Rianne's POVInayos ko na ang cake at nilagay na sa box nya, pati na rin ang mga balloons na maliliit eh diniki ko na para di na ako mahirapan sa pagkarga. Dapat mauna ako sa condo nya. Alam ko naman ang password sa pinto nya eh. Dun ko sya isusurprise. Dali-dali na akong lumabas, nilock ko na rin ang mga pinto, naglakad na ako palabas ng village para makasakay na sa taxi. Naka black dress ako na medyo abot hanggang tuhod na may ribbon na white, naka light make up ako, para naman maganda ako sa paningin nya, yung buhok kong maikli at effortless na curl nakalugay lang, naka doll shoes with matching shoulderbag na mahaba.
Agad kong pinara ang taxi at sumakay na. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Nag away kami ni Jess dahil lang kay Andrew, ganun ko ba sya mahal kaya kahit bestfriend ko eh inaway ko? Ngayon lang kami nagkasagutan ni Jess. Haaay... Kainis naman kasi eh! Tss. Mamaya ko na nga lang isipin yun! Ang importante kailangan kong mauna kay Andrew, nag txt ako kanina sakanya, tinatong ko if nasaan sya, sabi nya may practice raw sila ng team, kinuha kasi sya ng coach ng school namin para maging basketball player. Kaya tama lang yung timing, sakto pag uwi nya andun na ako.
Mga ilang minuto pa, dumating na rin ako sa condo nya, agad kong pinakita ang VIP I.D ko sa guard, Oo gumawa si Andrew para maka pasok at labas lang raw ako dito. Hindi kasi basta basta makapasok dito eh. Nagtungo ako sa elevator, nung bumukas, agad akong pumasok at pinindot ang floor nya. Mga ilang sandali pa, bumukas na ang elevator, dumretso ako sa unit nya, binaba ko muna ang mga dala ko, at pinindot na ang password nung nag bukas, kinuha ko ang cake at iba pang dala ko, pagbukas ko ng pinto,napawindang ako, biglang nalaglag ang panga ko, hindi ko inasahan ang nakita ko, imbes pala nabsya ang masurprise ko, ako pa yata ang nagulat sa surprise nya, si Andrew... At... May kahalikan na babae, naka bra at jeans na lang ang babae, si Andrew naman naka topless! Nanghina ang tuhod ko sa nakita, para akong binaksakan ng yelo, nanigas ang binti at paa ko sa nakita, biglang napatigil ang pagtibok ng puso ko, ano to? Bakit may babae dito? A-akala k-ko b-ba?... Agad kong nabitaw ang mga dala ko. Nakita kong napatigil sila at napatingin na gulat si Andrew, kaya agad nyang tinulak ng mahina ang babae, at maging ang mukhang octopus na babae ay nagulat rin sa biglang sulpot ko sa harapan nila.
"R-rianne? W-what a-are you d-doing here?" Pa utal utal nyang sabi. Walangya! Niloko nanaman ba ako? Wait what? He's cheating right? Oo kasi naghahalikan eh! Fvck! This can't be, Rianne! Hindi to totoo! Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko, bigla syang lumapit saakin.
"Rianne? Anong ginagawa mo dito? Bat hindi ka man lang nag t-" PAK* bigla ko syang sinapal! Ano raw? Bat hindi man lang ako... nagtext?? Yun ba yun?
"ANG GALING MO!! BAT HINDI AKO NAGTXT??? FOR WHAT ANDREW??? PARA BIGYAN KA NG SIGNAL NA HINDI KA PWEDE DITO AT YANG BABAE MO??? HA?" PAK* PAK* Pagsasampal sampal ko sa kanya. Umiiyak na ako sa sobrang galit ko! Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"WHAT THE F*CK YOU'RE DOING?? HA!!! YOU ASSHOLE!!!! HINDI PALA MALI ANG BINTANG SAYO NG MGA KAIBIGAN KO!! DAHIL SAYO NAG AWAY KAMI! DAHIL SAYO NAGPAKATANGA NANAMAN AKO!!! WALANGHIYA KA!!! ANG KAPAL KAPAL NA NG MUKHA MO!!! PINAGTANGGOL PA KITA SA MGA KAIBIGAN KO!! SINO KA PARA SAKTAN AKO HA? HAYOP KA!!" Pagsisigaw ko, habang nagpupumiglas sa paghawak nya sakin. Ang sakit! Ang tanga ko! G*ga ko talaga!"RIANNE!!" Sumigaw sya! Imbes na nawindang ako, agad kong tinignan ang babae nya, gulat ito, parang hindi nya alam ang gagawin nya, agad ko syang nilapitan, nanggigigil ako!
"At IKAW!!" agad ko syang sinugod at... PAK!!!* malakas ko syang sinampal! Sabay sabunot sa makapal nyang buhok, kasing kapal nilang dalawa! Agad akong hinila ni Andrew.
"BITAWAN MO KO! HAYOP! HINDI KA NA BA NAHIYA? SABAGAY ANG KAPAL NA KASI NG MUKHA MO! Sob* ANO BANG GINAWA KO SAYO? NANGAKO KA! Sob* BAKIT? DAHIL HINDI KO MABIGAY BIGAY ANG GUSTO MO??!! CRAP!! BUTI NGA HINDI EH!! YOU'RE NOT EVEN WORTH IT!!!! Sob* GINAWA KO ANG LAHAT! PARA HINDI KA NA MAGHANAP NG IBA! PERO ISA LANG ANG HINDI KO MAIBIGAY, PERO BAKUT DI MO MAN LANG AKO MAINTINDIHAN?? HUH?? I TRUSTED YOU, A-GAIN! MINAHAL KITA AT ALAM MO YUN!!! BAKIT? ANDREW? BAKIT???" PAK* Sampal ko ulit! ang sakit ah! Ang kapal kasi ng mukha. Basang basa na ang mukha ko dahil sa mga luha. Napahagulgol ako.
"Rianne? Please! I'm sorry. Wala ka na kasi masyadong time kaya nagawa ko to." Utas nya at parang nagmamakaawa! Ano raw? Bwisit! Hindi na ako magpapaloko sa pagmumukha mo!
"Hahahahahahah ano? Walang time? SH*T!!!! GUMAWA KA NAMAN NG KAPANIPANIWALA ANDREW!!!!! AKO PA ANG WALANG ORAS! LECHE YANG RASON MO!!! I'M DOING EVERYTHING PARA BIGYAN KA NG TIME! TINITXT KITA PAG GUSTO KONG MAGKITA TAYO! EVERYDAY YAN ANDREW!! PERO ANO ANG REPLY MO???? BUSY KA! MAY PUPUNTAHAN KA! MAY PRACTICE KA! AND ALL OF THAT! NANIWALA AKO!!! PERO ANO NGA BANG MALAY KO! NA YANG MGA RASON MO EH MAY KASAMA KA NGANG IBA!!! FVCK! INALIS KO LAHAT NG MASAMANG RASON NA ALAM KONG HINDI MO NA MAGAGAWA!!!" Halos sumabog na ako, gusto kong sunugin sila! Parang gripo na ang mga luha ko.
"Hindi kasi Ri-" pinutol ko na ang sasabihin nya, alam kong wala ng sense! Ayoko ng maging g*ga!!
"SHUT UP!!! WALA NA TAYO! ENJOY WITH THAT WHORE!" galit kong sabi! Galit ako kaya hindi ko na mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko, agad akong tumalikod, aalis na san ako ng, Naalala ko yung cake! Kukunin ko yun! Gawa yun ng mama ko! Agad kong niligon ang nalaglag na cake.
"My mom baked this! But looks like You don't deserve this!!! Stupid!!" Sabay hablot ko at lumabas na, iyak parin ako ng iyak! Ang g*ga ko! Ang tanga ko! Napaka tanga!! Wala akong mapagsabihan ngayon! Hindi naman kami okay nila Jess ngayon! Naisipan kong pumunta sa isang Bar, gabi na pala! Wala akong makita dahil blur na ang mata ko sa luha. Para akong tanga dito sa daan, naglakad ako ng 15mins. Hanggang sa makakita ako ng isang Bar, maraming naglalabas masok. Binigay ko ang cake sa isang bouncer ng Bar na ito, nagulat naman ito at nagpasalamat. Wala na ako sa sarili, basang basa na ako sa sariling luha ko. Potek! Gusto kong magpakalasing hanggang sa hindi na ako makahinga, para sa ganun mawala na ako. Ang sakit kasi! Ang hirap huminga! Naninikit ang dibdib ko. Sa oras na to gusto kong takasan ang sakit! Bumalik ang sakit ng nararamdaman ko nung una akong sinaktan ni Andrew. Ano pa ba ang kulang? Sobra ko syang minahal, binago ko lahat para lang bumawi sa kakulangan ko noon sa kanya, pero bakit ganun? Bat kailangan kong masaktan ng ganito? Nagkamali ba ako?
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.