Rianne's POV
Dumating na kami sa bahay nila. Hindi ko talaga ma explain ang nararamdaman ko, natetense ako, nanlalamig, ito kasi ang una kong pagtapak sa bahay nila.
Nakita ko ng marami ng tao sa labas ng garden nila. Maganda ang bahay nila, napakalaki, mas malaki pa sa bahay namin, may mini fountain din sila sa labas. Naramdaman kong hinawakan ni Dustin ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya.
"Wag kang kabahan! Andito naman ako." Nakangiti nyang sabi. Ginantihan ko din sya ng ngiti.
Nang makapasok na kami, napansin kong tumingin yung mga ibang bisita saamin.
"Oh Dustin!" Bati ng isang babae na mukhang tita nya at, kasama ang tatlo pang kaedad rin nya.
"Tita!" Bati din ni Dustin sabay beso nya sa mga ito.
"How are you iho? Hmm... who is she?" Nakangiti nyang tanong. Nakaramdam ako ng kaba at hiya, hawak hawak nya pa rin ang kamay ko. Ngumiti si Dustin.
"Goodevening po." Nahihiyang bati ko.
"Girlfriend ko po, uhm Gail mga Tita ko." nakangisi nyang sabi. Nagulat ako sa sinabi nya. Girlfriend? Eh hindi ko pa nga sya sinsagot eh. Pinisil ko ang kamay nya, tumingin at ngumiti lang sya saakin.
"Oh Really? you're so pretty iha, bagay kayo." Nakangiting sabi ng mga tita nya. Ngumiti na lang ako, pero feeling ko namula ang mukha ko.
"Ahm excuse po tita, pupuntahan lang po muna namin si ate nich." Utas ni Dustin at nagtungo kami sa ate nya. Nakasunod lang ako sakanya habang yung iba nakatingin saamin. I feel so awkward.
"Ate? Ma?" Tawag ni Dustin sa babaeng nakatalikod at ang mama nya. Humarap ito saamin. Nagulat ako sa ganda nya, matangkad ang ate nya, siguru nasa 5'6 ito kumpara saakin nasa 5'4 lang. Manipis ang balat at kutis papel, short at kulot ang hair nya na may kulay copper brown ang kulay. Naka red lipstick at naka dress light yellow, matangos din ang ilong, mapupungay ang mata, para syang Dustin na girl version.
Ngumiti sya saamin. At bineso ang kapatid nya.
"Hi brother." Aniya.
"Happy Birthday Ate." Bati ni Dustin. Ngumiti ang ate nya at nagpasalamat. Tumingin ang ate nya saakin at ngumiti.
"Goodevening po, H-Happy Birthday po." Bati ko. Natetense tuloy ako. Uhg
"Hi, Thankyou. Well, hahah I guess sya yung kinikwento mo saakin ah nung nasa France pa ako." Pang-aasar ng ate nya kaya lalong uminit ang mukha ko.
"See? She's pretty right?" Singit ng mama nya. Ngumiti naman ang ate nya.
"Yeah. Sya nga" nakanginting sagot nya at tumingin saakin. Uminit lalo mukha ko. Ano kaya ang sinasabi nya sa ate nya. Tss.
"Hahah Hmm, I'm nicholle, binantaan ka ba ng kapatid ko?" Natatawa nyang sabi sabay abot ng kamay na saakin. Agad kong inabot din ang kamay ko para makipagkamayan.
"I'm Rianne Gail po. Hahaha wala naman po, napilitan lang hahah." Pabiro kong sabi. Nagtawanan kaming tatlo, napansin kasi namin na nagulat sya.
"Hahaha I like her for you Dust." Nakangisi nyang sabi. Ngumiti ako at ang mama nya.
"Excuse muna, mukhang andito na ang mga bisita ng papa mo." Utas ng mama nya at naglakad na papunta sa mga nagsidatingan na bisita.
Pagkatapos ng kainan, nagsayahan na sila sa labas, yung iba nagiinuman, nandito rin pala sina Trigger, may banda rin pala sa loob ng garden nila nagkakantahan. Kaya hindi nakakabored.
"Tara! May ipapakita ako sayo." Nakangiting sabi ni Dustin sabay hila saakin.
Lumabas kami sa likod ng bahay nila.
At laking gulat ko sa nakita ko. May mga kandila na nakaform na heart, malaki ang pagkakagawa. May nakasabit din na mga letters na sinasabing 'Please be my girl Gail'. May nakasabit pa ang mga pictures namin, may mga stolen shots ko rin, nakita ko ang picture namin nung una kaming pumunta sa Adv. World, pina enlarge nya pa. Haha natouch ako sa ginawa nya. Nakita ko syang may kinuhang tatlong pulang rosas at naka ngiti nyang iniabot saakin. Tinitigan ko sya sa mga mata, saka ko ulit naramdaman ang pananakip ng dibdib. Maybe, this is because of overwhelming."Can you be my Girl?" Nakangiti nyang tanong. Ewan ko, pero naluluha ako sa ginawa nya, naluluha ako sa saya pati paghinga ko nahihirapan na rin, hindi ko maexplain ang nararamdaman ko, mas lalo ko tuloy naramdaman ang halaga ko. Akala ko, hindi ako worth it sa effort ng iba.
Lumapit ako at niyakap ko sya. Napiyak na ako sa simpleng bagay na ginawa nya, hindi ko alam, dahil ba siguru nahulog na ako sa kanya. Siguro nga. Masaya ako. Sobrang saya ko. Hindi ko ineexpect na mamahalin ko sya. Naalala ko tuloy nung una kaming nagkita sa tabing dagat, sawi at wasak ako ng makilala ko sya, hindi ko inaasahan na gagawa ng paraan ang tadhana para magkita lang ulit kami. Nakakatuwa pag nag laro na ang tadhana.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya agad kong kinuha ang roses. Medyo naluluha pa ako habang hinihilot ng dahan-dahan ang dibdib ko.
"Okay ka lang ba?" Alala nyang tanong. Napasinghap ako saka umiling.
"Wala, Masaya lang ako." sabi ko. Ngumiti sya sa'kin kaya tumango ako. "Y-yes... Yes." Naiiyak kong sabi.
Ang saya ko lang. Sobra-sobra na ang kasiyahan ko, sa sobrang saya, ayaw ko ng ipahinto ang oras.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.