Rianne's POV"BITAWAN NYO AKO!" Bungad saakin ng isang boses na galit, nasa labas kasi ako ng kwarto nya kakarating ko lang, galing kasi ako sa baba para bumili ng prutas, dali-dali kong binuksan ang pinto.
Nakita kong nakahawak si Harry at Trigger kay Dustin na mukhang pinipigalan sya.
"Dustin!" Tawag ko, bigla syang tumingin saakin na parang hindi nya inaasahan ang pagdating ko.
"What are you doing here?" Galit nyang sabi.
"Dustin!" Agad akong lumingon sa boses na tumawag sa kanya. Isang babae, na parang nasa 40's na.
"Tita, gusto nya kasing umalis na" utas ni Trigger, binitawan na nila si Dustin, pero pilit nyang tinatanggal ang dextrox, hingal na hingal na sya.
"Dustin! Anak, please! We're trying to do everything! Wag mo naman hayaan ang sarili mo!" Utas ng babae, sya yung mama ni Dustin? Kaya pala kamukha nya. Lumapit ito sa kanya at niyakap. Binaling nya ulit ang tingin saakin, na naka salubong ang kilay.
"Umalis ka na dito Gail!" Matigas na sabi ni Dustin ng kumalas na sakanya ng pagkayakap ng kanyang ina.
"Bakit mo sya pinapaalis? Wait, She's the girl on your wallpaper right?" Utas ng kanyang ina. Ano raw? Wallpaper? Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Totoo ba yun? May konting kilig ako sa nalaman ko ah.
"MA!" Galit nyang sabi. Tumawa lang ang mama nya.
"Uhm.. Tita, aalis muna kami, Dustin, baba lang kami, Rianne!" Paalam ni Trigger sabay senyas nya saakin. Nag nod na lang ako.
"Wait, sasama na ako, may babayaran pa ako sa baba." Utas ng mama nya ng nakangiti. Tumingin ang mama nya saakin, ngumiti lang ako sa kanya. "Alis muna ako Dustin, iha, ikaw na muna bahala sa anak ko ha?" Utas ng mama nya sabay wink saakin.
Ngumiti na lang ako, ang cute kasi ng mama nya, kamukha ni Dustin, kaya pala naalala nya ang mama nya sa mama ko. Dahil mga cool.
Sinundan ko ang tingin sa kanila hanggang sa nakalabas na sila. Binaling ko ang tingin ko kay Dustin na ngayon ay nakahiga na at nakatalikod. Umupo ako sa tabi nya. At nilapag ang mga dala dala ko sa mesa. Hindi nya ba ako kikibuin?
"Dustin? Bat mo ba kailangan umiwas saakin? Kung iniisip mo na pag nalaman kong may sakit ka eh iiwasan na kita, nagkakamali ka! Minahal kita dahil ikaw, at tanggap kita kung ano at sino ka, mas minahal kita ngayon hindi dahil sa awa lang, minahal kita dahil natuto akong magmahal ulit at yun ay dahil sayo, hindi na nga ako natakot eh, kung tatanggapin mo ba ang pagmamahal na yun! Well Oo natakot pero kaya kong tanggapin yun basta masabi ko lang" pagpapaliwanag ko, hindi nya parin ako kinikibo. "Hindi mo kailangan matakot, sasamahan kitang lumaban sa pinagdadaan mo, hindi kita iiwanan hanggang sa gumaling ka. Gusto kong alagaan at mahalin ka Dustin." Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. Pinahid ko ang luha ko. Pero mukhang tanga lang ako sa mga sinasabi ko.
"...Sige, Matulog ka na, para makapag pahinga ka muna." Malungkot kong sabi. Mukha kasing wala syang balak na pansinin ako.
Lumapit ako ng konti sa tabi nya. Minahal kita ng ganun kadali Dustin at hindi ko alam kung bakit, pero dahil sayo nakalimutan ko ang sakit na idiniluot saakin ng mga taong sinaktan lang ako. Hindi ko inisip ang takot na baka masaktan ulit. Dahil habang buhay pa tayo, may pag-asa.
Pinatong ko na lang ang ulo ko sa gilid ng kama nya, wala talaga kasi syang balak kausapin ako eh. Naramdaman kong dahan-dahan ng pumikit ang mata ko, hanggang sa nakatulog na ako.
~~~~
"Iha?" Sabay yugyog ng mahina saakin, binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang mama ni Dustin, tumayo agad ako, nakakahiya kasi nakatulog pa ako dito.
"Sorry po, nakatulog ako" utas ko.
"It's okay, nakatulog rin naman ako eh, teka, kumain ka na muna" Aniya. So bumalik ang mama ni Dustin habang tulog ako? Ay nako Rianne.
"Uhm, hindi na po. Busog pa naman ako." Hindi ko nararamdaman ang gutom ngayon.
"Ah Ganun ba? Anyway hindi ka pa ba uuwi? Mag se-seven na, baka hinahanap ka na sa bahay. Ako na ang bahala sa kanya, balik ka na lang dito bukas." Aniya, napatingin ako sa relos ko, Oo nga! Patay ako kay mama ni hindi man lang ako nagtxt.
"Ah sige po Tita, babalik na lang po ako bukas." utas ko, ngumiti sya saakin.
"Sige, andun sina Trigger sa baba, tinext ko na sya para ihatid ka na lang. Salamat ha? Ingat ka sa pag uwi." Aniya sabay beso saakin. Pagkatapos nun binaling ko na ang tingin ko sa natutulog na Dustin. Magpagaling ka Dustin.
Lumabas na ako at bumaba na. Pagkalabas ko Nakita ko sina Trigger na naka upo sa tabi. Nung napansin na nila ako, ngumiti sila. Nilapitan ko na agad sila.
"Tara! Ako na ang maghahatid sayo!" Nakangiting sabi ni Ryan. Ngumiti naman ako.
"Sige, ah sige Trigger, Harry, una na ako, salamat nga pala Trigger." Utas ko.
"Okay lang, wala yun. Ingat ka, Ingat kayo Ryan." Aniya sabay senyas kay Ryan. Ngumiti naman si Harry.
Sumunod na ako kay Ryan papuntang parking area at binuksan ang kotse nya, sumakay na ako, ganun rin si Ryan.
"Nabalitaan ko nga pala ang nangyari kanina. Pag pasensyahan mo na si Dustin sa inasal nya kanina ah?" Aniya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.
"Okay lang yun! Naiintindihan ko sya."
"Ayaw nya lang kasi umasa ulit, nasaktan na sya dati ayaw nya ng mangyari yun. Labis nya kasing mahal yung babae, kaso iniwan sya dahil sa hindi pa raw handa yung ex nya, kaya naging malayo ang loob ni Dustin sa mga babae. Ayaw nyang mahulog sya. Pero nung dumating ka, nagbago ang lahat. Maniwala ka saamin, mahal ka nya, takot lang 'yun." Aniya. Naniniwala naman ako eh. Dahil nararamdaman ko 'yun. Sya tong takot lang. Hindi ko naman sya masisisi. Ewan ko ba sa ex nya! Minahal naman sya ni Dustin nakuha nya pang sumuko. Nakakainis sya!
"Alam ko naman yun! Sa ngayon, hayaan na lang muna natin sya" walang buhay kong sabi.
"Tama, maybe he need more time." Aniya. Siguro nga, kailangan nya pa ng oras para maka adjust.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.