Rianne's POV
"Baby loves!" Utas ko, shemays! Pinagtitinginan tuloy ako. Ano bang pinaggagawa mo Rianne!
Lumapit ako sa kanya napansin kong nag mukhang ampalaya ang tatlong bulate sa tabi ni Dustin! Haha ano kayo ngayon? Mamatay sa inggit. O wait! Narinig kaya nya? Naka earphones kasi sya nung tinawag ko eh. Sana hindi nya narinig. Tumingin sya saakin.
"Grabe! Ang tagal mo dun ah? Dumating tayo dito 1, tignan mo anong oras na!" Pagrereklamo nya sabay tanggal ng earphones, pero ang cute ng pagrereklamo nya haha oh wait! Ano ba tong naiisip ko!
Tinignan ko ang relo sa kamay ko, at... Oh my gaddd! Seryoso? 4:20 na?
"Ganun ako katagal??" Gulat kong tanong, ibig sabihin kanina pa sya dito? Tama ba? Naghintay talaga sya?
"Oo, atsaka ano bang use ng relo mo kung hindi mo man lang magamit yan para tignan kung ilang oras ka na dun! May kasama ka kaya!" Sabay taas nya ng kilay. Napakamot ako.
"Sorry talaga Dustin, masyado lang akong na enjoy." Pagrarason ko.
"Well, buti naman at nag enjoy ka. Sulit naman ang paghintay ko ng matagal! Inaantok na ako kanina." Aniya.
"Hahahah salamat ah? Tara kain tayo, ako taya!" Nakangiti kong sabi. Tumango lang sya at naglakad na kami sa malapit na fastfood dito.
Pumasok at nag order na kami. Napansin kong panay ang ngiti ng babae sa cashier habang nakikinig sa inoorder ni Dustin. Tss, ang harot harot ng caherang ito! Sa'n na ba ang manager neto at makausap nga! Imbes na trabaho ang atupagin, paglalandi!
"Baby loves, gusto ko nun ha?" Pagpapacute ko sabay turo sa Ice cream. Gusto ko kasi ng Ice cream, kumukulo kasi dugo ko eh, sabay dilat sa cahera.
"H-Huh?" Aniya sabay lingon-lingon, nginitian ko lang sya.
"Ah, okay. Yun lang ba?" Pagtataka nyang tanong. Tumango ako.
Napansin kong nawala ang ngiti ng babaeng kumukuha ng order namin. Parang gusto ko ng tumawa ng malakas sa itsura nya. Hahah oh ano na?
Pagkatapos namin mag order binuhat nya na ang tray at pumunta na kami sa may bakanteng mesa at umupo na. Geez. Nagutom ako sa kakalaro. Ano na lang tong kasama ko, na kanina pa pala naka upo.
"Salamat talaga ha?" Nakangiti kong sabi. Ngumiti lang sya at nagsimula na syang kumain. Nagsimula na rin akong kumain.
"Oo nga pala Gail, pagkatapos dito san ka na?" Aniya.
"Huh? Ah ewan nga eh. Ah! Sa mga Rides tayo!" nakangisi kong sabi. Napa half smile sya. Gawd! Nagpapanic ang mga ugat ko sa katawan ko tuwing ngingiti sya. Eh pero bakit? Kasi dahil ang bait nya? Yun lang diba? Ays.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.