CHAPTER SEVENTEEN

4 0 0
                                    


Dustin's POV

Maaga akong nagising. Maaga kasi ang first class ko, bukas lilipat na ako sa condo., naligo at nagbihis na, lumabas na ako para makapag almusal na, pagkababa ko nakita ko si papa sa kusina si mama naglalagay ng pagkain sa mesa. Si Karl kumakain.

"Pa" bati ko sa kanya. Di ko na kasi sya kagabi nakausap, dahil sa sobrang pagod medyo napasarap na ang tulog.

"Oh kamusta ang gwapo kong anak? Aba! Tumangkad ka na ah? Malaki na ang katawan?" Utas nya sabay yakap.

"Oh diba sabi sayo? Binata na talaga diba? He's now a man" sabat ni mama na mgumingiti habang naglalagay ng pagkain sa mesa.

"Nag-iba si kuya! Akala ko po nga foreigner nung nakita ko, hahahaha baka may inspiration na!" Pangaasar na sabi ni Karl. Baliw talaga tong kapatid ko.

"Hahaha sira! ikaw rin naman Karl! Binata na! Hahah. Ayos lang po di ko na kayo kagabi nakausap nakatulog na po ako, salamat nga po pala sa condo na binili nyo. Kayo po kamusta? Kamusta na rin po ang bangko?" Pagkakamusta ko, namiss ko talaga sila dito. Si papa at mama ganun pa rin naman. Tumaba ng konti si mama, si Karl, tumangkad na hanggang balikat ko, binata na rin yung dating. Nasa high school na kasi.

"Malaki ang space nun. Ayos lang, sinabi na ng mama mo, Nako ayun! Medyo nagawan na namin ng paraan." Sabay kalas nya sa pag akbay nya. Umupo sya, umupo na rin ako.

"Ahh mabuti naman po kung ganun." Sagot ko, habang sinusubo ang bacon. Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto, pagkatapos nun, naghanda na rin kami para pumasok na.

"Ma? Una na po kami" paalam ko kay mama sabay kiss sa pisngi.

"Okay, Goodluck anak. Ingat kayo." Utas ni mama sabay wave. Ngumiti na lang ako at nag wave na rin at pumasok na sa kotse. Pinatakbo na ni papa ang kotse. Una namin hinantid si Karl, medyo malapit kasi sya kesa sa school ko. Di ko na rin dinala kotse ko, unang araw ko kasi, gusto ko muna sumabay kina papa.

"Pa, salamat. Una na po ako. Ingat kayo." Paalam ko sabay baba na.

"Osge. Susuduin ba kita mamaya?" Tanong ni papa.

"Hindi na po, magtataxi na lang po ako, maaga po kasi ang uwi ko ngayon." Utas ko, hanggang 3pm lang kasi ako.

"Osge. Ingat ka." Sagot ni papa saka pinatakbo na ang kotse. Pumasok na rin ako sa loob ng school. Ang laki pala talaga. Pagpasok ko, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga babae, hahaha wala eh! Kapansin pansin na ako. Nagtungo na ako sa room ko, ayokong malate sa unang araw ko, nakakahiya naman kasi, dalawang araw akong hindi pumasok.

Mukhang mabilis akong mapagod ah! Ang layo-layo kasi ng rooms at buildings. Malapit na ako sa room ko ng makita ko si...

"Harry?" Taka kong tawag. Nasa labas sya ng room na dapat room ko rin. nakatalikod, medyo nag iba na ang katawan, lumapad na ang balikat. Dito pala to nag-aral? Bigla syang lumingon. Na parang kinikilala nya ng maayos.

"Dus...tin? Ikaw ba yan??" Gulat nyang tanong. Hahah siguru di ako agad nakilala. Binata na rin ang mokong, gumwapo lalo, ganun ba pag college na. Hahah

"Oo ako to!" Ngiti kong tawa sabay, yakap. Niyakap nya rin ako. Hahah namiss ko ang lokong to! May nagbago kaya Bukod sa physical? eh mental kaya? Haha

"Oy pare! Hindi kita nakilala huh! Ibang-iba kana! Kamusta? Ilang taon ka rin hindi nagparamdam huh!" Masayang tanong ni Harry sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"Hahah Oo nga eh! Mahabang kwento. Okay lang ako. Kayo kamusta? Sila Trigger kamusta? Grabe! Ang tagal ko rin kayo hindi nakita! Kita tayo mamaya! Dito ka pala nag aral?" Masaya ko rin tanong. Masaya talaga ako, dahil nakita ko to dito.

"Hahaha okay kami. Dito kasi gusto ni Dad, hahah Nako! Matutuwa sila Trigger, ang akala kasi namin hindi kana babalik! Nagalala na kami sayo! Dahil hindi kana nagparamdam sa mga emails namin." Utas nya sabay akbay. Medyo mas matangkad ako sa kanya. Hahah

"Hahaha sabay na tayo mamaya! Namiss ko kayo! Hahah saan ang room mo?" Utas ko.

"Hahaha Oo ba, dito room ko, ikaw? Haha Anong course mo? Yun pa rin ba?" Ngiti nyang tanong.

"Huh? Eh dito rin ako! Hahaha Oo tinuloy ko, buti nga at credited lahat kaya eto, 3rd year, hahah" Utas ko sabay pasok na sa room, haha ang galing, parehong room pa. Minor ko pala ngayon so hindi na malabo na maging classmate ko, well siguru, nakatakdang magkita kami sa dinami dami ng estudyante dito mahihirapan pa kami maging magkaklase.

"Ayos ah! Si Ryan? Si Trigger?" Pagtatanong ko sabay upo namin sa pinaka last na upuan.

"Hahaha ayun! Si Ryan, sa U.P. na, si Trigger naman U.E naman.. And Oh! Hahah nabalitaan mo naman siguru si Ryan na binata na? Hahah" tatawa tawang sabi ni Harry.
Hahah oo nga pala, nakita sa email ni Trigger.

"Ohww Hi Harry, and... well, girls looks like we have a new baby here, hmm" sabat ng isang babae na may mga kasama rin grupong babae, Humarap kami para tignan sila. Matangkad, blonde hair, maganda naman kaso parang inubos ata ang mga make up sa cosmetics, na sobrahan kasi. Ganun rin ang mga kasama nya. Nakangiti sya habang tinitignan ako.

"Oh Hi, Pauline." Bati ni Harry sabay tayo at akbay sa sinasabi nyang Pauline. Langya! Hahah hindi pa pala nagbago. Chiks magnet pa rin.

"Pakilala mo naman ako sa artista mong friend" ngiti nyang sabi habang nakatingin parin sakin.

"Ah, heheh Pauline, this is one of my bestfriends, Dustin. And uhm Dust, si Pauline nga pala." Pagpapakilala ni Harry.

"The most Prettiest in this School" sabat nya na naka ngiti.
Nag alok naman ng kamayan si Pauline. Pero di ko tinanggap. Hindi kasi ako nakikipagkamayan sa mga hindi ko kilala lalo na pag mahangin hahaha. At alam yun nila Harry.

Agad naman binawi ni Harry ang kamay ni Pauline na nakangiwi na si Harry, na parang sya na lang ang nakipag kamayan. Nagulat naman si Pauline sa ginawi ni Harry.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon