CHAPTER FIFTY FIVE

1 0 0
                                    

Rianne's POV



Naghanda na kami para sa byahe. Mamayang gabi kasi ang party ng pinsan ni Nikki. Andito na rin sina Jess at Ryan, kasama rin namin ang apat na pinsan ni Nikki, dalawang lalake at dalawang babae, sila ang sumundo saamin nina Jess.

Bumyahe na rin kami, medyo mahaba haba to, so ang gagawin ko ay matutulog na lang, si Nikki at Ryan nagtatawanan habang yung mga pinsan nya nagkukulitan, si Jess naman busy sa tab nya. Van ng Pinsan ni Nikki ang sinakyan namin.

Pinikit ko na ang mata ko, 30 minutes na ang nakalipas simula nung umalis kami. Bigla kong naramdan ang pagvibriate na phone ko, agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag... si Dustin. Napangiti ako, kahit ang kulit pero ang cute, last ko syang kausap kaninang 6am eh 1pm na kami umalis. Agad kong sinagot.

"Hello Baby loves, napatawag ka? Hmm miss mo na ako agad? Heheh" palambing kong sabi. Pero napatigil ako ng marinig kong may umiiyak sa kabilang linya, lalaki pero hindi ito si Dustin.

"Ate Ria- sob*" napakunot ang noo ko, si Karl to. Nakaramdam ako ng kaba, ba't sya umiiyak?

"H-hello Karl? B-bakit? Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" Bulaslas ko, napatingin silang lahat saakin dahil sa taranta kong tanong. Gulat na nakatingin sina Jess saakin.

"Ate... sob* si Kuya inatake nanaman ang... sob* sakit" mangiyak ngiyak nyang sabi. Sandaling napatigil ang mundo ko, at mabilis ang pag kabog ng puso ko. Si... Dustin.

"Ha?? Sa'n ospital?... Sige salamat Karl." Pagkasabi ni Karl kung saang ospital mabilis kong pinapara ang sasakyan.

"Anong nangyari Rianne?" Gulat na tanong ni Ryan. At lahat sila nakatingin saakin na hinihintay ang sagot ko.

"S-si D-dustin. Inatake nanaman sya" maluhaluha kong sabi. Mas tumindi ang kaba ko at nanginginig ang buong katawan ko, naiiyak na ako at nagpapanic na ang buong sistema ko, hindi ko alam ang gagawin dahil sa takot.

"A-ano? Ang akala ko ba-" tarantang sabi ni Ryan.

"Ihahatid kana namin!" Utas ng pinsan ni Nikki na syang nagmamaneho.

"H-hindi na, m-magtataxi na l-lang ako." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Samahan na kita Rianne!" Utas ni Jess, pero mabilis ko syang pinigilan, ayokong sirain ang araw na dapat magpaparty sila.

"Hindi na Jess. Ako na lang ang pupunta. Ingat kayo sa byahe. Babalik na ako." Paalam ko at nag abang na ng taxi.

"Are you sure?" Sigaw ni Jess. Lumingon ako sa kanila at pinilit na ngumiti ayoko kasi maging dahilan para hindi sila tumuloy. Ako na ang pupunta dahil kailangan nya ako sa oras na to.

Nang pinara ko na ang taxi, kumaway na ako sa kanila, at agad ko ng sinabi sa Driver ang address ng ospital.

After ng ilang minuto nakarating na rin ako. Agad akong nagbayad at bumaba, dali-dali ng pumasok at sumakay ng elevator, nasa 3rdfloor sya, pag bukas ng elevator hinanap ko ang kwato nya, hindi naman ako nahirapan kasi nasa 2nd room sya. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang mama at papa nya na nakatayo. Hingal na hingal ako sa pagmamadali.

"Ate Rianne!" Tawag ni Karl sabay lapit saakin at niyakap ako, niyakap ko rin sya. Naging malapit na sakin si Karl, dahil lagi kaming nagkukulitan pag sa bahay nila.

Napatingin saakin ang papa at mama nya, may lungkot sa mga mata nila, ang mama ni Dustin halatang kakagaling lang sa pag iyak.

"Si Kuya..." basag nyang boses na sabi. Hinaplos ko ang Likod nya.

"Your Kuya will be okay." Utas ko, kailangan kong magpakatatag para lumaban sya.

Nang kumalas na si Karl sa pagkayakap, Mabilis kong pinahid ang tumutulo kong luha. Pumasok na ako at tumabi sa mama at papa nya. Minasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Dustin.

"Kaninang umaga, aalis na sana kami ng bigla na lang sumakit ang gilid ng tyan nya." Malungkot na sabi ng mama nya.

"Ano po'ng sabi ng doktor?" Malungkot kong tanong.

"Ang sabi, normal lang yun. Pero kakailanganin nya ng 2nd surgery." Aniya. Lumabas muna ang papa ni Dustin at si Karl.

"Kailan raw po?" Ang pagkakaalam ko dumaan na sya sa surgery, hindi pa rin pala okay?

"3 years pa bago sumailalim ulit sa operasyon." aniya.

"Hindi po ba parang ang tagal? Baka po mas maging malala lang?" Malungkot kong sabi.

"May maintenance naman na binigay ang doktor na pwede syang takpan hanggang sa umabot na ang oras na ooperahan sya." Aniya. Mukhang mahihirapan sya pag ganun eh. Tinignan ko sya ng mabuti, hindi ko na napapansin, umiiba na ang katawan nya, hindi na tulad nung una ko syang nakita.

Masakit tignan ang taong mahal natin na nahihirapan. Kung pwede ko lang kunin ang sakit nya at ako na ang mahirapan ayos lang. Dahil mas gugustuhin ko pa na ako ang masaktan wag lang sya. Pinahid ko ulit ang mga luha ko at mataimtim syang pinagmamasdan.

Dustin, magpakatatag ka. Lumaban ka. Dahil hindi kita iiwan, lalaban tayo. 'wag kang bibitaw, marami kami ang kasama mong lumalaban kaya 'wag kang susuko.

Tumulo ulit ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Ang hirap, lalo na pag sakit ang kalaban mo. Hindi mo alam kung kailan aatake. Wala na sigurong mas sasakit kapag nakita mo ang taong mahal mo na nahihirapan at nasasaktan. Naramdaman ko nanaman ang pananakit ng puso ko na parang kinukurot ito. Huminga ako ng malalim dahil sa tumitindi nanaman ang kirot. Dahil siguro masakit makitang nagkakaganyan sya kaya sumasakit ang dibdib ko.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon