CHAPTER THREE

11 0 0
                                    


Dustin's POV

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko, andito kasi ako ngayon sa tabing dagat kung saan nakatago sa malaking bato, sa resort namin, nakatulog ako sa kakaisip. Bukod kasi sa kwarto ko, dito lang din ako pumupunta, gusto ko lang sa tahimik, ayoko kasi sa magulo, pumupunta lang ako sa mga ganun pag kailangan.

"Walang hiyaa ka!!" Sigaw ng isang babae. Istorbo talaga! Sa laki nitong resort dito pa sya nag ingay. Tumayo ako para silipin kung sino, nakita kong binabato nya ang dagat, galit ito. Bakit naman kaya? Tss. Pag ganito ang scene broken hearted to! Baka magpakamatay, ganun kasi minsan. Tsk

"Miss wag mo naman ubusin ang bato! Mahal ang pagka bili dyan"
Utas ko. May balak pa atang ubusin ang bato sa kaka tapon sa dagat. Nakita ko na parang nagulat sya ng lumingon, at inis na tinignan ako. Maganda sya, maputi, simple at labi nyang mapupula. Singkit pero tama lang sa dating nya, pero bat istorbo? Tsk.

"Bakit? Sino ka ba? Bato mo ba to?? Atsaka hndi mauubos ang bato! Madami pa dyan! Wag kang epal! Tss" inis nyang sabi sabay talikod, ang sungit ah. Sya tong maingay. Tss.
Naglakad syang palayo ng konti. Sinundan ko sya ng tingin. May problema ata, ano naman kaya? Tss. Pakialam ko ba? Pero may sarili atang utak ang mga paa ko, nilapitan ko sya, umupo ako, medyo malayo lang ng konti, isang hakbang lang ang distansya.

"Sinusundan mo ba ako?" Irita nyang tanong. Oo nga naman! Pero teka! Hndi ko sya sinusundan. Asa sya! Tss.

"Tss." Utas ko, Ang feeling nya ha! Gusto kong matawa sa sinabi nya.

Nag buntong hininga ako. May sira ata to. Tsk
"Hindi kita sinusundan! At bat naman kita susundan? Sino ka ba? Kanina pa ako nandito, nairita ako sa sigaw mo!" Inis kong sabi, totoo naman eh! Na una pa ako, kanina pa kaya ako dito.

"Ako ba pinagloloko mo? Eh nung pumunta ako dito walang tao, so anong sinasabi mong na una ka dito?" Sambit nya, na may pagka irita. Nakakatawa naman tong babaeng to. Hahah

"Nakahiga ako sa side nang batong yun!" Sabay tayo at tinuro ko kung saan ako nakapwesto kanina.
"Sayo na tong lugar! Ituloy mo na ang drama mo at pag iyak! Hindi ka mamatay kung iniwan ka!" Baka kasi magpapalunod na sya sa sobrang iyak, may pinagdadaan ata. Tumalikod na ako at naglakad na.

"Bakit? Ano bang alam mo? Wag kang epal! Hindi mo ko kilala!" Oo nga, ano bang pakealam ko? Napatigil ako at humarap sakanya.

"Sa narinig at sa nakita ko kanina, rason na yun para isipin na broken hearted ka!" Totoo naman eh, yun agad naisip ko nung narinig ko sya. Tsk.

"Wag kang mangialam, dahil pare-pareho lang kayo, kaya wala kang alam sa nararamdaman ko!" Galit nyang sabi sabay naglakad palayo, nakita ko ang sakit na nararamdaman nya sa mga mata nya. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Ang sungit.

Oo nga pala, di pa ako nagpapakilala, ako nga pala si Dustin Del valle, 17years old, nasa 4th year pa lang ako sa East High University, may ari kami sa Villa Puerta Resort. May-ari din ang parents ko isa sa mga bangko dito sa pilipinas, may dalawa akong kapatid, si Ate Nicholle Del Valle at bunsong kapatid na si Karl Patrick Del Valle, wala na si ate dito, nasa france, nag aaral, yung bunso din namin lalake nasa pre-school. Nagka girlfriend na rin ako pero hindi nagtagal kasi iniwan nya ako ng walang rason hindi ko alam kung bakit, basta bigla na lang syang nawala nang nalaman nyang may sakit ako. Oo, isang uri ng cancer, 14 ako noon nang dinala ako sa hospital nila mama. Nang sinabi nga sa kanila ng Doctor. Nakaka lungkot ngang isipin, sa edad kong to parang ang hirap ng mabuhay ng hindi mo iisipin na may pinagdadaan ka. Pero ang sabi ng doctor magagamot pa raw ako, hindi pa raw naman ganun kalala, pero kahit na, hindi na rin ako umaasa. Tanggap ko na rin naman, si mama at papa lang naman ang hindi. Kaya nung iniwan ako ng babaeng minahal ko, napaisip ako, siguru ayaw nya ng may sakit, siguru ayaw nya akong alagaan kaya ganun, pabigat lang siguru ako pag ganun, yun na lang ang iniisip ko. Kaya simula noon, hanggat maaari iniiwasan ko ng mahulog kasi ayoko na rin umasa.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon