CHAPTER THIRTY NINE

17 1 1
                                    


Rianne's

Bumalik na ako sa cottage namin. Baliw kasi yung Dustin na yun! Iniwan ako ng hindi man lang dinugtong sa sinabi nya. Tss. Ano bang pake ko?

"Huy! Ano yang mukha mo?" Utas ni Jess. Na naka upo, busy kasi sila nikki sa pag iihaw.

"Huh? Bakit?" Taka kong tanong.

"Umiyak ka ba?" Aniya.

"Ah hindi! Hahah sinisipon kasi ako." Ngumiti ako, para hindi nya mahalata.

"Sinisipon? Ako ba pinaloloko mo? Bakit? Si Andrew ba?" Seryoso nyang tanong. Nahalata nya parin. Tss. Wala na akong takas.

"Tumawag sya. Gusto nya akong makausap." Malungkot kong sabi.

"Tapos? Pumayag ka?" Irita nyang sabi. Akala siguru ni Jess, nagpakatanga nanaman ako.

"Hindi." Maikli kong sabi.

"Wag mo na syang pag asayangan ng oras. Nanadya talaga yang Andrew na yan eh!" Aniya.

"Hindi na! Pagod na ako. Sawa na ako. Na untog na ako Jess." Walang buhay kong sabi. Lumapit si Jess at niyakap ako. Pinigilan ko ang mga luha ko. Ayoko na syang iiyakan, napapagod na ako.

"Hey!Hey!" Sigaw ni Harry ng lumapit saamin. Kumalas si Jess sa pagyakap.

"Pwede ba!" Inis na sabi ni Jess.

"Oh? Hahaha easy lang!" Nakangising sabi ni Harry.

"Yyiiiiieee. Wooooh!" Pangungutya nina Trigger, nagsidatingan na rin sila sa loob. Hinanap agad ng paningin ko si Dustin. Nung nakita ko na sya agad kong iniba ang tingin, tumingin kasi sya. Baka isipin nya, hinahanap ko sya. Tss. Totoo naman kasi. Haha

"Oy Guys! Guys! Laro tayo ng spin the bottle. Hahah" pagyaya ni Trigger.

"Alright!" Sambit ni Ryan.

"Okay. Walang KJ guys ha?" Utas ni Harry. Nag upo na kami na pabilog, sinimulan na ni Trigger ang pag spin sa bottle. Tumigil ito sa tapat ni Harry. Nagsigawan kami. Sinimulan ma syang tanungin ni Trigger.

"Truth or Dare?" Nakangising sabi ni Trigger.

"Truth muna. Hahah" natatawang sabi ni Harry.

"Okay. Gusto mo ba si Jess for real?" Nakangising tanong ni Trigger. Naghiywan kami sa tanong nya. Kinilig kami ni Nikki. Napatingin kaming lahat kay Jess, na magkasalubong ang kilay. Haha for sure badtrip nanaman to mamaya.

"Hahah Oo naman! Sa ganda ni Jess? MapapaWOW ka!" Pangaasar na sabi Harry. Nagsitawanan kaming lahat.

"Uuuyyyy!!" Pangungutya namin ni Nikki kay Jess. Namumula na si Jess. Hahaha natatawa ako sa reaksyon ni Jess, umuusok na ang ilong sa inis.

"Tse!" Inis na sabi ni Jess. Tawanan at asaran kami sa sagot ni Harry. Tinuloy namin ang laro, pinaikot naman ito ni Harry. Tumigil ito sa tapat ni Nikki.

"Your Turn! Truth or Dare?" Tanong ni Harry sabay ngiti ng nakakaloko.

"Well... Truth ako! Nakakatakot yung dare! Haha" natatawanag sabi ni Nikki.

"Mahal mo ba si Ryan?" Utas ni Harry sabay tingin kay Ryan. Ngumisi naman si Ryan.

"Oo. Magpapaligaw ba ako? Haha" natatawang sabi ni Nikki. Nagsigawan at hiyawan nanaman kaming lahat. Feeling ko ako ang kinikilig sa mga to! Hahah. Mas napalakas ang pangaasar namin ng namula si Ryan. Hahah ang cute. Pagkatapos ng asaran, pinaikot naman ni Nikki ang bote. Natigil ito sa tapat ni Trigger.

"Hahaha your turn Trigs." Ngiting sabi ni Harry.

"Dare!" Lakas loob na sabi ni Trigger. Nagsintinginan kaming lahat at tumawa.

"Hahah okay! Tumakbo ka papunta dun sa ikatatlong cottage..." Utas ni Nikki.

"Yun lang ba? Hahah napakadali lang naman!" Pagyayabang na sabi ni Trigger.

"Hahaha no! I'm not yet done! Tatakbo ka only with your underwear lang!" Ngumisi ng nakakaloko si Nikki. Nagsigawan sina Harry at Ryan, pati na ang girlfriend ni Trigge. Haha napakasupportive lang eh. Napatayo si Trigger na inuupuan nya.

"WHAT?" gulat na tanong ni Trigger.

"Wooohhhooo! Go Brow!" Pangaasar ni Dustin. Sabay apir pa kima Harry.

"Oops! Diba dapat walang, KJ? Haha" pangaasar kong sabi. At naghiyawan na kaming lahat.

"Go babe!" Sambit ng girlfriend ni Harry. Tumawa kaming lahat. Nagsimula na si Trigger maghubad at naiwan lang ang kanyang suot na underwear. Nagsimula na syang tumakbo. Nagtawanan at sigawan kaming lahat. Parang sira!

Napaisip ako, kahit pala bago lang kami nagkakilala ng mga barkada ni Ryan, parang ang tagal nanamin magkakasama. Hindi ko nafeel na awkward or o.p. kahit nawalan man ako ng lovelife, may mga bagong kaibigan naman na mas masayang kasama.

Mga ilang saglit lang, bumalik na at nagbihis na agad si Trigger.

"Grabe! Ang lamig!" Aniya.

"Hahaha ayos lang, si machette ka naman eh!" Pangaasar na sabi ni Harry. Naiiyak na ako sa kakatawa sa mga to! Haha. Pagkatapos ng tawanan, pinaikot na ni Trigger ang bote, at sa kamalas malasan natapat to saakin. Shet! Kinabahan tuloy ako.

"Ahuh! Hahah Your turn Rianne!" Utas ni Trigger.

"Dare! Dare! Dare!" Sigawan nila Nikki, nakisama pa talaga si Jess. Tsk. Natatakot ako magdare! Baka kasi kung ano ang ipagawa. Malay ko baka magpapahubad sila. Ew kadiri! Never!

"Sige! Dare!" Hahah hindi naman sila siguru ganun kaharsh! Dare na lang.

"Wooooohhhh!!!" Nagsigawan sila Harry. Nakita ko si Trigger ngumiti ng nakakalokong ngiti.

Ano naman kaya ang iniisip nyang ipagawa sakin? Lintek! Bat pa ako nag dare! Lakas naman ng fighting spirit ko. Tss.

"Okay Dare! I dare you to Kiss... Dustin, sa LIPS!" Nakangisi nyang sabi.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon