CHAPTER FOURTY SEVEN

3 0 0
                                    


Rianne's POV

Binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata. Nakita kong nakatayo lang sya at nakatalikod parin.

Baka hindi nya ako narinig. Huminga ako ng malalim, Rianne! Ito na yung time, Baka pag pinalampas mo to magsisis ka. Mas mabuti ng malaman nya. Kahit na ayawan nya ako, tatanggapin ko kahit masakit, hindi na ako natatakot masaktan, lagi naman akong nirereject eh.

"DUSTIN GUSTO KITA! AH HINDI! MAHAL NA YATA KITA." Pasigaw kong sabi, mukha kasing hindi nya ata narinig o dumaan lang sa tenga? Uhg! Nilapitan ko sya at hinawakan sa braso.

"Dustin?" Malungkot kong tawag. Buntong hininga lang ang narinig.

"Mahal? Pano mo masasabi na mahal mo na ako?" Natatawa nyang sabi. Napakunot ang noo ko.

"...Sa maikli natin pagsasama, ang bilis naman. Baka masyado lang tayo naging close kaya akala mo mahal mo na ako." Aniya. Nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ako nagkakamali sa nararamdaman ko, nagsimula ito nung lagi na kaming magkasama, hindi ko alam pero parang ang bilis nga. Basta ang alam ko mahal ko na sya at ayokong mawala sya sa tabi ko.

"Hindi Dustin! Mahal na kita at alam ko 'yun, naramdaman ko yun simula nung mas nakilala kita." Malungkot kong sabi. Naramdaman kong mas bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi na talaga ako nagkakamali sa nararamdaman ko.

"Gail? Hindi pwede. Wag mo na akong mahalin." Seryoso nyang sabi ng hindi nakatingin sa akin.
Napatigil sandali ang mundo ko sa sinabi nya. Kasabay nun, Napabitaw ako sa pagkahawak sa braso nya.

Nakita kong humakbang na sya. Pero bago pa syang lumayo, pinigilan ko sya.

"Bakit hindi? Dustin? Dahil hindi mo ako mahal? Ganun ba yun? Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa'kin?" Bumasag ang boses ko sa sinabi. Bakit hindi?

"O-Oo." Aniya ng hindi pa rin nakatingin saakin. Naramdaman kong tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.

"B-Bakit? D-dahil ba s-sa... M-may m-mahal ka ng i-iba?" Pautal utal kong sabi. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay napalitan ng pinipiga na. Mahirap ba talaga akong mahalin?

"W-wala. Basta hindi mo ako pwedeng mahalin. Masasaktan ka lang Gail." Aniya. Napatigil ako sa sinabi nya. Ngayon pa lang, nasasaktan na ako.

"Masasaktan? Bakit? Bakit ako masasaktan? Dahil ba sa hindi mo ako gusto? Naiintindihan ko naman eh! Pero ganun ba ako kahirap mahalin??" Utas ko. Nahihirapan na akong huminga. Bat ko ba pinipilit ang sarili ko sa taong ayaw ako.

"Hindi ka mahirap mahalin Gail! Pero hindi mo ako pwedeng mahalin, dahil ayokong umasa!" Walang buhay nyang sabi. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya, una ayaw nya akong masaktan at pangalawa ayaw nyang umasa! Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya.

Hinawakan ko sya sa braso at pilit na pinapaharap saakin.

"Ano bang ibig mong sabihin? Please! Ipaintindi mo naman sakin!" Naiiyak kong tanong. Buti nga at walang tao ngayon dito sa park.

Humarap sya saakin at tinignan ako sa mata. Nakita kong malungkot ang mata nya pero seryoso ang mukha.

"...Dustin! Paki usap! Kung ayaw mo sakin ayos lang! Sinubukan ko lang naman eh! Wag mo naman guluhin ang usapan." Dagdag ko.

"Hindi mo ako pwede mahalin dahil mamamatay ako!" Matigas nyang sabi. Sandaling Huminto ang pagtibok ng puso ko sa sinabi nya. Mamatay?

"Anong mamamatay ka?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo Gail, may sakit ako, at hindi lang basta sakit! Mamamatay ako kaya ayokong umasa! At ayokong masaktan ka, minahal na rin kita Gail, kaya lang gagawin ko ang lahat para mawala ang nararamdaman ko sayo, dahil alam ko sa huli masasaktan kita at natatakot akong umasa. Pero Sh*t! hindi ko mapigilan ang hindi ka lapitan! Sinubakan kong iwasan ka pero hindi ko magawa! Sa tuwing nakikita kita sa school nagtatago ako kahit gustuhin man kitang lapitan pero pinipigil ko ang sarili ko, habang umiiwas ako mas lalo kitang hinahanap, pero hanggat pwede pang pigilan ang nararamdaman ko gagawin ko, dahil ayokong mas lumalim pa 'to!" Aniya sabay turo sa dibdib nya. Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga narinig ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"H-huh?" Utal kong sabi. May sakit? Mamamatay sya? Kaya pala ilang araw ko na syang hindi nakikita.


Huminga ako ng malalim at seryosong hinarap sya. "Hindi mo naman kailangan matakot eh! Hindi ako takot. Dustin, gagawin ko ang lahat para huwag ka lang matakot!" Dagdag ko, kung 'yan ang rason nya kung bakit ayaw nyang magmahal, pwes, hindi ako natatakot.

"No, Gail! Mas mabuti na 'yung ganito. Tama na 'yung ganito lang." Aniya at naglakad na sya palayo. Naiwan akong nakatayo at wala sa sarili. Naninikip ang dibdib ko, nanghihina ang pagtibok ng puso ko. Napaupo ako at napaiyak na lang.

Eto nanaman ba ako? Nasasaktan nanaman ako, Umiiyak nanaman ako. Ang sabi nya mahal nya ako diba? Kaya lang natatakot lang sya diba? Hindi ako nireject diba? Mahal nya din ako.

"D-Dustin!!" Mangiyak ngiyak kong sambit.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon