Dustin's POV
Nanghina at nanginig ang tuhod ko, parang tumigil bigla ang pag tibok ng puso ko, sabi ko na, parang ayaw ko ng tumuloy dahil eto pala ang makikita ko, bumagsak ang balikat ko at sunod-sunod na lang kumawala ang mabibigat na hininga ko. Para akong napako sa pagkakatayo, halos mawalan ako ng lakas pagkakatayo, naramdaman ko na lang tumulo na ang mga luha ko at napabitaw na ako sa bulaklak na hawak ko. Nanginig ang labi ko at nanlamig ang buo kong katawan.
Para akong pinipiga. Paulit-ulit ang pagsaksak sa puso ko at pinipiraso ito. Akala ko masaya ang sasalubong sa'kin pero bakit... bakit ito?
I saw Gail's picture na naka ngiti at nasa ibabaw ng isang puting kabaong. Hindi ko malunok ang bagay na nakabara sa lalamunan ko, para akong nanigas sa sakit na nakikita ko sa oras na 'to, hindi ako makapaniwala sa sumalubong sa'kin. Hindi ko na magawang humakbang papalapit sa kabaong na ngayon nasa harap ko, I can't even breathe, naramdaman ko ang mainit na luhang lumabas sa mga mata ko.
Panaginip nanaman ba 'to? Dahil kung Oo gusto ko na talagang bumangon, hindi ko magawang tumingin dahil natatakot ako na baka totoo na ang nangyayari, hindi ko magawang sumilip dahil ayokong makita baka hindi ko makayanan.
"D-Dustin?" Bigla akong natauhan at gulat na lumingon sa tumawag sa'kin, nakita ko si Roeh na may dalang tray. Taka at nagtatanong lang ang ibinagya kong sagot sakanya dahil natatakot na ako sa nangyayari, alam kong hindi na 'to panaginip.
Lumapit si Roeh sa'kin saka tinap ang balikat ko. Nakita ko ang mga mata nya. Mga matang galing lang sa iyak. So eto na ba? Totoo na ba talaga 'to? Bumuntong hininga si Roeh saka sinenyas ang kabaong na nasa harap namin, siguro'y gusto nyang lumapit ako. Naramdaman ko na lang na kusa ng humakbang ang mga paa ko palapit sa kabaong.
Hindi ko na nagawang pigilan ang pag hikbi ko ng makita kong nakahiga si Gail at nakasuot ng puting damit. Pakiramdam ko gumuho ang paligid ko, Halos hilahin ko si Gail sa loob dahil sa sakit narardaman ko, napahawak si Roeh sa balikat ko dahil sa hagulgol na lumabas sa'kin, hindi ko na inintindi ang mga tao sa paligid dahil sa ngayon ang alam ko gusto kong mabuhay si Gail. Ang daming tanong tumatakbo sa isip ko.
Bakit ganito? Kung kailan gumaling na ako sya naman ang nawala, ito ba ang kapalit? Dahil kung Oo babawiin ko, mas gusto ko na lang na ako na ang nakahiga sa hinihigaan nya. Bakit kung kailan masaya na kami may ganito pa ang nangyari? Bakit kung kailan nahanap na namin ang isa't isa dun pa ulit mawawala, bakit kung kailan bumuo na kami ng pangarap saka pa binawi. Ang sakit, hindi ko magawang matanggap na eto ang sasalubong sa pagbalik ko. Ang Gail na nakangiti at sasalubong sa'kin ng mahigpit na yakap ay hindi na pala mangyayari.
"Hindi nakaya ng puso nya. Ewan ko, hindi naman masamang tao si Rianne, bakit kinuha sya?" Naiiyak na sabi ni Roeh. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita nya. Anong hindi na kaya ng puso nya? Bakit? May sakit ba sya noon pa man?
Napalingon ako sa mama ni Gail, nakita kong nakatulala lang sya habang ang Papa nya mukhang kakagaling lang sa pag-iyak dahil sa pula na ang ilong. Binaling ko ang tingin ko sa mukha ni Gail habang umiiyak parin.
"A-anong. N-nagyari?" Nauutal at namamaos kong sabi. Suminghap si Roeh at nagsimulang mag kwento simula sa iniwan ko si Gail para sa operasyon ko hanggang sa sakit na huli na ng malaman nila at sa...
"M-may..." bago ko pa matanong mabilis na naglakad si Roeh pataas. Iniwan akong naguguluhan at nakaawang ang bibig. Naramdaman ko ang pag akbay sa'kin ng mama ni Gail na pilit ngumiti. Napalingon ulit ako kay Gail, para syang natutulog lang. Kailan pa? Kailan pa Gail? Ang daya mo, ba't hindi mo man lang sinabi sa'kin na may pinagdadaanan ka na rin pala?
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.