila malayang nagmamahalan. Napaka matapobre ng ama ng babae. Tsk.
"Ganun talaga pag ang magulang na ang mag desisyon! We can't blame them, ang gusto lang naman nila ay mapabuti ang anak nila. Kahit na hindi na tama ang pamamaraan nila. Para sa kanila disiplina yun, not knowing na sinasakal na nila ang anak nila." seryoso nyang sabi.
"Nakakaawa naman. Hindi naman nila pwedeng diktahan ang puso ng anak nila eh" utas ko sabay yakap sa kanya.
"iba-iba kasi ang magulang, nagktaon na ganun ang ama nya kung ipakita ang pagmamahal. Kaya pag nagkaanak tayo. Gusto ko suportahan natin ang anak natin." Nakangiti nyang sabi. Napangiti ako.
"Tara na! Kain na tayo." Yaya nya.Umupo na kami at nagsimula nang kumain. Nag usap lang kami ng tungkol sa nangyari sa araw na to, tawanan at asaran na ang ginawa namin sa buong hapunan. Nang natapos na kami tinulungan ko na syang magligpit.
Batuhan ng bubbles ang ginagawa namin sa paglalaba ng pinggan. Ang kulit lang at ang cute nya.
Pagkatapos nun nauna na ako sa sala. Habang sya nagpupunas pa ng kamay.
"Halika ka nga dito!" Tawag ni Dustin sabay hila saakin para mayakap nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. "Namiss kita" aniya.
"Namiss din naman kita!" Nakangiti kong sabi sabay haplos sa likod nya.
Kumalas sya sa pagyakap at hinarap ako.
"I love you Gail." Malambing nyang sabi sabay dampi ng kanyang labi sa labi ko, mabilis lang at tinitigan nya ako.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok nya, naramdaman kong dahan dahan nyang binaba ang kamay nya papunta sa bewang ko. Dahan-dahan syang yumuko at Hinalikan nya ulit ako pero this time para kaming nag i-slow motion sa pagpalitpalit ng halik, matagal yung tipong puno ito nangpagmamahal. Madalas nya naman akong halikan pero bakit parang mas umakyat na ang kuryente sa buo kong katawan. I can feel tge buttrrflies in my stomach at medyo nahihirapan na akong huming dahil sa halik nya. Hindi ko namalayan na mabilis kaming napunta sa kwarto nya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko, para akong hinahabol ng isang daan na killer. This time wala akong maisip kundi ang mga sandaling ito, Mabilis na natanggal ang mga saplot namin at napahiga sa kama, Ang saya ng puso ko, parang kasing nag uusap ang puso namin, ninanam-nam ko ang bawat sandali. This was the most memorable night that just happened in my entire life, We've shared the love to each other. I can feel him more, napaluha na lang ako sa saya. This is the night that we've become one.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.