Rianne's POVNagtungo na ako sa room ko, after 1 week balik classe nanaman. Ayos lang, ilang months na lang bakasyon na. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nagka usap kami ni Dustin, hindi na rin sya nagpapakita, kahit txt wala, di ko rin naman sya tinitxt, ayoko rin naman manggulo. Pag nagkikita ang grupo, hindi naman sumasama si Dustin. Pag tinatanong ko kina Trigger, puro Ewan, Busy lang. Pero para sakin alam kong sinasadya nya talaga para makaiwas lang saakin.
Nakakasama ko na ulit sina Jess, sinabi ko rin sa kanila ang nangyari sa pag amin ko, kahit sila nabigla, wala raw sa itsura ni Dustin na may matinding pinagdadaanan. Inaasar rin nga ako ni Nikki, baka raw yun yung way nya para hindi ako masaktan. Para ngang sinampal ako sa sinabi nya. Hindi kaya ganun?
Natapos ang tatlong subject ko ng wala akong naiintidihan, nag quiz kami pero hindi ko alam kung tama ang mga isinagot ko, parang nagkahalo-halo na ang nireview ko. Naglakad na ako palabas ng school. Whole day kasi ang classe ngayon nila Jess at Nikki, kaya mauuna na lang ako. Wala talaga kasi ako sa mood.
Paglabas ko, nag antay na ako ng masasakyanan. Pero hindi ko inaasahan na makita ko si Trigger dito well Oo, kasi andito sina Harry at Dustin pero kasi hindi ko masyado sya nakikita dito, maliban na lang kung importante.
Mabilis akong lumapit sa kanya, gusto ko kasi tanungin kung nasaan na si Dustin.
"Trigger!" Tawag ko, humarap sya saakin.
"Oh Rianne, kamusta? Nakita mo ba si Harry?" Aniya sabay tingin tingin sa paligid.
"Ayos lang, hindi ko nakita si Harry ngayon eh. Ahmm Trigger, nakita mo ba si Dustin?"
"Huh? A-ah h-hindi eh!" Pautal utal nyang sabi. Hindi ako naniniwala, alam kong alam nya.
"Trigger please! Alam kong alam mo kung nasaan sya! Please!! Kahit yung address na lang ng condo nya. Please!" Pagmamakaawa ko, hindi ko rin kasi alam kung saan, basta ang sabi nya malapit lang raw dito, hindi pa kasi ako nakakapunta.
"Rianne, sorry, pero hindi ko masasabi." Aniya.
"Bakit? Trigger please! Maawa ka!" Naiiyak na ako sa pagmamakaawa. Gusto ko na kasi sya makita, gusto kong kamustahin sya, kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.
Nakita kong nagbuntong hininga sya.
"Halika!" Aniya sabay talikod, sumunod agad ako sa kanya.
Binuksan nya ang pinto ng kotse, pumasok ako, dali-dali rin syang sumakay at pinaandar na ito. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung sa'n kasi kami pupunta. Baka sa condo nya.
"Saan tayo?" Utas ko.
"Kay Dustin!" Aniya na nakatingin parin sa daan. Hindi na rin ako nagsalita, mga ilang oras lang huminto na ang kotse sa isang malaking building.
Bumaba na sya, agad kong binuksan ang pinto. Pero mukhang hindi ko inasahan ang bumungad saakin, isa syang ospital. Kinabahan ako lalo.
"Lets Go." Aniya sabay pasok na sa loob.
"T-Trigger, b-bat t-tayo n-nandito?" Kakaba kaba kong tanong. Pero hindi nya ako sinagot, nagtungo sya sa elevator, sumunod lang ako sa kanya. Nilalamig ako at kinakabahan. Bakit dito?
Pagkalabas namin sa elevator dumiretso kami sa isang kwarto, hindi ko na rin nagawang tignan ang pangalan ng pasyente dahil sa kaba ko ayokong kumpirmahin.
Binuksan ni Trigger ang pinto, at... Laking gulat ko sa taong nakahiga sa kama, hindi ko inasahan na dito ko sya makikita, nanlamig ang buong katawan ko, nanigas ang mga binti ko, naninikip nanaman ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Natutulog lang sya, naka oxygen mask at may mga nakadikit pang kung anu-ano na nakakonekta sa isang machine. Hindi ko kayang makita syang ganito.
"S-si Dustin, B-bat s-sya nandi-to?" Hindi makapaniwalang tanong ko, alam kong may sakit sya pero ano to? Anong nangyayari sa kanya?
"Mag two-two weeks na sya dito. Nasabi nya naman siguro sayo na may sakit sya diba? Bile duct cancer, its a rare Cancer, ang sabi na infect hindi naman namin alam kung bakit." Aniya. Bile duct? Cancer? Pero...
"Bakit? Ang bata nya pa para magkaroon ng ganyan! Paano nangyari? Kailan pa?" Taranta ko ng tanong. Pumasok kami sa loob, nakatingin lang ako sa kanya. Feeling ko natatakpan na ang mata ko ng mga luha.
"14 pa lang sya nung dinala sya sa ospital, nalaman namin na nagka infection ang liver nya. Halos hindi na makatayo ng mga magulang nya nung malaman nila. Kahit kami nagtaka, napaka bata nya pa para sa ganyan, imagine at the age of 14 may pinagdadaanan na sya, mas lumala ito nang iwan sya ng ex girlfriend nya, bigla na lang nawala nung malaman nyang may sakit si Dustin, halos gumuho noon ang mundo ni Dustin, nakalimutan nya ng bumangon, pero dahil sa magulang, pamilya at kaibigan natuto syang tumayo ulit. Kaya simula noon na takot na syang magmahal ulit, ayaw nya ng masaktan at lalong ayaw nyang masaktan ang sino man ang mamahalin nya, dahil eventually iiwan din naman nya. Magmamahal raw lang sya ulit kapag okay na sya. Kaya pumunta sya ng france para mag aral at magpagamot, gumaling sya, pero hindi pa 100%. Hindi na nga nya ma enjoy ang buhay nya dahil sa pinagdadaanan nya." Pagkwento nya, doon lang lumiwanag ang magulo kong isipan, kaya pala, kaya pala ganun na lang sya katakot na mag mahal ulit. Ako rin naman, ah? Pero mas mahirap ang sakanya.
"Kaya pala ganun na lang katakot syang magmahal ulit" mangiyak ngiyak kong sabi.
"Oo, natatakot sya na baka pagdaanan nya ang nakaraan nya na minsan na syang sinukuan. Kahit anong pilit namin na magmahal sya ulit, ayaw nya pa rin. Hanggang sa, dumating yung araw na nakilala ka namin, nalaman kong hindi na sya yung Dustin na nagtatago sa anino nya nung araw na nakipagkamayan sya sayo." Ngumisi sya. "Alam mo bang ni minsan hindi pa yan nakipagkamayan sa mga hindi nya kilala. Nagulat nga ako nung nakita ko kayo. Kaya masaya ako nung araw na yun, mas tumindi ang kutob ko na gusto ka na nya nung nag dare tayo. Sinadya ko talaga yun. Kaya simula nun lagi na kayong nagsasama, hanggang sa umamin sya na mahal ka na nya, pero ang gusto nya ay huwag ng lumalim pa, kahit hindi nya man aminin alam namin na takot pa rin sya, ayaw nya rin na mahalin sya dahil lang sa naawa sa kanya, kaya ayaw nyang sabihin na may sakit sya." Nakangiti nyang sabi. May bahid na luha ang mga mata ni Trigger. Halos hindi na ako makahinga sa mga kinikwento nya. Ngayon lang lumiwanag ang lahat lahat saakin.
Hinawakan ko ang kamay nya, tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na kanina pa nagpipigil sa pagbagsak.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa may kung anong pumitik sa puso ko. Nahihirapan akong huminga. Sumasakit ang bawat pintig ng puso ko. Nawawalan ako ng hangin kaya huminga ako ng malalim at madiin na pinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.