Rianne's POV"Ano kaba! Hayaan mo muna sya! Para kang patay na patay dun eh!" Utas ni Jess. Nasa gym kami ngayon, foundation day kasi namin kaya walang pasok.
"Oo nga! Baka nga kailangan nya pa ng oras" singit ni Nikki habang nagpapowder.
"Sya na ang babae ngayon ah!" Iritang sabi ni Jess. Mga baliw talaga. Ilang linggo na rin pala ang nakalipas, nakaalis na rin si Dustin sa ospital. Pero ilang linggo ko na rin sya hindi nakikita sa school. Iniiwasan nya talaga ako eh.
Hindi na lang ako kumibo sa dalawa kong kaibigan, magsisimula na rin kasi ang program. Open remarks na.
Pagkatapos ng mahabang sermon, Nagsimula ng maghiyawan ang mga estudyante dito sa loob. Ang sabi may intermision raw, kaya mas lumakas ang hiyawan ng lumabas na ang apat na lalaki, naka white jacket ang tatlong at ang isa naka red naman, hindi ko makita ang mga mukha nila, naka cap sila at nakayuko ang mga ulo, ng nagsimula na ang tugtog mas lumakas ang hiyawan ng mga tao dito sa loob, ganun rin si Nikki, naiirita na nga si Jess, naiingayan na sya.
Napatindig ang balahibo ko sa kantang sasayawan nila, mas nakakalaglag ng mata ng sumayaw na sila. Kahit hindi ko man makita ang mukha nila feeling ko nanonood ako ng mga boy band na sumasayaw. Parang every moves nila suabe. Hindi ko masisisi si Nikki sa pagtitili pati ang mga iba pa dito.
"Waaaaaahhhh! Oh my Gosh! Wooooooohhhh!!!" Sigaw ni Nikki. Parang inaatake na eh, nag hahyper ventilate na. Parang wala lang boyfriend eh, Oo nga pala sinagot nya na si Ryan, last week pa. Kaya masaya kami para sakanila. Sana nga sila na talaga.
Mas tumindi ang hiyawan ng mga estudyante ng tinanggal ng tatlong naka white jacket ang suot nilang cap at yung jacket nila. Pero hindi ko parin maaninag ang mukha nila.
"Teka! Parang kilala ko yung isa ha!" Utas ni Nikki sabay turo nya, sinubukan namin tignan ni Jess ang sinasabi ni Nikki, pero hindi ko makita dahil sa malayo kami. Naka sando na sila ngayon.
Malapit ng matapos ang kanta. Hindi parin tumitigil ang hiyawan, marahil dahil kilala nila ang mga sumasayaw.
Ng nag end na ang kanta nag form sila ng Triangle form at nilabas ang isang malaking card, may nakasulat na I LOVE YOU, baka part pa ng sayaw nila. Nakita kong tinanggal ng nakapulang jacket ang kanyang cap, mukhang hinggal na hinggal pa sa sayaw.
"Wait, I think kailangan natin lumapit para makita ang mga nangyayari." Utas ni Nikki sabay hila saamin. Sumunod na lang kami, nakita kong tinutulak tulak ni Nikki ang mga nababangga nya. Baliw talaga! Hindi na kami nakalapit masyado sa stage, siksikan na kasi.
Sinubukan kong tignan kung sino, hindi pa rin kasi tumitigal ang mga sigawan eh.
"Wooooohhh!" Sigaw ng mga babae sa likod ko, Tss. Atih nakakabingi kayo ah!
"Ehem..." utas ng lalaki. Damn! Bat ba ako sumama pa dito. Mamatay ako sa init eh! "Ms. Rianne Gail Sandoval? Andito ka pa ba?" Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan ko, natahimik ang lahat ng sigawan sa loob, para bang may dumaan na anghel.
"Oh my Gosh! I think alam ko na!" Utas ni Nikki sabay paypay nya gamit ng kanyang kamay.
"Ssssshhh!" Saway ni Jess. Natulala lang ako sa narinig ko, si D-Dustin ba 'yun?
"Gail, kung andito ka gusto ko lang sana sabibin sayo na..." hingal na hingal pa sya. "Thank you kasi hindi ka sumuko, kahit na ilang beses kitang pinaalis. Pinaramdam mo saakin na totoo ang pinapakita mo..." naghiyawaan ang mga tao sa loob. May kinikilig pa sa tabi namin.
"Who's that Rianne? Ang swerte nya naman! Parang nasa novela lang ah" utas ng hindi ko kilalang babae. Lumakas ang tibok ng puso ko.
"Gail, hayaan mong bumawi ako sa lahat lahat. Sana hindi pa ako huli. Dahil sayo nagkaroon ulit ako ng pag asa na mabuhay pa ng matagal. Natuto ako, nagkaroon ulit ako ng tiwala sa sarili, at dahil sayo hindi na ako natatakot." Utas ni Dustin sabay tingin tingin sa paligid, di nya talaga ako makikita dito sa dami ng tao. LaLong lumakas ang tilian ng mga babae kaya napatakip na ako ng tenga sa sakit. Ang lalande, eh. Hahah
"DUSTIN!" Sigaw ni Nikki, nagkatinginan lahat ng tao sa lugar namin. Langya talaga tong si Nikki Oo.
"What? Is she Rianne?" Mataray na sabi ng babae sa tabi namin. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Nikki.
"Oh no, I'm not Rianne, This is Rianne!" Inis nyang sabi sabay hila saakin. Nakita namin nagsi atrasan ang mga estudyante, lumingon ako kung saan sila nakatingin. Nakita kong papalapit si Dustin sa lugar namin.
"Gail" nakangiti nyang tawag. Naghiyawan nanaman ang mga tao dito. Yung iba nahihimatay na sa kilig, Tss. Talo pa ako ah? Tinignan ko sya, shet! Pawis at nakangiti. Ano 'to? Kinikilig na ako, para akong natetense, nanlalamig na ako, nangangatog na ang mga tuhod ko. Uhg. Ang Oa ng puso ko, ah.
"Please give me a chance, not for you to take care of me, but I, who will take care of you..." Utas nya, tinignan ko ang mapupungay nyang mga mata. Mas bumilis ang kabog ng puso ko, para syang nagwawala sa loob. I can't breath. Arrg.
"...Gail? Mahal kita, and I'm willing to love you more and more... pwede ba kitang ligawan?" Kasabay ng pag sabi nya ay ang hiywaan ng mga babae. Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan. Kinikilig na rin si Nikki, ngumiti lang si Jess.
Napapaluha na ako sa mga sinasabi nya, feeling ko ako na ang sawing tao na nabuo ulit dahil sa kanya. Kinikilig ako. Mix emotions.
"O-Oo, Oo Dustin" hindi makapaniwala kong sabi. Nakaka gulat rin naman kasi 'tong ginawa nya. Sira talaga, ngumiti sya at bigla nya akong niyakap. Wala na akong paki alam sa mga nasa paligid namin. Sa ngayon tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Sana hindi na 'to matapos, dahil ang saya-saya ko. Kaya hindi ako nagsasawang magmahal kahit na ilang beses na akong nasaktan. Mahal na mahal ko na si Dustin. Halod maiyak na ako sa saya. Ayoko ng itigil ang bawat oras na kasama ko sya. Gusto ko sya makita lagi.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.