Rianne's POV
"Ma? Malelate na tayo!" Bulalas ko habang inaayos ang buhok ko.
"Oo, lalabas na!" Pasigaw na sagot ni mama.
"Anak, Pasok na." Lumingon ako kay papa. Tumango ako saka pumasok sa loob ng kotse.
"Congrats bunso!" Utas ni kuya pagkalabas ng gate. Ngumiti ako.
"Kuya, pang ilan na 'yang congrats mo?" Pagtataray ko sakanya.
Oo nga pala, graduation na namin, umuwi si na kuya at papa kahapon para sa graduation ko. Ang saya ko, dahil sawakas, nakatapos na rin ako. Tinext ako kagabi ni Dustin at tulad ni kuya, walang katapusan ang pag bati. Mga baliw talaga.
"Tara na!" Utas ni mama ng makapasok na sya sa loob. Nagmadali na rin si papa sa pag andar ng sasakyan at mabilis na pinaharurot.
"Ano bunso? Sasabay ka na ba sa'min?" Tanong ni kuya habang naglalagay ng powder sa mukha.
"Kuya, diba sabi k-" napatigil ako ng nagsalita sya.
"Oo, na. Napaka loyal mo sa bansa natin." Natatawa nyang sabi.
"Sira ka talaga kuya! Syempre naman." Natatawa ko rin sagot. "Oo nga pala kuya, ba't hindi sumama si Marga?" Tanong ko. Si Marga ay ang babaeng nagpatibok ng bonggang bongga sa puso ni kuya ko. Well, pasado naman sa'kin si Margo. Mabait tsaka Nakikita kong mahal nya talaga si Kuya.
"Oo nga." Pagsang ayon ni mama.
"May presentation po kasi sya ng dalawang araw sa company nila." Ani kuya. Nakilala nya si Margo sa London. Half pinay half american kaya sobrang ganda.
"Boto ako dun sa batang 'yun napaka responsable." Utas ni Papa. Ngumiti kami ni mama at tumango. Masaya ako dahil nakatagpo rin si Kuya.
Pagkarating namin sa hotel kung saan gagawin ang graduation agad na kaming pumasok sa loob. Nakita ko na ang mga ibang estudyante. Nag aayos at nagpipicture picture.
"Rianne?" Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Sina Jess at Nikki, kumakaway kaway habang lumalapit.
"Hi!! Congrats mga friends." Nakangisi kong sabi sabay yakap sa kanilang dalawa ng makalapit.
"This is it!!" Ani Nikki ng kumalas sa yakap. Nilibot ko ang paningin ko, nagbabakasakali na makita ko sya.
"Yiiiee... himahanap mo ba ang love of my life mo?" Pangungutya ni Nikki. Inirap ko na lang sya na may halonh pang-aasar.
"Andun sya kasama ng mga kablock nya." Nakangiting sabi ni Jess.
"Oh, picture muna." Lumingon kami kina Mama na nakapwesto na para kunan kami.
"Pose na!" Ani Nikki. Pimose na rin kami ng naka ngiti.
"1,2,3 Click*" Ani mama.
"Tara, dun na tayo sa linya natin." Aya ko. "Ma, Pa, Kuya dun po kayo sa mga may parents." Sabi ko. Tumango sila at Pumunta na rin sina Mama.
"Gail?" Sigaw ni Dustin kaya ngumiti ako. Ang gwapo nya sa toga namin. "Congrats." Utas nya saka ako niyakap ng mahigpit.
"Congrats rin sayo." Nakangiti kong sabi ng kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Pakasal na tayo bukas." Aniya na naka ngisi. Nabigla ako pero natawa agad.
"Sira! Tara na!" Aya ko saka naglakad na patungo sa lugar ko.
"Gail, mamaya... dun ka na sa'min mag dinner." Aniya. Tinignan ko sya bago ako sumagot.
"Andito sina kuya tsaka papa." Sabi ko. Lumungkot naman ang mukha nya, kaya napabuntong hininga ako. Hay nako! Parang bata.
"Alam mo naman... ganito na lang, bukas. Bukas natin icelebrate, yung dalawa lang tayo." Ngumiti ako. Bahagya syang ngumiti at tumango.
Bumalik na kami sa kanya-kanyang pwesto dahil mag-sisimula na rin ang ceremony.
Nakakalungkot isipin. Magtatapos nanaman ako at this time bagong chapter na. At masaya ako dahil alam kong kasama ko na dun si Dustin. Sinulyap ko si Dustin at nakita ko masaya sya at nagtatawanan sa mga kaclasse nya.
Hindi ko makakalimutan ang college life ko, ang mga napagdaan ko at nung kasama ko na si Dustin.
Napatingin ako sa lugar ng mga kaibigan ko at nakita silang masaya. Umattend din sina Trigger at Ryan sa graduation, hindi ko na sila nakita dahil sa puno ng tao.
Nang natapos ang graduation ceremony, nakita ko na silang anim.
"Guys, Picture tayo!" Ani Harry. Agad naman kamk nagsilapitan at masayang nagpipicturan.
Ang saya ko, masasabi kong, ang sarap mabuhay kapag kasama mo sila at ang pamilya. Kahit ilang ulit akong nasaktan, masaya parin ako. Dahil sa mga naginh kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.