CHAPTER TWELVE

6 0 0
                                    


Rianne's POV

"Saan tayo ma?" Utas ko kay mama. Hindi ko kasi alam kung saan ang lakad namin eh, basta ang sabi may lakad raw kami.

"Hmm. Magshoshopping! Hehehe pansin ko kasi parang wala na akong oras sayo eh!" Ngiting malungkot ni mama. Nakikita ko sa mata nya na gusto nya talagang bumawi.

"Ayos lang naman yun ma! Alam ko naman busy kayo lagi, naiintindihan ko po yun." Utas ko.

"Busy na nga papa mo, pati ba naman ako? Nako! Hindi pwede yun!" Sambit ni mama.sabay park sa isang mall.

"Tara na!" Yaya ni mama. Sabay bukas ng pinto ng kotse. Bumaba na rin ako, naglakad na kami papasok ng mall. Tawanan lang kami habang tumitingin ng mga sapatos. Matindi din to mama ko pag magbiro, parang kasing edad lang kami. Pero ang saya ko. Ngayon na lang kami ulit nagbonding, ang bonding kasi namin ay yung pag bebake.

"Anak ang cute oh! Isukat mo bilis!" Sabay abot nya sakin ang isang pulang doll shoes na may ribbon sa side.

"Opo nga! Hahah" pagsang ayon ko, cute naman kasi. Nagtingin tingin pa kami ni mama. Lumipat naman kami sa mga dressess. Habang tumitingin si mama, tinitignan ko naman mga iba pang damit. Napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Si... Oo nga, si Andrew nga. Anong ginagawa nya dito? Sino kaya kasama nya, nanditi rin sya sa mga damit! Bakit? Bakla na ba sya? Uhgg kinakabahan na ako sa nakikita ko. Anong ibig sabihin to?

Biglang naglakad ang paa ko papunta sa lugar nya, ewan ko pero parang nacucurious ako.

"A-andrew?" Utal kong sabi, bigla naman syang nagulat nung makita nya ako.

"R-rianne? A-nong g-ginawaga mo d-dito." Pautal nyang sagot. Bakit sya ang nagtatanong nyan sakin? Diba dapat ako?

"Ikaw? A-anong ginagawa mo dito?" Pansin ko may hawak sya ng isang damit kulay itim. Para kanino? Para sakin ba? Ano naman meron?

"A-ah ano kasi... B-bumibili ng.. Gift, Oo gift para sa... P-pinsan ko." Hindi mapakali nyang sagot. Gift? Para sa pinsan nya? Hindi pala para sakin? Tss.

"Ah ganun ba? Hmm.. Okay." Yun na lang sinabi ko. Naiinis ako, para kasing may something eh! Malalaman ko rin yan!

"Ah ganun ba? Sino kasama mo?" Utas nya sabay kamot sa batok nya.

"Ah-" hindi ko natapos ng biglang singit ni mama.

"Anak!" Tawag ni mama sabay lapit. Tinitignan nya si Andrew ng nakangiti.

"Ahh.. Andrew, mama ko, Ma si Andrew... Friend ko." Kakaba kaba kong sabi. Ngumiti naman si Andrew.

"Goodafternoon po Tita." Bati nya, sabay kiss sa pisngi.

"Hi, Goodafternoon too. " ngiting bati rin ni mama.

"Ah sge Rianne, mauna na ako ah? May dadaanan pa kasi ako. Tita." Paalam nya, nag smile naman si mama. Nag nod na lang ako, sabat wave.

"Hmmm.. Sino yun?" Ngiting asar na tanong ni mama.

"Ma, friend nga po." Irita kong sabi, pero di ko pinahalata na, na inis ako, hindi kay mama, kundi kay Andrew! Tsk.

"Hmm okay-okay. Hahah masyado ka naman affected." Pangutya ni mama.

"Hindi po ah! Tara na nga po, gutom na ako." Pumasok kami sa isang Restaurant, nag o-order na si mama. Hindi pa rin matagal sa isip ko ang nangyari kanina. Uhgg para sa pinsan nya? Baka naman para sa pinsan nya talaga? Kasi sabi nya, handa raw sya magbago? Hindi nya naman siguru ako gagaguhin hindi ba?

"Anak? Sa summer punta tayo london ha?" Utas ni mama.

"Opo, gusto ko na silang makita. Si papa tsaka si kuya." Sambit ko. Dumating na order at nagsimula na kaming kumain ni mama. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano, about sa school, graduation ko, hindi rin nakalagpas ang lovelife ko. Mama ko talaga intrigira.

"So anak? May nanliligaw na ba?" Ngiting tanong ni mama. Bukod sa friends at kuya lang ang nakakaalam sa lovelife ko, nahihiya kasi ako kay mama sa mga pinaggagawa ko hahah.

"H-huh? Ma naman. Hahaha wala po." Ngiti kong sabi.

"Hindi nga? Alam mo ba noon, ang daming nanliligaw sakin, ang dami kong natatanggap na gifts. Hahah" utas ni mama sabay tawa. Ayus din mama ko ah! Okay ma, kayo na maganda. Hahah maganda naman talaga.

"Nako ma! Ngayon kasi iba na." Ngiti kong sabi.

"Huh? Ano kaya! Eh dapat nga mas maganda pag ngayon kasi... Sabagay, nuon kasi hindi pa uso ang mga touchscreen. Hahaha" tawa nyang sabi. Malamang po, ngayon kasi eh txt na lang, chat. Ganun. Haha

"Kaya nga po. Nuon kasi kailangan mag effort para lang magkita. Tsaka sulat-sulat pa, eh ngayon. Isang txt lang." Sambit ko sabay inom ng Juice.

"Oo nga eh. Oh tapos kana? Tara, uwi na tayo." Pagyaya ni mama sabay bayad sa waiter.

"Opo, tara." Utas ko sabay tayo na at kinuha na ang mga gamit. Lumabas na kami ng mall at dumiretso na sa parking lot para sumakay sa kotse. Pumasok na rin si mama at nilapag na ang mga gamit sa likod. Gabi na rin, walang tao ang bahay. Pinaandar na ni mama ang kotse at mabilis na pinatakbo.

Nung dumating na kami sa bahay, nagpahinga muna ako, nagpalit ng damit. Naisip kong ayusin ang isusuot ko para sa graduation. Excited na ako.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon