Rianne's POVNagising ako sa tapik saakin. Nakatulog pala ako. Agad kong inangat ang ulo ko. Nakita kong nakangiti na nakaupo si Dustin.
"Oh? Gising ka na pala? Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba?" Taranta kong tanong. Bahagya syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"I'm Okay Honey loves, heheh wag ka ng mataranta dyan!" Aniya ng naka ngiti. Napasinghap ako, buti naman.
"Nagugutom ka ba?" Pagalala kong tanong. Umuwi kasi muna ang mama at papa nya, kasama si Karl.
"Opo. Subuan mo ako ha?" Aniya at nagpapa cute. Ngumiti ako at tumayo na, baka kasi makita nya ang pamumula ko. Tss.
Kinuha ko ang pagkain nya sa side table at binuksan ang plastik na nakatakip sa bowl. Tahimik lang syang nakatingin. Pagkatapos kong ayusin sinubuan ko na sya.
"Teka, Bakit ka nga pala andito? Diba dapat nasa tagaytay ka? And how'd you know na andito ako?" Taka nyang tanong.
"Nalaman ko kasi na dinala ka sa ospital, tinawagan ako ni Karl, kaya hindi na ako sumama." Utas ko habang sinusubo sya.
"Sorry..." malungkot nyang sabi.
"Sorry saan?" Wala naman syang ginawa ah?
"Kasi, ako pa ang dahilan sa hindi mo pagsama sa kanila. Okay lang naman sa'kin yun kahit tumuloy ka. Basta ang mahalaga masaya ka." Nakangiti nyang sabi pero halata sa mata nya na hindi totoo yun.
"Alam mo... kahit importante pa yun, hindi kita ipagpapalit, uunahin muna kita bago ang kasiyahan ko. Alam kong mas kailangan mo ako." Nakangiti kong sabi. Yun naman ang totoo. Kaya kong icancel ang kahit ano basta para sakanya.
"Ganun ba? So dapat pala ako mag thank you kay Karl. Hahah" Aniya sabay halakhak. Lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit, gustong gusto ko syang mayakap, dahil alam ko sa oras na to, pinapkita nya lang na okay sya.
"Mahal na mahal kita, at lagi mong tatandaan, nandito lang ako sa tabi mo." Seryoso kong sabi. Ayokong umiyak, ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. Marahan nyang hinaplos ang likod ko.
"Anong sabi ng doktor?" Seryoso nyang tanong. Kumalas ako sa yakap at hinarap sya.
"Kaya pa raw ng katawan mo, three years bago ka ulit iuunder sa surgery." Mahina kong sabi.
"Talaga? Sh*t! naman yang operasyon na yan eh!" Padabog nyang sabi. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at pinapakalam. "Gail, ayoko na! Alam ko naman na wala ng pag asa eh!" Mangiyak ngiyak nyang sabi.
"No! Hindi ka pwede sumuko ng ganyan na lang! Lalaban ka!" Naluluha kong sabi. Ayokong sumuko, hindi ko kayang gamitin ang salitang suko.
"Ayoko na! Alam mo bang taon na lang ang hinihintay ko! Kasi sabi nila kung magsusurgery ako dalawa lang ang pwedeng mangyari, una, pwede akong gumaling, pangalawa, taon na lang ang bibilangin ko. Yun ay kung hanggang saan ko na lang mabibilang. Gail! Tignan mo, ilang ulit na ako bumabalik sa ospital, ibig sabihin hindi na ako gagaling!" Aniya, at tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya, pati ako napaiyak na rin dahil mas nasasaktan ako makita syang naka ganyan pero ayokong ipakita sa kanya na nawawalan ako ng pag asa.
"No! Dustin! Wag kang sumuko! Akala ko ba gusto mong gumaling para saakin, para saamin? Diba? Kaya pa ng surgery." Sabay yakap ko sa kanya.
"I'm in the midst of between life and death Gail!" Walang bubay nyang sabi. Agad ko syang hinarap.
"Then what's between life and death Dustin?" Utas ko at binigyan ko sya ng weak smile. Napatigil sya at tinitigan ako. Na parang nag-iisip sya kung ano ang sagot. Pinahid ko ang luha ko at tahimik na pinagmamasdan.
"A-ano?" Aniya. Pinahid ko ang mga luha nya gamit ang mga daliri ko, ganun rin sya saakin. Ngumiti ako sa kanya.
"That's for you to find out, at kapag alam mo na, gamitin mo yun para hindi sumuko." Nakangiti kong sabi.
"What? Bakit pa? Ano naman yung sagot?" Taka nyang tanong. Bumuntong hininga ako saka nagkibit balikat.
"Bleh!" Sabi ko. Para lang kaming baliw. Ngumiti sya at umiling iling. Hinila nya ako at niyakap ulit.
"Hmmm... Sorry. I'm really sorry sa mga inasta ko kanina!" Aniya sabay buntong hininga.
"Okay lang. Basta wag tayong susuko, kay?" Nakangiti kong sabi. Naramdaman kong nag nod sya. Kumalas ako sa yakap. "Pinky swear tayo!" Sabay abot ko sa kanya ang maliit na daliri ko. Ngumiti sya at Ginaya nya naman.
"Pangako." Aniya ng nakangiti. Ngumiti kami saka humalakhak. See? Baliw na ata kami.
"Upo ka nga dito." Aniya saka hinila ako para umupo ako sa tabi nya. Tinitigan nya ako habang nilalagay nya ang mga nakatakas na buhok ko sa likod ng tenga.
"I'm so lucky to have you. Ikaw ang pinaka magandang regalo sa buhay ko. Ikaw ang kapalit sa hirap na pinagdaanan ko. I love you." Sambit nya. Napangiti ako sa sinabi nya. First time na may nagsabi sa'kin ng ganito. Ang saya ko.
"Ikaw rin ang kapalit sa lahat ng heartaches na naranasan ko. Salamat at dumating ka." Sabi ko saka hinplos ang mukha nya.
Lumapit sya ng konti saka binigyan ako ng matamis at makapigil na hininga na halik.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.