CHAPTER FIFTY TWO

3 0 0
                                    


Rianne's POV





"T-teka? Saan tayo?" Utas ko, hila hila kasi ako ni Dustin palabas ng school. Baliw talaga!

"Basta sumunod ka na lang!" Aniya sabay ngisi. Sumunod na lang din ako.

Nung nakalabas na kami, hila hila nya parin ako sa kamay. Bumbilis talaga tibok ng puso ko pag hawak nya kamay ko, para bang may kulisap sa tyan ko na umiikot ikot. Kahit na malapit lang sya saakin, parang ang saya saya ko na. 1 week na rin nya akong nililigawan, at sa 1 week na yun, naramdaman ko kung gaano ako ka special sa kanya. Lagi syang may surprise saakin, pinupuntahan ako para samahan, lagi akong pinapakilig sa sariling diskarte nya. Naramdaman ko ang mga bagay na hindi ko naramdaman sa mga minahal ko dati.

"Tara!" Aniya ng makarating na kami sa sasakyan nya. Mabilis kaming pumasok sa loob.

"Sa'n ba tayo pupunta?" Utas ko. Ano nanaman kaya to!

"Basta nga! Hahaha" aniya sabay halakhak. Tss. Nakakainis na yang basta nya ah! Pinaandar nya na ng mabilis.

Ilang minuto lang nakita kong pinark nya na ang kotse sa isang...

"Mall?" Taka kong tanong. Kakain nanaman ba kami?

"Yup! Lets go!" Nakangiti nyang sabi. Sumunod na lang ako, kahit tanungin ko, hindi naman sasagot ng maayos, puro 'Tara!' 'Basta' tss.

Nakita kong pumasok sya sa isang ladies department at kina usap ang isang sales lady. Sinusundan ko lang sya, wala talaga akong ideya kung anong ginagawa namin dito.

"Fit mo eto, eto, eto, eto tsaka eto!" Sabay abot nya saakin ng mga dress.

"Para saan to?" Utas ko.

"Tss. Isukat mo nga diba? Sige na! Bilis!" Aniya sabay tulak ng mahina sa akin.

Tinaas ko ang isang kilay ko at pumasok na sa fitting room. Una kong sinuot ang black na may lace sa likod, hanggang tuhod sya, sleeveless at may mga diamond bits pa. Ng masukat ko na agad akong lumabas.

Nakita ko syang tinaas nya ang kilay nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Hmm.. iba!" Aniya. Ayos din to ah! Ang ganda kaya! Pumasok ulit ako at sinukat yung yellow, simple sya pero para akong nasa premiere night. Pagka sukat ko, Lumabas na ako.

Nakita kong ngumiti sya. At bigla na lang sumimangot.

"Ayoko nyan!" Aniya sabay cross arms pa. Galing ah!

"Uuhg! Nakakapagod kaya mag sukat, try mo!" Inis kong sabi sabay pasok sa loob, sunod kong sinukat ang beige, sa lahat ng damit na binigay nya, eto ang nagustuhan ko. Simple din sya pero eleganteng tignan, nakatube ito tapos may mga silver sa edge ng tube, may diamond stones na nakapaligid sa waist ko. Medyo maiksi sya at kuhang kuha ang curve ng katawan ko, mas pumuti ako lalo.

Lumabas na ako ng fitting room. Nakita kong napatingin sya saakin, natulala sya, pero seryoso ang mukha nya at ilang minuto pa bigla syang ngumiti. Hahah nagandahan sya saakin diba?

"What? Am I that Beautiful ha?" Sarcastic kong tanong. Nakita kong nawala ang ngiti nya, nakataas na ang isang kilay nya.

"No!" Aniya sabay talikod. Kainis ah! Kunwari pa sya! Maganda kaya ako!

"Tsss." Irita kong sabi. Babalik na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Yan na... You're not Beautiful, coz you're Gorgeous!" Aniya ng walang lingon lingon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, shet! Uminit ang mukha ko sa sinabi nya. Medyo kinilig ako dun ah! Napangiti nya nanaman ako. Gusto ko ng mag wala sa loob ng fitting room eh. Hahah

Pagkatapos 'nun, lumabas na kami ng mall, nag ikot ikot din kami kanina para bumili ng heels at ng kung anu-ano pa, kumain na rin kami. Natapos kami ng 4pm. Medyo nakakapagod. Ibang klase din sya kung manligaw ah? Pinagshoshopingan? Lol.

"Wear that later. May ipapadala ako sa bahay nyo ng make up artist para ayusan ka, pero sa totoo lang, di mo na kailangan ayusan eh! Kasi your beauty is enough for me." Nakangiti nyang sabi. Leshe telege! Haha enebe Dustin! Pero wait! Wear this later?

"Anong meron?" Taka kong tanong.

"May party sa bahay later, umuwi si ate galing France, birthday nya today. Pupunta ang family namin tsaka yung mga kasosyo ni papa pupunta, so You need to be there." aniya. Ano raw? Party mamaya? Ng ate nya? Tapos pupunta ang lahat ng family nila? What the hell!! Hindi ako prepared ah? ni hindi man lang ako brinief dun ah!

"Bakit kailangan ko pa pumunta! Nakakahiya! Tsaka wala akong gift!" Kakaba kaba kong tanong. Nameet ko na man parents nya, kasi nung binibisita ko sya nandun rin parents nya, naka usap ko na papa nya, syempre mama nya rin. Di ko pa nameet younger brother nya, kasi pag pumupunta ako, wala na sya, pag pupunta sya wala ako.

"You'll be fine! Gusto lang kita ipakilala sa iba ko pang mga relatives and si ate, gusto ka na nya mameet. Hindi mo na kailangan ng gift, hindi sya materialistic eh." Nakangiti nyang sabi.

"H-huh? Ipapakilala? As what? Bakit? Hindi pa nga tayo diba?" Taka kong tanong. Ipapakilala nya ako ni hindi ko pa sya sinagot. Tsaka paano kapag hindi nila ako nagustuhan? Uhg!

"Soon you'll Be mine. So ipapakilala kita as my future Mrs. Del Valle." Nakangisi nyang sabi. Napalaglag ang panga ko sa sinabi nya! A-ano raw? Shutaena! Future MRS. DEL VALLE? Nasisiraan na ba sya? Pano kung hindi ko sya sasagutin?

"T-teka nga! Ikaw ba nasa maayos pa ng pag iisip ha?" Irita kong sabi. O baka mamaya pinagtitripan ako neto!

"Of course yes! Kaya sagutin mo na ako!" Aniya at nag puppy eyes pa!

"Tse!" Inis kong sabi sabay irap. Bigla nyang pinisil ang pisnge ko. "Aaaraaayy!!"

"Hahah Sige na! Nasa tapat na tayo ng gate nyo. Basta ha? I'm going to fetch you exactly 7pm. Hintayin mo yung mag aayos sayo dito." Aniya sabay baba at binuksan nya na ang pinto para saakin, bumaba na ako.

"Sige na! Bye! Ingat." Utas ko, ngumiti sya at lumapit, at bigla nya akong hinalikan sa noo. Napafreeze ako sa ginawa nya napabilis ang pintig ng puso ko. Gawd! Habang tumatagal mas naiinlove ako sa taong to! Uhg

"Sige na, bye. See you later" paalam nya sabay pasok at pinaandar na ang kotse nya palayo.

Nararamdaman kong nagwawala ang puso ko, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Kasabay nun ang paghina ng pintig ng puso ko. Ano ba 'to? Parang madalas ko na yata 'to nararamdaman. Ang paninikip ng dibdib.

Napangiti ako. Haaay... Dustin, You make me fall like theres no tomorrow.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon