Dustin's POV
Dumating ako sa school, pero hindi nagmeet saamin ang prof. Namin, nakakainis nga, akala ko pa naman may quiz. Pero ayos lang, tinatamad naman akong pumasok eh. Nagtxt sa akin si Harry para magtambay raw kami. Pumunta naman ako sa usapan namin na lugar buti nga vacant nya 2pm eh. Sa school lang din naman kami.
"Kanina ka pa dito pare?" Tanong ko ng dumating ako, naka upo na kasi sya.
"Hindi naman hahaha. May usapan sila Trigger na magkita raw tayo." Utas nya.
"Ah Oo nagtext sya kanina." Sagot ko.
"Hahaha hindi na nagsasawa eh!" Utas ni Harry. Hahah Oo nga naman. Lagi kasi nakikipagkita eh.
"Hahaha kaya nga eh, pano ka-" napatigil ako ng narinig ko ang isang babae na may tumawag, lumingon ang mga tao dito sa lugar namin.
"Baby Loves?" Sigaw ng isang babae, na mukhang pamilyar. Tss. Oo nga! Pamilyar nga! Kasi sya yung babaeng walang utang na loob. Taga dito pala?
Lumingon-lingon ako, baka kasi hindi ako, tinignan ko si Harry na parang 'Is that you?' Face ako. Nagkibitbalikat naman si Harry. Yung iba naman nakatingin na saakin. Ako ba yun? Tumingin ako sa kanya na papalapit sa akin.
"Baby loves andito ka lang pala! kanina pa kita hinahanap! Tara na? Diba may date pa tayo?" Utas nya. A-ano raw? B-baby l-loves? Huh? Kailan pa? Atsaka ano raw? D-date? What? Baliw na ba to?
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Mahina kong tanong, nakakagulat kasi eh! May sira ba to sa ulo. Bigla akong tinapik ni Harry.
"Ohw? Pare! Seryoso?" Gulat at takang tanong nya. Pati sya nagugulat din. Narinig kong may biglang nagsalita sa harap namin.
"Rianne? Pwede ba kitang maka usap?" Tanong ng isang lalaki. Bigla ko syang nilingon. Parang hindi sya mapakali. Tss. Ito ata ang tinatakasn nya eh.
"Ah... no! May pupuntahan pa kame eh" utas nitong babae. Nagulat ako sa mga pinagsasabi nya. May pupuntahan? Eh di nga tayo close? Tss.
"Tara? Hiramin ko muna boyfriend ko ha? May usapan kami eh" pag hihingi nya ng permiso kay Harry, tumango lang din si Harry, mukhang pati sya, hindi alam ang mga nangyayari. Bigla nya akong hinila palabas ng school. Nung medyo nakalayo-layo na kami, tumigil kami sa paglalakad. Ni isa saamin walang umiimik, pero gusto kong tanungin kung anong palabas na yun! Kaya nagsalita na ako.
"What was that?" Irita kong tanong. Ni hindi nya nga ako kilala akala mo close kami. Hahah.
"Ahm ano kasi. Uhm... Sorry ah? Sorry talaga! Kinailangan ko lang talagang gawin yun kasi may iniiwasan lang ako. Wala na ako ibang paraan kundi yun, sakto naman nakita kita, kaya agad akong lumapit." Dire-diretso nyang paliwanag. May iniiwasan nga, at yung lalaki nga kanina. Parang tinatakasan nya talaga yun.
"You mean that guy? Yung lumapit sayo? Sya ba yung Andrew?" Pagtatanong ko, kung hindi ako nagkakamali sya yung Andrew na binabanggit nya nung nalasing sya. Eh mas gwapo pa nga ako dun! Wahaha joke! Pero totoo naman ah! Nakita ko naman na bigla syang nagulat sa pagbanggit ko sa pangalan ng lalaking yun.
"T-teka? Pano mo nalaman ang pangalan nya?" Gulat nyang tanong. Well magugulat naman sya, kasi akala nya kilala ko.
"Narinig kong binanggit mo kagabi! Pano mo naman pala malalaman, eh lasing na lasing ka pala kagabi. Tss." Irita kong sagot.
"H-ha? Ano pang sabi ko? Maygosh! Nakakahiya naman. Sorry and... T-thank you pala ah?" Tanong nya na nakayuko.
"Well sinabi mo kasi niloko ka." yun lang din naman ang sinabi nya. Paulit-ulit nyang sinasabi.
"Ganun ba. Sige. Salamat ulit." Maikli nyang sabi.
"Sa susunod wag kang maglalasing ng walang kasama!" Utas ko at tumingin sa malayo. Nakita kong nag nod sya at tumalikod na. Kung para sa situasyon namin, mas masakit yung akin. Buti pa nga sya, buhay na buhay, kahit anong ulit nyang gustong magmahal pwede nyang gawin ng hindi iisipin na bilang na lang ang araw. Di tulad ko, buhay nga, hindi na rin naman magtatagl, hindi ko alam kung kelan lalala, kahit na nakakarecover na raw ako. Tsk bumalik na rin ako sa classroom, pareho na kasi kami may class ni Harry, tinext nya ako, na marami pala dapat akong ishare. Tss. Aasarin nanaman ako ng mga mokong.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.