CHAPTER SIXTY SEVEN

3 0 0
                                    


Rianne's POV


Nagising ako sa alarm na tumunog. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Ilang buwan na lang uuwi na si Dustin. Mukhang hindi nya na ako makikita sa panganganak. Hinaplos ko ang maumbok kong tyan, napabuntong hininga ako saka ngumiti.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nun nagbihis at bumaba na ako para makapag breakfast.

"Goodmorning Pa, Ma." Bati ko kay papa ng makita ko sya sa dinning table na umiinom ng kape. Tatlong buwan na si papa dito simula nung umuwi sya dahil sa nalaman nya sa sakit ko. Sinubukan na rin namin kinunsulta sa mga magagaling na kakilalang doktor ni papa tungkol sa sakit ko, pero kahit na magaling pa ang doktor na 'yun ay bigo rin ang resulta. Even sa america ganun rin, Isa lang raw ang pwedeng mabuhay, it's either me or my baby. So syempre napaiyak si mama ng binigay ko ang desisyon ko sa anak ko. Kahit anong pilit nila sa'kin na hayaan ko na lang ang baby ko matigas ko pa rin sinabi na ilalabas ko ang baby ng buhay.

"Kumain kana." Walang buhay na sabi ni mama. Ganito sya, malamig na ang tungo nya sa'kin, siguro'y nagtatampo talaga sya sa'kin. 'Di nya naman kasi ako masisisi, this is about my baby kaya pipiliin kong mabuhay sya kaysa ako.

"Ma..." malambing kong sabi sabay yakap sa kanyang likod habang naghuhugas sya ng baso. "Intindihin nyo naman po ang situasyon ko. Pumunta na tayo sa point na... I can have alot of babies kung buhay ko ang pipiliin ko, but then hindi ko sya kayang mawala. This baby need to see the world, nakita ko na ang mundo, maybe this time... ang baby ko naman." Pagpapaintindi ko. Nangilid ang mga luha ko. I can't imagine na hindi na rin pala ako magtatagal. Kung successful ang operasyon ni Dustin, he can raise our baby, pero kung hindi naman. It's for us to go.

"Kahit mahirap para sa'min tatanggapin namin ang naging desisyon mo." Utas ni papa habang si mama humahagulgol nanaman sa pag iyak.

"Pag nawala na ako, promise me that you will take care of my baby." Sabi ko. Gusto ko nang maiyak pero pinipigil ko. Pinilit kong ipakita ang ngiti ko. I shouldn't let them see that I'm afraid.

"Stop talking nonsense Rianne!" Lumingon kami sa iritang boses ni kuya. He's really mad at me too. Tulad kasi ni mama ayaw nyang tanggapin ang desisyon ko. I undesrtand that, pero desidido na ako.

"Kuya... harapin na natin ang katotohanan." Walang pag asa kong sabi. "Pag nawala ako, pakisabi kay Dustin na mahal na mahal ko sya, alagaan nya ang anak namin at palakihin ng maayos. Baka kasi hindi nya na ako maabuta-"

"RIANNE!!" Natahimik ako sa biglang sigaw ni Kuya. Nakita ko ang namumula nyang mga mata at galit akong tinitigan. Napa buntong hininga na lang ako.

"Kuya, this is the reality. Kung natanggap ko, kayo din po." Malungkot kong sabi.

"Paano naman kami? Ganun na lang ba? Kung sayo kaya mo ng tanggapin, pa'no naman kami? We can't loose you!" Naiiyak na sabi ni mama.

"Ma... I can't loose my baby too." Mangiyakngiyak kong sabi.

"Mukhang desidido ka na." Ani papa saka tinignan ako ng may lungkot.

"Pa... Ma... Kuya, come on! Ilang buwan na natin 'to pinagtataluna, eh. Pag nawala ako, start again. Lagi ko po kayong babantayan. Just don't cry on my grave, baka hindi ko lang magawang tumawid." Sabi ko saka pilit na ngumiti.

"ANO BA RIANNE!" sigaw ulit ni kuya. I gave him a weak smile. Dapat maging matapang kayo, para hindi na ako mahihirapan. Iniyakan ko na ang magiging kapalaran ko. I'm done on that issue, I already accept it.

"Kuya, let's just accept it." Walang buhay kong sabi saka nilagpasan sila. Pinahid ko ang mga luhang nakatakas. Tanggap ko na simula nung nalaman ko na wala na akong choice. Kahit masakit, kahit ayaw ko. Pero pa'no naman ang anak ko. Ipagkakait ko pa ba ang mundong ito sakanya.

Paakyat na sana ako ng bigla kong naramdaman ang sakit at kirot sa tyan ko. Napahawak ako sa tyan ko dahil sa kirot. Sobrang sakit na parang may gustong lumabas. Naramdaman ko na ang tubig sa mga binti ko. Nanginig ang mga tuhod ko. Napahawak ako ng mahigpit sa tyan ko.

"Aah..." mahina kong sabi. Manganganak na ba ak- "ARRRRRGGGHHH!" Napasigaw ako sa sakit.

"RIANNE!" rinig kong sigaw nila, mabilis silang lumapit sa'kin at inalalayan ako pababa ulit ng hagdan.

"MA! Manganganak na yata ako." Sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Nanlamig ang katawan ko at pinagpapawisan na ako.

"D-dalhin natin sya sa ospital! Bilis!" Sigaw ni papa saka ako mabilis na ako binuhat papasok sa kotse.

"Aaarrrggghh!" Sigaw ko ulit sa sobrang sakit habang si mama pinapaypayan ako.

"Sandali lang, malapit na tayo." Taranta na sabi ni papa. Pinilit kong kumalma at hinipan hipan para hindi lalong sumakit pero pati dibdib ko napapasabay na rin sa sakit.

"Aaarrrrggghhh!!!! Lalabas na!!" Sigaw ko ulit. Not now baby!

Nang makarating kami sa ospital agad akong pinahiga sa stretch bed.

"Ma..." napahawak ako sa kamay ng mama ko pati na sa papa ko. Walang tigil naman ang paglabas ng mga luha ko, dahil sa oras na 'to, halo-halo na ang nararamdaman ko, sakit, kaba, at takot.

"A-anak..." bulalas ni mama. "Lumaban ka." Aniya. Naramdaman ko ang paghalik ni papa sa noo ko.

"Ma... Pa... kuya..." hingal na hingal kong sabi. Napapalunok na ako ng sunod sunod. Mahigpit kong hinawakan ang kanilang mga kamay. "... I love you so much... I-Ingatan nyo ang sarili nyo... T-take c-care o-of my B-baby..." iniangat ko ang tingin ko sa may ulo ko. Saka tinignan sila ng may ngiti, ngiti na masaya ako, I saw the tears on their eyes. Alam kong sa una mahirap, pero darating yung time na maiintindihan nyo ang pinili kong desisyon. Sa oras na 'to si Dustin ang nasa isip ko. Aalis na ako na wala syang kaalam alam.

"D-Dustin..." pabulong kong sabi habang madiin na pinipikit ang mga mata sa sakit, sa oras na 'to gusto ko sanang makita si Dustin kahit na sa huling pagkakaton. Sana mayakap ko man lang sya bago ako umalis. Pero alam ko sa sarili ko na malabo ng mangyari. Napapikit ako ng madiin dahil sa sakit na mga nararamdaman ko.

Pagmulat ko ulit nakita ko na ang emergency room na papalapit na ako. Napaiyak ako lalo. Sa oras na makapasok ako dyan, siguradong hindi ko na sila makikita. Iniangat ko ang tingin ko sa pamilya ko. Nakita ko si mama na humahagulgol habang umiiling, habang si Papa umiiyak at parang may sinasabi na hindi ko marinig at si kuya na nakahawak sa tyan ko. Masaya ako dahil binigay sila sa'kin.

"I'm going, now..." malungkot at nanghihina kong sabi pero pilit akong ngumiti. "...Thank you..." sabi ko at saka ngumiti ng maayos.

Narinig ko pa ang sigaw ni Mama pero pinigil ko ang sarili ko na huwag humikbi. Thanks for giving me this life, now I'm giving it back to my son.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon