Rianne's POV"Party? Bat hindi mo man lang sinabi? Bat wala akong alam na may aattend kang party? At ano yang itsura mo? Bat hindi mo nakasama sila Jess?" Pagtataas nya ng boses, ngayon lang ako pinagalitan. Potek! Langya talaga yang Andrew! Kasalanan nya to eh! Tak
"Ano po kasi... Nagkaroon po ng kaunting inuman, medyo hindi ko nga po nakayanan yung dalawang baso nasuka na po ako, kaya nga po umuwi ako ng ganito kasi nagworry na ako dahil hindi ko man lang po kayo nasabihan. Sorry po ma!" Sabay baba sa hagdan. Medyo umaliwalas na ang mukha nya! Yes! Nabenta ko!!
"Sa susunod mag sabi ka! Dahil pinagalala mo ako! Ni hindi ko alam ang gagawin dahil hindi ko alam kung saan kita mahahanap! Muntik ko ng tawagan papa mo! Pero hindi ko muna ginawa!" Inis na sabi ni mama.
"Sorry po, promise! Hindi na po mauulit." Utas ko na naka puppy eyes. Kailangan magdrama ako, kasi kung hindi, baka hindi na ako makakapaglakwatsa.
"Sige! Umakyat ka na ata maligo! Kumain kana lang, andyan na ang pagkain na hinanda ko, aalis na ako! Ayokong maulit yun, naiintidihan mo ba?" Inis pa rin na sabi ni mama. Haaay...
"Opo ma. Sorry po ulit. Sige po, ingat po kayo." Yun na lang sinabi ko, tumalikod na si mama at naglakad na palabas. Umkyat na rin ako para magkapagshower, ang baho ko na kasi. Pagkatapos ko maligo pupunta na ako sa school. Kailangan kong maka usap sila Jess at Nikki. Sila dapaat ang pinapahalagahan ko, hindi yung bwisit na yun! Ang walangya na yun! Uhhhgg nanggigil ako sa mukha nya! Nakuha nya pang maghanap para lang sa pansariling kaligayahan? Ang tanga-tanga ko!!!
****
Dustin's POV
"Grabe! Sya na ang tinulungan, sya pa ang galit? Ayos din ah? Tsk!" Kausap ko ang kotse ko ngayon. Kawawa naman kotse ko. Tsk
"Kuya? Pakilinis po lahat ah?" Utas ko, andito kasi ako sa Car wash. Ipapapalinis ko lang ang ng suka nya. Tss. Nagkalat! Tsk
"Sige ho, kame na ang bahala dito." Sagot ng lalaki na nagsisimula nang maglinis. Tumalikod na ako at nagpara na ng taxi, uuwi na ako, hindi ako nakatulog ng maayos.
Nakarating na rin ako sa condo ko, pumasok na ako, at dumiretso na sa Banyo para maligo, mga ilang minuto natapos na ako, lumabas na ako at pumunta na sa kwarto para makapagbihis ng Uniform. Hapon kasi ngayon ang classe ko, kaya pwede pa pumunta. Mamaya na lang ako babawi sa tulog ko, baka kasi mamiss ko ang mga requirements para sa prensentation namin. Masyado ng hassle pag 3rd year.
Takte talaga ang nangyari kagabi, tsk! Kahit Thank you! Wala? Okay rin sya ah! Maswerte nga sya at may gwapong mabait ang nakapulot sakanya habang sya lasing na lasing! Tss. May ganun pa rin pala na mga babae? Minsan kasi pag ganun, dagat na ang lumalapit sa barko. Pero annoying eh!
Lumabas na ako at bumaba na papunta sa parking lot ko, kumain na rin naman ako ng konti kaya busog na rin. Maaga pa naman pero nasa school na rin naman si Harry, magtatambay na lang kami. May usapan nanaman kasi kami na magkikita kita mamaya, tinanong nika ako kung bakit raw ako biglang nawala kagabi, sinabi ko na lang na may inasikaso ako na importante lang kaya nakalimutan ko ng magpaalam. Tss. Pagkasi sinabi ko na dahil yun sa isang babae, maglalagay nanaman sila ng ibang malisya. Hahah kaya akin na lang, tutal hindi ko na rin naman yun makikita. Pero sabagay, ilang years ang lumipas, nagkita kami ulit! Bakit naman kaya?
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.