CHAPTER SIXTEEN

2 0 0
                                    


Dustin's POV

"Welcome back kuyaaaa!" Bungad ni Karl nung pagkalabas ko sa Airport. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap.

"Welcome back anak" utas ni mama sabay yakap din saakin.

"Thanks ma" sambit ko.

"Kuya? Gumwapo ka ng sobra ah! Ibang iba ka na kuya! Para ka ng si Edward sa twilight." Utas ni Karl.

"Oo nga, nagiba itsura mo nak! Yung dati mong slim body, ngayon lumaki ng konti. Masyado mo atang inatupag ang pag ji-gym mo ha? Mas lalo kang pumuti." Pabirong sabi ni mama. Hahah napansin talaga nila, sabagay 2 years na akong di naka uwi dito. Sila mama at papa kasi umuwi agad nung pasukan. Ayaw nya kasi sa france mag aral si Karl, kaya ako na lang at si Ate ang naiwan dun.

"Hahaha eto nga si Karl! Tumangkad na ah! Binatang binata na! Hahaha may girlfriend ka na ba?" Pabiro kong sabi.

"Hahaha wala pa po!" Ngingiti nyang sabi. Ngumiti na lang din ako, na parang may laman ang ngiti. Hahaha Ang mga ngiting yan alam ko na yan! Hahah pero ayos lang naman, parte na yun sa paggogrowing up.

"Si papa po?" Tanong ko sabay tingin sa likod nila.

"Nako! Di na kasama papa mo. May naging problema kasi sa bangko." Utas ni mama.

"Ah ganun po ba. Tara po, uwi na tayo! Namiss ko ang bahay, yung kwarto ko." Pagyaya ko sabay pasok nanamin sa kotse. Namiss ko ang pilipinas. Ang tropa ko. Kamusta na kaya sila? Simula nung umalis ako, naging madalang na ako sa pag update sa kanila. Nagtampo kaya yung mga yun?

"Anak? Inenroll na kita. And bumili na kami ng condo para sayo, malapit lang sa school mo, kahit ayaw ko dahil walang mag-aalaga sayo, pano kapag inatake ka dun? Tsk! Pero ang sabi ng papa mo, hayaan na raw kita para maging indipendent ka raw. Haay" Utas ni mama. Huh? Hahaha wow naman! May condo na ako? Yun kasi hiningi ko kay papa, kay papa ko hiningi dahil alam kong hindi papayag si mama. Oo nga pala, di ko na tinapos ang course ko dun, kasi naisip ko na rin umuwi dito. Gusto ko rin ipagpatuloy dito, sa I.U.

"Talaga po?? Wow! Hahaha okay po ma, salamat." Ngiti kong sabi sabay pikit at nag YES!
"Papasok na rin po ako bukas. Kailan ako lilipat ma?" Dagdag ko.

"Andun na yung mga kakailanganan mo, mga damit. Okay sige, para naman makahabol ka. Sige, Pahinga kana." Utas ni mama, sabay tingin sa daan.

Excited na ako sa bagong condo ko. Pumikit na rin ako. Ang haba kasi ng byahe, napagod ako. Medyo jetlag. Madali lang talaga ako mapagod. Laging wala sa mood ang katawan, nung nasa france ako, once a month kami nagpapacheck up, para iwas infections sa bloodstreams, nakakapagod nga, kasi andami pang test. Sabi ng doktor, maintain lang ang check ups every 1st month. Ilang oras pa nung naramdaman kong niyuyugyog ako.

"Anak? Andito na tayo!" Tawag ni mama para gisingin. Minulat ko na ang mga mata ko, andito na pala. Lumabas na ako at kinuha ang mga gamit ko.

"Kuya? Kamusta kayo ni ate dun? Sayang! Sana dun na lang rin ako nag aral nuh?" Ngiting sabi ni Karl.

"Hahaha Oo nga, ang ganda dun! Nagkaroon rin ako ng bagong friends dun!" Masaya kong sabi sakanya. Pero mas namiss ko ang tropa ko dito. Puro naman kasi mga foreign, iba parin pag pinoy.

"Talaga po? May naging girlfriend kana ba dun kuya?" Ngiti nyang sabi.
Gusto nya talaga akong magka girlfriend. Hahah. Wala akong naging girlfriend dun, sabi ko nga, gusto kong ilayo ang sarili ko sa ganyan. May iba naman na pinipilit ang mga sarili, mga imported girls ang lumalapit, pero never kong binigyan ng atensyon. Oo sabihin natin masaya nga sguru magmahal, pero di na ako umaasa. Kasi lahat naman may hangganan.

"Nako! Wala eh. Hahaha ayoko na nga diba?" Utas ko sabay pasok namin sa loob.

"Ganun? Ang boring naman pala ng buhay mo kuya." Nakangiti nyang sabi.

"Karl! Ano nanaman yan ha? Hayaan mo na kuya mo magpahinga." Pagsaway ni mama. Nagkamot na lang si Karl.

"Hahaha pahinga muna ako ma" utas ko, nag nod na lang si mama. Umakyat na ako, dala ang maleta ko, saka binuksan ang pinto ng kwarto ko. Namiss ko ang kwarto ko. Wala pa rin pinagbago, ganun pa rin pero wala na yung mga ibang gamit ko maliban sa laptop. Nilapag ko na ang mga gamit ko, nagpalit na rin ng damit at umupo sa harap ng laptop ko, agad kong binuksan ang emails ko...

From: Trigs Balmonte

'Pare? Kamusta? Ang tagal mo ng hindi nag u-update ah!'

---

'Dustin? Busy ka na ata ah? Mukhang nakalimutan mo na kasi kami. Grabe ka ah! Pero nabalitaan namin kay tita, busy kana raw talaga sa pag aaral! Basta algaan mo katawan mo pare! Alam kong pagbalik mo, malusog kana, hahah and may girlfriend.'

----

'Oy pare? Happy New Year, oh di ka namin nakalimutan. Kasama ko sila Ryan at Harry ngayon. Alam mo na, just like the old school. College na rin tayo. Hahah'

-----

'Oy pare! Hahah 2nd year na kame, ikaw ba? Masaya ka ba dyan? Namimiss ka na namin! Si Harry nga pala, Playboy parin, si Ryan, nako! Hindi ka maniniwala. May nililigawan na rin hahaha binata na pare! Taga I.U. hahah ikaw dyan? Nasubukan mo rin ba ulit ang magmahal? Sana pare! Balitaan mo kami pag umuwi kana ha? Ingat ka.

(Hahaha si Ryan? Buti naman kung ganun. Mukhang ang laki ng atraso ko sa mga yun! Namiss ko talaga ang mga mokon na to! Hahah)

Nag email din ako sakanila, para ipaalam na nandito na ako, nawala kasi yung phone ko noon, andun pa naman ang mga number nila. Hindi ko na rin nagawang mag email, naging busy ako, aalis ako ng maaga tapos uuwi gabi na noon. Naging busy buhay ko sa france. Nilibang ko sarili ko para makalimutan ang mga masasamang alala at magbago. Gusto ko kasi bumalik yung bagong ako.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon