Rianne's POVPagkatapos ng classe ko, dumiretso na ako sa ospital, gusto ko kasi syang bisitahin at kamustahin kung okay na ba sya, sinabi ko na rin kina Jess ang nangyari, gusto nga raw nila sumama kaso Exam nila, natapos ko na rin yung mga exams ko, medyo nahirapan ako kasi kulang ang tulog ko hindi na rin ako nakareview sa exam. Nalaman rin ni mama ang tungkol kay Dustin, medyo nagalala rin sya, kahit na isang beses nya pa lang nakita si Dustin.
Medyo matagal na rin si Dustin sa ospital, binigyan naman sya ng excuse ng mga teachers nya. Binibisita ko sya pag vacant. Ganun pa rin, tinataboy nya pa rin ako pero hindi ko sya iniiwan kahit ilang beses nya pang gawin yun.
Nagtungo na ako sa room nya. Pagbukas ko, nakita ko na sya, natutulog, pero may nakakabit nanaman ng oxygen mask, lumala nanaman ba? Mas maraming hose nanaman ang nakadikit sa kanya, nasasaktan ako pag makita sya ng ganyan.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Andito na ako. Kamusta ka na? Mukhang ang himbing ng tulog mo baby loves!" Nakangiti kong sabi. Alam ko paggising nya, itataboy nya nanaman ako.
Umupo ako sa tabi nya. Haay.. namimiss ko na ang masayahin na Dustin. Yung Dustin na kinukulit ako.
"So you're down there
Confused you can't bear
When things aren't easy
Hiding is not the answer
Anxiety
Then faithless you'll be
Hope
Just fall on me
There's no other answer
I'll catch you just fall on
Here me now
Hear my voice
Speaking the words of love
How lucky you are
Just open your eyes and see..."
Pinahid ko ang mga luha ko. Kung alam mo lang na kung gaano na kita kamahal Dustin.
"Alam mo ba ang swerte ng anak ko at nakilala ka nya!" Napabalikwas ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang mama ni Dustin na naka ngiti.
"P-po?" Utal kong sambit. Lumapit sya saakin at humarap sya kay Dustin. Nakita ko ang lungkot ng kanyang mga mata.
"Minsan na syang nasaktan ng taong minahal nya, naawa ako sa nangyari sa kanya noon, minahal namin si Sandy" Sandy? Ang ex nya? "Tinuring namin sya na parang pamilya na namin, noon lagi kong hinahanap kung nasaan na si Sandy, bakit hindi na sya pumupunta saamin, pero hindi ko alam na may mabigat na rin palang dinadala si Dustin, maliban sa kanyang sakit, yun ay ang iwan sya ni Sandy na wala man lang binigyan ng valid reason, kaya labis din akong nasaktan ng malaman ko yun." Utas ng mama nya, nasaktan din ako sa pinagdaanan ni Dustin. Kaya pala noon ang sabi nya may mga taong kahit mamamatay na at nasaktan ay mas pipiliin parin ang mabuhay, yun pala yun.
"Asan na po pala sya?" Gusto ko kasing malaman kung asan na sya. Hindi ko kasi natanong kina Trigger.
"Si Sandy? Ang huli kong balita may Fiance na raw eh. High school pa lang may usapan na ang mga magulang ni Sandy at ng Fiance nya. Pinagkasundo na sila." Aniya. Ganun pala, siguro nagawa nya lang yun dahil pinagkasundo na sila.
"Ganun po ba.." yun na lang sinagot ko.
"Rianne, do you love my son?" Aniya. Napasamid naman ako sa tanong ng mama nya, uminit mukha ko, nakakahiya naman. Do I really need to answer that? Sa harap ng mama ni Dustin? Napakamot ako.
"Uhm..." gawd! Hindi ako makasagot potek! Nakita kong tumawa ang mama nya.
"Hahaha namumula ka, alam ko naman na mahal mo sya, alam kong ganun rin ang anak ko, ikaw kasi ang nasa wallpaper nya at sa picture frame ng side table nya, nakatingin pa nga kayo sa isa't isa. Hahaha" mas uminit mukha ko sa sinabi nya. At dahil dun mas gusto kong iparamdam pa na mahal ko rin sya. "Hahaha pagnalaman nya talaga na sinasabi ko to sayo alam kong magwawala na naman to! Alam mo ba dati, lagi yang nagkukulong lang sa kwarto, laging mag isa, pero nung pumasok sya sa I.U. nag iba na. Sa babae, ate lang nya ang close eh, sakin kasi nahihiya sya." Aniya, at humalakhak sya ng mahina. Ang dami pala talagang nangyayari sa kanya lahat yun kinikimkim nya lang, malayo sa pinakita nya saakin.
Nakita namin gumalaw ang kamay nya.
"Dustin, kamusta?" Utas ng kanyang ina.
Nakita kong dahan-dahan nyang minumulat ang kanyang mga mata. Tumingin sya saakin pero binawi nya agad ang kanyang tingin.
"Alam mo bang lagi kang pinupuntahan dito ni Rianne, ba't ka ba ganyan! Pasensya ka na dito iha ha?" Utas ng mama nya. Pero mukhang wala syang narinig. Asar! Ang suplado naman neto! Choosy pa ah! Tss.
"Ayos lang po 'yun Tita, hayaan na natin sya mag pahinga." Yun na lang sinabi ko. Nasasaktan din naman ako pagtinataboy nya ako. Pero dahil pinanghahawakan ko ang salitang 'mahal nya rin ako' hindi ako susuko.
Napasinghap ako ng malalim dahil sa naninikip ang dibdib ko. Hinilot ko na lang ang dibdib ko. Kulang na siguro ako ng pahinga.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.