CHAPTER SIX

4 0 0
                                    


Rianne's POV

Feb.14

Mukhang abala ang lahat sa pag aayos ng kanya-kanyang trip, yung iba nag e-enjoy sa mga booths, yung iba naman nagbibigayan ng gifts. Kanya-kanyang date sila, nakakainggit naman. Buti pa sila, habang ako, eto nagbabantay ng booths namin. Samin kasi yung destin' booths, yung mga kasama ko ang nanghuhuli ng kaparehas, nakakatuwa nga silang tignan. Yung dalawa kong bestfriends busy rin sa mga kanya-kanyang booths nila.

"Oh bat naka 500 ka?" Asar na tanong ni Nikki. Nakahalumbaba kasi ako sa kakatingin sa mga tao.

"Kasi walang date! Hahaha" pangungutyang biro ni Jess.

"Tumahimik nga kayo! Bat ba andito kayo? Diba dapat andun kayo sa mga booths nyo?" Irita kong sabi sabay ayos sa mga props namin.

"Hahaha nakaka bore kasi dun!" Utas ni Nikki sabay tawa.

"Oo nga!" Pag sang ayon ni Jess sabay higop sa shake nya.

"So dito kayo nanggugulo?" Irita kong sabi sabay taas ng isang kilay.

"Ayaw mo nun! Para hindi ka magisa dito!" Pagrarason ni Nikki.

"Wala ba kayong mga date?" Pabiro kong sabi.

"What? You puding kidding me? Ni boyfriend wala nga kame, date pa kaya? Nagdrugs ka ba?" Pabirong sabi ni Nikki. O bakit? Porke't walang boyfriend di na pwedeng mag date? Hahaha baliw!

"Hindi porke't walang boyfriend eh hindi na pwedeng magdate!" Pagrarason ko.

"Hahaha K. Fine! Ikaw na!" Utas ni Nikki sabay tawanan namin. Mga baliw lang eh.

Natigil kame sa pag tawanan dahil may lumapit sa amin na lalaki, parang Freshmen ata, may hawak syang pink roses na boquet. Nagulat naman ako ng iabot nya ito saakin.

"H-huh? Para sakin?" Gulat kong tanong, napanganga ako sa sobrang gulat.

"Malamang, ikaw ang inabutan eh, alangan naman hinablot mo agad, pwera na lang kung feel na feel mo sayo yan, hahahahah" pabirong sabi ni Nikki sabay halakhak. Naningkit ang mata ko sabay baling ng tingin sa kanya.

"Tumahimik ka nga!" Sabay hampas ko sakanya ng mahina. Tawa pa rin sya ng tawa.

"Aba teka lang, ikaw ba ang nagbibigay nyan? Di mo ba kilala ang binibigyan mo? 16 na yan eh, ikaw mukhang 13 ka pa lang ah!" Pagsisita ni Jess, nagulat naman ang reaksyon ng batang lalaki.

"Hooy Jess, wag mo naman sitahin, naiinggit ka nanaman!" Pang-aasar na sabi ni Nikki, sabay halakhak namin ni Nikki. Inirapan naman kami ni Jess kaya tumigil kami sa pagtawa.

"Nako po, hindi po akin yan. May nagpapa abot lang po para kay Ate Rianne." Utas ng bata sabay kamot ng ulo. Nagulat naman kami sa sinabi nya, may nagpapabigay? Sino?

"S-sino?" Utal kong tanong.

"Ayaw nya po ipagsabi." Sagot nya sabay lakad palayo.

"May nagpapabigay? Sino naman kaya?" Takang tanong ni Nikki.

"Stalker mo?" Diretsong tanong ni Jess. Ano raw? Stalker? Uso pa ba? Hahah.

Naiwan pa rin akong clueless sa sino man ang nagpapabigay neto. Wala naman akong maisip kung sino.

"Baka may gusto sayo! Yiieee kinikilig." Pangaasar ni Nikki sabay tusok sa tagiliran ko.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon