Rianne's POV
Andito na ako sa lobby, nakakatense na nga kanina, mas natense ako ngayon dahil sa pagpasok ko, pinagtitinginan kasi nila ako, as if may dumi ako sa mukha ah! Asan na ba yung dalawang yun!
"Rianne??" Pagtatakang tawag ni Nikki nang makita nila ako. Ang ganda ni Nikki, mas nakakapansin naman si Jess, maganda din si Jess.
"Ikaw ba yan?? Nakakalaglag ka naman ng panga!" Pabirong sabi ni Nikki.
"Hahaha nakaka agaw ka ng pansin Rianne! Tignan mo! Pinagtitinginan ka nila." Ngiting sabi ni Jess. Naramdaman ko naman uminit mukha ko. Mga sira talaga tong mga kasama ko!
"Hahaha wag nga kayo! Tss. Kayo nga to! Mga gandang di mo inakala." Paasar kong sabi sabay tawa. Hahaha nawala ang ngiti nila sa mukha.
"Ah ganun?" Utas ni Nikki sabay cross arm.
"Biro lang! Kayo nga to!" Patampo kong sabi. Pero lambing lang yun hahah.
"Hahahah halina nga kayo!" Pagyaya ni Jess. Di talaga nila ako matiis. Hahah
"Oh wait! Parang I saw someone." Utas ni Nikki. Sabay hawak sa mga braso namin. Agad naman namin sya nilingon.
"Bakit?" Tanong ni Jess.
"Si Bianca ba yun?" Sabay namin nilingon ni Jess ang tinuturo ni Nikki.
Napanganga ako sa nakita ko, si Bianca naka daring gown kulay red, labas kaluluwa na, pero maganda parin tignan, para syang super model sa suot nyang gown. Napansin rin namin na pinagtitinginan na rin sya halos lahat dito sa loob."Ano ba yang suot nya! Napaka tawag pansin!" Utas ni Nikki sabay taas ng isang kilay nya.
"Desperada na kasi!" Sambit ni Jess.
"Tara na sa loob." Pagyaya ko sakanila. Siguradong masaya ang prom nyan. Pinaghanda nya talaga eh!
Pumasok na kami sa loob at umupo na, maya-maya kasi magsisimula na rin. Lingon ako ng lingon, baka kasi makita ko silang dalawa ni Andrew at Bianca. Kahit masakit, gusto ko pa rin sya makita kung ano itsura nya, mas lalo yun gumwapo. Tss. Pake ko ba?
"Okay, we're about to start, all 4th year students be ready, and also the 3rd year students." Utas ng M.C
Nag sitayuan na ang mga estudyante at pumunta na rin kami sa kanya-kanyang position. Nagsimula nang mag martya ang magkakaparehas, pagkatapos ng matagal na martya, kinantahan na kami ng mg Juniors, pagkatapos nun, kami naman mga seniors ang kumatan.
Pagkatapos namin ginawa ang lahat ng pinractice namin sa school, kumain na kame, nakakagutom na kasi.
"Nakakapagod naman talaga nuh? Pero how sad, last prom na natin!" Utas ni Jess. Habang sinusubo ang pagkain.
"Oo nga eh! Pagkatapos neto, magreready nanaman tayo for our graduation." Sambit ni Nikki sabay inom nya ng softdrink sa baso.
"Aalis na tayo sa pagiging high school. Moving on na tayo sa college." Utas ko. Mamimiss ko lahat ng nangyari sakin simula nung pumasok ako sa high school, kasabay nun, kakalimutan ko na lahat.
Natapos kaming kumain, 8pm na pala, may mga awarding pa raw pagkatapos nun disco-disco na raw, at masayang masaya naman si Nikki, mahilig sumayaw eh. Hahha nanalo si Bianca ng Darling of the Night and best in gown, ako naman Star of the night. Nagulat nga ako, sa dinami dami ng mga magaganda dito ako pa talaga ang pinagtripan. Hahah si Nikki naman ang Princess of the night. Hindi naman nalungkot si Jess kasi wala sya, manang kasi. Hahah joke
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.