Dustin's POVNag lakad-lakad ako nang makita ko sya nakatayo sa tabi, Si Rianne Gail. Nilapitan ko sya. Ayoko din maging masungit kasi part na sila ng barkada namin sabi ni Trigger. Wala naman problema kung dadagdag sila, anyway mabait naman ang tatlo eh.
"Anong ginagawa mo dito?" Wala naman siguru masama kung makipagkaibigan sakanila. Kaibigan lang, wala ng iba pa. Alam ko sa sarili ko na ayoko na, hindi ko na mabubuksan pa. Kaibigan okay na.
"Hmm. Wala, gusto ko lang tignan ang dagat!" Utas nya. Naalala ko pa noon nung una ko syang nakita. Nakatingin sa dagat. Umiiyak.
"Alam mo ba nung una kitang nakita?" Nakangiti kong sabi. Nakakatuwa lang kasi. Parang pinagtatagpo kami. Siguru kasi nga pinagtagpo sila Ryan at Nikki.
"Huh?" Gulat nyang tanong. Di nya na rin ata ako maalala. Nag iba na rin kasi ang itsura ko.
"Una kitang nakita sa dagat!" Utas ko, sabay tingin sa dagat.
"Hahaha di mo na ata naalala. Well High school ako noon nung nakita kita." Tumawa ako at lumigon sakanya."H-huh? Y-you mean?" Pagtataka nyang tanong.
"Yeah. Yung muntik mo ng ubusin ang bato?" Natawa ako, naalala ko pa noon pinagbabato nya ang dagat. Nairita pa nga ako sa ingay nya.
"Talaga? Ikaw yun?? Seryoso? Grabe! Bat ganun?" Hindi makapaniwala nyang tanong. Nakakagulat naman kasi, ilang taon na ang nakalipas eh.
"Ewan nga eh! Baka kasi may purpose yung mga friends natin na mag meet sila." Nakangiti kong sabi.
"Imagine! Nung first kitang nakita, nakakahiya ang ginawa ko, lalo na nung second time, mas worst ang third time! Puro kahihiyaan lahat! Shet!" Utas nya. Tumawa ako ng mahina. Baka kasi marinig nya.
"Well... Okay lang naman yun!" Sabay tingin ko sa dagat.
"Nakakatawa nga kasi iisang reason lang pag magkita tayo!" Natatawa kong sabi."Ah... Oo nga!" Utas nya.
"You're Rianne Gail Sandoval, right?" Tanong ko na nakatingin pa rin sa dagat.
"Huh? Pano mo nalaman? Stalker ba kita?" Utas nya. Napatawa ako sa tanong nya. Ako? Mukha ba akong stalker? Hahah wala sa itsura ko ah!
"Hahahaha! Do I look like your stalker? Hahah I'm not!" Tatawa tawa kong sabi.
"Eh pano mo nalaman pangalan ko? Full name pa talaga huh!" Iritang boses nyang tanong. Sabagay, sa I.D ko naman nakita, di nya alam.
"Hahaha I saw your I.D, nung nasa kotse ka!" Tatawa tawa kong sabi.
"Tss." Utas nya, pano kasi lasingera. Hahah
"Hahaha so I'm Dustin! Since kaibigan mo ang gusto ni Ryan kaibigan na rin kayo ng tropa. So dagdag na ang friends namin." Sabay abot ko ng isang kamay. Inabot nya rin ang isang kamay nya at nagkamayan. Teka? Bat parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa mga katawan ko? Uhg tsaka Bat ba ako nakikipagkamayan? Tss. Ewan, pero parang may sariling utak kamay ko, diba dapat hindi ako nakikipag kamayan. Tss.
Nagkwentuhan lang kami ng tungkol sa lugar na napili nilang beach, medyo nagtanungan ng personal na bagay, tinanong nya kung may girlfriend raw ako, sagot ko naman wala. Nagulat nga raw sya wala. Hindi naniniwala. Sinabi nya naman yung tungkol sa kanila ng ex nya. Masakit rin pala ang nangyari sa kanya. Ang mali lang sakanya eh minahal nya ulit ng todo ang taong minsan na syang sinaktan.
"Pag nagmahal tayo, lahat gagawin natin! Nagpakatanga ako para sakanya!" Mangiyak ngiyak nyang sabi. Ewan ko ba! Kung bat nya sinasayang ang luha nya sa mga taong walang kwenta.
"Alam mo kasi, pag nagmahal ka, minsan kailangan mo munang magpakatanga para lang matuto. Hindi mo naman kailangan magkamali para iwan ka. Minsan kasi, kahit ginagawa na natin ang lahat, binigay ang lahat, nakuha parin tayong iwan ng mga taong mahal natin." Seryoso kong sabi. Ganun naman kasi ang buhay eh.
"Siguru nga tama ka!" Utas nya, sabay pahid sa luha nya.
"Kahit na sobra sobra natin silang mahal, nakukuha pa nilang ipagpalit tayo. Bakit kaya? Ang tanong na kadalasan, hindi nasasagot. Kaya nagiging mas masakit ang pangyayari, kasi hindi mo alam kung saan ka nagkulang o sumobra. Masakit? Oo. Para sa taong nagmamahal kagaya natin. Kaya, igive up mo na ang lahat ng sakit. I-enjoy mo ang tatlo at dalawang gabi dito. Halika! Mag 4 na, magsiswiming pa tayo kasama nila." Yun na lang sinabi ko, hindi ko kasi alam kung pano icomfort ang isang babae. Inalok ko ang kamay ko para tumayo na sya. Ang bilis ng kamay ko sa kanya. Tss. Naglakad na kami papunta sa mga iba namin kasama na nag aayos na ng gamit.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.