CHAPTER THIRTY FOUR

8 0 0
                                    


Dustin's POV

Friday...

"Okay sige. Kita na lang tayo dun." Utas ko, tumawag kasi si Harry at sinabi na magkikita na lang raw kami sa rooftop ng isang hotel na napag usapan namin, mag paprivate plane kasi. May outing kami pero sa isang island yun.

Lumabas at dumiretso na ako sa usapan namin lugar. Nung dumating ako, nakita ko na si Harry, Trigger at ang girlfriend nya, nag rent lang kami ng private plane. Ngayon na lang rin ulit kami mag a-outing.

"Oh pare!" Utas ni Trigger, Sabay yakap namin na pang tropa.

"Wala pa ba si Ryan?" Pagtatanong ko. Medyo maaga pa naman eh. Pero mas maganda kung maaga kami pupunta.

"Wala pa eh! Sinundo nya pa kasi si Nikki at yung dalawa." Utas ni Harry. Ganun? Magdadala pa ng kasama? Nag nod na lang ako, after ng ilang minuto dumating na rin, natatanaw ko na si Ryan at ang kasama nya, tatlo ata. Nasa likod yung dalawa, di ko pa masyado makita. Sya pala yung nililigawan? Maganda naman. Bagay sila. Sana hindi nya iwan si Ryan, kasi napaka swerte nya sa barkada namin.

"Uy pare!" Utas nya ng nakangiti. Ngumiti naman ako.

"Ah Oo nga pala, si Nikki, yung sinasabi ko sayo! Hehehe Nik, si Dustin, barkada namin yung galing france." Nakangiti nyang sabi. Nag wave naman ako. Tulad ng sabi ko, kahit na kilala ko na di pa rin ako nakikipag kamayan. Lalo na pag babae. Ngumiti naman yung Nikki nyang kasama.

"O-oy baka kung anu-ano na ang sinasabi mo sakin ah!" Pabiro kong sabi.

"Hahaha wala ah! Sinabi ko lang naman na may kaibigan kami na nasa ibang bansan. Yun lang. Ah wait, may pakilala ako, ito nga pala si Rianne, and Jess, ahm si Dustin pala." naka ngiti nyang sabi. Nang hinarap nya kami, nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga! Seryoso? Sya nanaman? Ano to? Maliit ta talaga ang mundo?

"Ikaw?" Sabay namin sabi ni Harry. Nakita kong gulat din yung babae at mga kasama nya.

"Huh? Wait! You both know her?" Takang tanong ni Ryan.

"Sya yung Girlfriend ni Dustin!" Gulat na sabi ni Harry. Hindi ko pala nasabi sa kanila ang nangyari kasi pina uwi ako ni mama nung time na dapat magkikita-kita kaming apat.

"Huh? Anong Girlfriend? Dustin? May Girlfriend ka na? Kailan pa? Bat wala kaming alam?" Gulat rin na tanong ni Trigger. Tss. Yan tuloy! Dahil sa kagagawan nya eh!

"Rianne? A-anong sinasabi nya?" Rinig kong tanong ng kasama nya na si Jess ata. Gulat namin syang hinarap. Naguguluhan silang lahat.

"H-huh? A-ah, a-ano k-kasi. Sya y-yung sinasabi ko sa i-inyo na t-tumulong s-sakin." pa utal utal nyang sabi.

"Aah sya ba? Kita mo naman! Ang liit ng mundo eh ano!" Singit naman ni Nikki.

"So hindi mo pala girlfriend? Nakaka gulat ka ah!" Utas ni Trigger na naka ngiti.

"Hahahaha okay! Hindi mo kasi sinabi or tinxt nung nakita natin sya sa school at tinawag kang Baby Loves! So hindi pa kayo magkakilala?" Pang aasar na sabi ni Harry. Sira talaga to! Pinahiya pa ako, nagtawanan pa sila. Tss. Biglang syang lumapit sa babaeng tinawag akong baby loves. Hahaha

"So Hi! I'm Harry and you are...?" Pacute nyang sabi. Loko! Umandar naman! Hahah

"Kakasabi lang nga diba? Rianne!" Pang aasar na sabi ni Ryan.

"Hahaha Okay sorry! Nabingi lang ako sa ganda nya." Sabay ngiti ng nakakaloko. Ayan nanaman si Harry!

"Tss." Utas ng sinasabi nilang Jess.

"Oh bakit? Nagseselos ka ba? Hahah" pang aasar na sabi ni Harry. Hahaha may kulang-kulang kasi tong si Harry. Tss.

"Excuse me?" Iritang sabi ni Jess.

"Hahaha tara na nga kayo!" Pagyaya ni Trigger. Sumunod na rin kami at sumakay na. 30mins. Lang naman raw ang byahe. After ng 30mins., nakarating na rin kami. Ang ganda ng dagat! Ngayon lang ako nakapunta dito, isa kasi sa may ari ang papa ng girlfriend ni Trigger sa beach na to. Swerte nga kami walang tao ngayon. May mga bahay-bahay naman para saan mag stay, may mga cottage, stores, shops. Pero nakareserved na to para saamin kaya walang kataotao maliban sa mga nagbabantay, nagbebenta.

Bumaba na kami at naghiwahiwalay na, gusto ata nilang mag enjoy sa tanawin, which is napakaganda ng view dito. Tahimik at payapa. 3pm na, mag siswiming na ri kame maya-maya.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon