Rianne's POV
Nandito na kame ngayon sa isang napakalaking resort. Sobrang ganda, parang ngayon ko lang to nakita ah! Maraming mga cottage, ang ganda naman. Agad ako bumaba at naglakad na, gusto kong saksihan ang mga tanawin, parang ang sarap atang mag emote dito, hahah.
"Anak wag masyadong mag lalayo ha? Baka mawala ka." Pag aalalang sabi ni mama. Malawak kasi, pero may mga tao naman dito, may mga ibat ibang enjoyments pwedeng gawin dito.
"Opo ma, di naman po ako lalayo, gusto ko lang tignan yung lugar dito. Ngayon ko lang kasi nakita to." Sagot ko sabay ngiti at nakatingin sa dagat na nag aakit sa mga mata ko.
"Okay sge. Balik ka kaagad ha? Para maka kain na rin tayo." Nag nod na lang ako at nagsimula ng maglakad. Ang ganda, kumikintab yung dagat, parang ang sarap tumalon. Medyo malayo layo na ako, hindi ko napansin na nandito na ako sa dulo ng nilalakaran ko. Myedo mabato bato na. Napapaisip tuloy ako, hindi ko maiwasan na hindi maalala yung mga nangyari kahapon, ang fresh pa sa puso ko.
Naglalakad ako sa tabing dagat at ang tanging naririnig ko ay ang paghampas ng alon at ang ihip ng hangin...
"Walang hiyaa ka!! Pare-pareho lang kayo!!" Galit kong pinagbabato ang dagat. Kasi wala lang! gusto ko lang hahaha baliw ata ako, gusto ko lang naman kasi ilabas ang galit at inis ng puso ko sa mga lalakeng walang alam kundi saktan ang puso ng mga babae.
"Miss wag mo naman ubusin ang bato! Mahal ang pagka bili dyan"
Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko, aba't loko to ah! Kung umasta akala mo bato nya! Irita kong nilingon ang epal sa pagmomoment ko."Bakit? Sino ka ba? Bato mo ba to?? Atsaka hndi mauubos ang bato! Madami pa dyan! Wag kang epal! Tss" inis kong tinalikuran sya! Grabee feeling close to ah!
Naglakad na ako, istorbo! Tsk. Naglakad ako medyo malayo lang ng konti. Naramdaman ko ang mga yapak nya papalapit. Uhgg feeling close nga! Inis kong nilingon sya, at uo nga nasa side ko lang sya naka upo na.
"Sinusundan mo ba ako?" Loko to ah! Sarap ilunod sa dagat. Tumingin sya sakin at binalik ang tingin sa dagat. Abat! Sya pa may ganang tumingin ng masama?
"Tss." Sambit nya. Ang sungit! Sino naman kaya to! Medyo gwapo, no! Hnd lang medyo. Gwapo sya, pwede na, matangkad, maganda ang mata nya, yung tipong isang tingin lang nakaka laglag ng mata, yun nga lang mayabang at masungit. Narinig kong nag buntong hininga sya. Binaling ko ulit ang tingin ko sa dagat buti na lang nasa unahan nya ako ng konti.
"Hindi kita sinusundan! At bat naman kita susundan? Sino ka ba? Kanina pa ako nandito, nairita ako sa sigaw mo!" pagsusungit nya! Ano raw? Na una sya? Dito? Eh wala naman tao kanina rito ah? Tss.
"Ako ba pinagloloko mo? Eh nung pumunta ako dito walang tao, so anong sinasabi mong na una ka dito?" Ang yabang! Uhg.
"Nakahiga ako sa side ng batong yun!" Sabay turo nya at tayo. Hmm so sya pala na una. Edi sya na!
"Sayo na tong lugar! Ituloy mo na ang drama mo at pag iyak! Hindi ka mamatay kung iniwan ka!" Sabay lakad nya ng nakapamulsa yung dalawang kamay. Huh! Anong pinagsasabi nyang hindi ako mamatay. Ano bang alam nya tungkol sakin? Sabagay nga naman! Pare-pareho lang silang mga lalake kaya ramdam nya! Inis kong hinarap sya.
"Bakit? Ano bang alam mo? Wag kang epal! Hindi mo ko kilala!" Irita kong sabi. Nakita ko syang huminto at humarap sakin.
"Sa narinig at sa nakita ko kanina, rason na yun para isipin na broken hearted ka!" Nabigla ako sa sinabi nya. Ganun ba kahalata? Gosh! At ano bang pakealam nya? Pano nya nalaman? Manghuhula ba sya?
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.