CHAPTER FIVE

14 0 0
                                    

Dustin's POV

"Brow!" Bati nila Trigger sakin sabay kamayan na pang trop.

"Hey!" Bati ko naman.

"Sup? May date na ba tayo sa 14?" Pangaasar na tanong ni Ryan. Ngumiti lang ako. Wala akong plano sa 14 eh! Bahay na lang ako.

"Hahaha ako, wala, I rather stay home" sagot ko habang umuupo na kami sa mga bleachers, nasa Baseball court kasi kame ngayon. Nanunuod ng practice. Pangarap ko talagang maglaro ng Baseball, kaso hindi ako pinayagan, bawal raw sakin sabi ng doctor ko. Tss kainis nga eh, madaming bawal. Mamatay na nga lang pagbabawalan ka pa.

"What? Hahaha ang bata mo pa para magkulong sa bahay dude! Lets enjoy, wag mo kasi intindihin yang takot mo sa puso mo, alisin mo yan para naman mabuhay ka ng may hustisya diba?" Utas ni Trigger, may point naman sya, pero ayoko talaga.

"Tss. Tignan mo si Harry! Namboboso, ganyan lang pare! Hahaha" pag singit ni Ryan sabay turo kay Harry na mukhang tulo laway na sa kakatingin sa mga babae sa kabilang bleachers.

"Hoy Harry! Matutunaw yang mga babae!" Saway ni Trigger. Hahaha nakakatawa ang itsura ni Harry. Sa grupo namin sya ang pinaka playboy halos every week iba iba girlfriend neto. Si Trigger naman ang parang matured kung mag isip, mag two-two years na rin sila ng girlfriend nya buti pa sya, si Ryan naman ang jolly sa grupo, wala pa sa isip nya ang mag girlfriend.

"Pare! Tignan mo! Si Claire, isa sa mga Hot chix dito sa campus natin, yung isa naman si Monique, grabeeee daw yan sa dance floor, yung isa si sam, grabee ang hubog ng katawan pare!!" Utas ni Harry sabay lapit saamin at turo sa mga babae sa kabilang bleachers na sa kasalukuyan ay nakatingin na rin sa lugar namin.

"Hoy! Ano nanaman yang utak mo ha?" Sambit ni Trigger sabay suntok sa braso ni Harry.

"Sakit nun ah! Gusto ko lang naman ipakilala kay Dustin! Kung makapanghusga ka!" Sabay himas nya sa braso nya.

"Hahahah wag ka na! Alam ko ikaw ang may balak dyan sa mga yan!" Asar na sabi ni Ryan kay Harry.

"Isa ka pa! Type mo rin naman si Claire eh! Hahaha aray-!! sakit nun ah!" Pagreklamo ni Harry kay Trigger.

"Ano? Isa pa?" Paghahamon ni Trigger sabay tawa.

"Tama na! Porket may Girlfriend ka na!" Utas ni Harry.

"Wag mong ibaling yan sakin! Matino si Dustin, kaya matino din ang ibigay mo!" Pabirong sabi ni Trigger.

"Hahaha mga loko! Ayaw ko nga! Okay lang ako, wag nyo na akong problemahin." Utas ko sabay tingin sa mga naglalaro ng Baseball. Kahit anong pilit nila, ayoko' pa rin ang isasagot ko. Di naman kailangan may date ako sa 14 or even sa prom pa! Last year nga wala rin naman, so ano pa ang bago.

"Hahaha tara na! Game Club tayo." Pagyaya ni Harry. Yung Game Club kasi andun na lahat, sports, bar, resort. Mga may VIP pass lang ang pwede dun. Since tito naman ni Harry ang may-ari dun, pwede lang sya maglabas pasok ganun rin kami, kilala na kasi kami dito.

"Tara!" Sabay tayo nila Trigger at Ryan.

"Kayo na lang muna." Utas ko sabay tingin sa Baseball court.

"Huh? Dustin naman! Wag kj. Hahaha" pabirong sabi ni Ryan sabay akbay kay Harry.

"Hahaha bawi na lang ako next time." Utas ko.

"Wow pre! Ang lungkot talaga ng buhay mo! Hahaha tara na!" Sabay hila ni Trigger sakin. Wala na rin akong nagawa. Mga sira ulo talaga tong tatlo, wala namam akong gagawin dun, tss maingay, magulo.
Lumabas na kami sa school at sumakay sa kotse. Di ko kasi nadala kotse ko, sinundo lang kasi kami ni Trigger, papunta sa school, ewan ko kung anong trip nila.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon