CHAPTER SIXTY FIVE

6 0 0
                                    


Rianne's POV


"Ingat ka don, ah?" Paalala ko kay Dustin nang ihatid namin sya nina Nikki at Ryan.

"Opo. Ikaw din ha?" Aniya. Tumango ako. Dalawang araw na ang lumipas simula nung umalis na ng hospital si Dustin.

Nasa airport na kami dahil aalis na sina Dustin patungong america para magpagamot. Medyo nakakalungkot din kasi ilang buwan ko syang hindi makikita, Isang taon kaming hindi makikita at hindi ko alam kung kakayanin ko. Dahil nasanay na ako na lagi syang  nakikita. Ang tanging hiling ko lang ay ang gumaling sya, 'yun lang masaya na ako.

Hindi ko na rin sinabi ang tungkol sa'kin. Mas mabuti na ang ganito, wala muna syang alam. Hindi pa ako nakapagpa check-up. Naisip ko na pagkatapos dito pupunta ako sa family doctor namin.

"Aalis na kami, ingat ka okay? Gagawin ko ang lahat, gumaling lang ako." Aniya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Tumango ako.

"Ingat ka rin dun." Naiiyak kong sabi. Ngumiti sya saka pinahid ang nangingilid kong mga luha.

"I'll be back." Aniya saka hinalikan ako sa labi. Napapikit ako ng mariin, napahawak ako sa tyan ko. Baby, aalis muna papa mo. Wish natin na gumaling sya.

Nagpaalam na rin sya kina Ryan at Nikki. Nag yakapan naman kami ng mama ni Dustin.

Pagkatapos nun, nagpaalam na ako kina Ryan. Nagtaxi na lang ako, gusto pa sana nila Nikki na sila ang maghatid tumanggi ako. Hindi pa din alam nina Nikki ang tungkol sa'kin. Saka ko na sasabihin kapag nakapagcheck up na ako.

Nang makarating na ako sa clinic, nagmadali na akong pumasok sa loob, nakapagset na kasi ako ng appointment sa family doctor namin. Pagkapasok ko nakita ko na si Doktora Celis.

"Goodmorning iha. Maupo ka." Aniya. Umupo ako sa harap ng table nya.

"Goodmorning din po doc." Bati ko.

"So... kamusta pakiramdam mo?" Tanong nya.

"Maayos naman po, maliban sa madalas nahihirapan akong makahinga." Sabi ko.

"Okay..." aniya saka tumayo at pinatong ang stethoscope sa dibdib ko. Pinakinggan nya ang bawat pagtibok ng puso ko. "... masyadong mahina ang pagpintig ng puso mo. I think we need some test, para malaman." Aniya saka bumalik sa mesa nya.

Maya-maya tinanong nya sa'kin kung ano raw ang nararamdaman ko sa t'wing naninikip ang dibdib ko. O kaya gaano kasakit kapag pumitik ng biglaan ang puso ko. Sinabi ko naman ang lahaf, simula sa nahihirapan akong huminga at nawawalan ng hangin, saka parang pinipiga.

Ginawa nya ang lahat ng test, nagpa x-ray na rin sya sa'kin at marami pang iba't ibang test. Natapos kami ng apat na oras, pinahintay nya na muna ako sa mini sala nya kaya tahimik akong nanonood ng t.v.

"Ms. Rianne..." lumingon ako sa biglang pagtawag nya. "... follow me." Aniya kaya agad akong tumayo at sumunod sakanya.

Umupo sya sa swivel chair nya, nakita ko ang may bahid na lungkot sa mukha nya. Kaya kinabahan ako.

"Ms. Rianne... I got the result and... I found out na may tubig ang puso mo at namamaga na..." napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. May tubig? Namamaga?

"...bakit sa unang pananakit hindi mo agad pinacheck? Dahil sa pagwawalang bahala lumalala ito and worst, you're pregnant." Aniya. Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi magawang magtanong dahil sa may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Nangilid ang luha ko at bingyan ng lakas ang bibig ko.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon