CHAPTER SEVEN

6 0 0
                                    

Rianne's POV

Nagising ako dahil sa silaw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana, kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa wallclock ko, 8:48am na pala. Mamaya na kasi ang J.S prom namin. Ang bilis ng araw, wala naman kasi nangyari nung mga nakaraang araw, simula nung valentines, until now di ko pa alam kung sino yung mysterious guy na nagbigay ng bulaklak. Tapos prom na namin ngayon, ang saya lang kasi magagamit ko na ang gown ko, nakakalungkot lang hindi si Andrew ang date ko sa prom. Napag usapan namin noon, nung kami pa.

(Flashback...)

"Baby, dapat ikaw date ko sa prom ha?" Utas ni Andrew, andito kami sa mini garden ng school. Dito kasi ang place namin pag nag i-spend ng time sa isa't isa.

"Oo naman! Dapat lang!" Ngiti kong sabi, kinikilig naman ako. Haha

"Sabay tayo bibili ng isusuot natin ah? Tapos susunduin kita sa house nyo, tapos sabay tayo pupunta" ngiti nyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Ang sweet talaga nitong lalakeng to kahit magtwo-two weeks pa lang kame. Ang saya sa pakirdam. Sana tuloy-tuloy na to.

"Talaga gagawin natin yun? Ang sweet naman" sambit ko sabay halik nya sa kamay ko. Oh see, ang sweet talaga ng boyfriend ko, malayo sa dalawang ex ko.

"Syempre! Basta para sayo. I love you." Utas nya sabay yakap nya sakin. Syeeeet!! Tagos hanggang buto. Hahaha

"I love you too." Sagot ko sabay lean ng ulo ko sa balikat nya.

(End of Flashback)

Haaay... Sad to say hindi na mangyayari yun. Bumangon na ako at pumasok na sa bathroom ko, para makaligo na. Pagkatapos kong gawin ang lahat-lahat ng ritual ko sa loob lumabas na ako para bumaba.

"Goodmorning ma?" Nadatnan ko si mama sa sala na nanunuod ng news sabay higop sa kape nya.

"Oh anak, Goodmorning too, naprepare ko na ang almusal mo." Utas ni mama sabay lingon saakin.

"Uh opo." Maikili kong sagot. Pumunta na ako sa kusina para kumain na, magreready pa kasi ako para mamaya.

Masaya kaya mamaya? Oo masaya yan mamaya kahit wala akong kadate, andun naman sila Jess eh. Buti yung Andrew may kadate! Potek! Napaka landi kasi eh! Hindi pa nakuntento! Uhg. Last J.S ko na to, hindi ko rin sila makikita.

"Goodmorning!!!" Narinig kong sigaw ng isang bading sa sala. Dali-dali akong tumayo para tignan kung sino.

"Oh hi Mare" bati ni mama sa bading sabay beso, may mga dala-dala itong mga malalaking gamit. Sguru eto na si shona, ang magmemake-up sakin.

"Kamusta ka na?? Long time no see mare, ikaw ha? Porket may kailangan saka ka tatawag! Hmm nakaka tampo ka mare ah!" Sabay gesture nya na parang nagtatampo. Kung lalaki to, sguru playboy na, sa gwapo ngyang yan nilaglag pa ang sarili. Hahah

"Oy nako naman mare! Hindi naman sa ganun! Medyo busy lang, alam mo na, yung bakery ko limang branches na!" Ngiting sabi ni mama. Si shona raw ay college friend nya, parang magkapatid na ang turing nila.

"Asus! Ang sabihin, kinalimutan mo na ako!" Sabay irap nya. Si mama naman tawa ng tawa.

"Hahaha eto talaga! Sorry na! Hahah busy lang talaga!" Sabay hawak nya sa braso ni shona. Parang bata naman to si mama.

"Hayy ano pa nga ba! Hmmpf! Saan na ang memake-apan ko?" Pagtatanong nya sabay tingin-tingin sa paligid.

"Ahh hahaha wait, Rianne anak? Andito na si tita shona" sigaw na tawag ni mama. Dali-dali naman ako umayos at lumabas na galing kusina para pumunta sa sala.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon