Dustin's POV
"Dustin..." pilit kong hinanap ang malalim na boses ng isang babae pero hindi ko mahanap. Halos makapal na puting usok ang nakapaligid na lang ang nakikita k. Sinubukan kong humakbang kung saan ko naririnig ang boses. "Dustin..." tawag nito ulit sa'kin. Sinubukan kong talasan ang pakiramdam ko sa isang boses na hindi mahanap. Puro puting usok na makapal na lang ang nakikita ko.
Naaninag ko ang isang babae na nakatalikod, pero parang pamilyar sya. "Hey..." utas ko sa babaeng nakatalikod. She's wearing a white dress. "Excuse me?" Pagtawag ko ng pansin. Nakita kong dahan-dahan syang lumingon, pero ng lumingon sya bigla kong napansin ang paligid, ang makapal na puting usok ay nawala, at nakita ko ang kulay asul na dagat, bakit nasa dagat ako? Lumingon lingon ako pero wala na 'yung babae.
Ano ba ang nangayayari? I don't understand. Lumingon ulit ako sa gilid then I saw again the girl, nakaharap sya sa dagat at hindi ko makita ang mukha nya dahil sa kanyang buhok. Pero bakit may hawak syang sanggol? Napakunot ang noo ko.
"Excuse me..." pagtawag ko sakanya, dun ko lang nakita kung sino ang babaeng kasama ko. It was her... Gail. Napakunot ang noo ko, maaliwalas at nakangiti sya sa'kin habang karga karga ang baby. "Gail? K-kaninong bata 'yan a-at... nasaan tayo?" Taka kong tanong. Pero imbes na sagutin nya ako, niyakap nya ako, naramdaman ko na wala na ang bata na karga nya kanina dahil dalawang kamay nya na ang nakayakap sa'kin. Napangiti ako at napayakap na rin ng mahigpit. I really miss her.
Maya-maya lang naramdaman kong kumalas na sya kaya tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Ang weird. Bakit parang may kakaiba? Is this just a dream? Naninibago ako kay Gail.
"Where are we?" Tanong ko saka luminga linga. Sa beach ba kami? Bakit parang walang tao. Humarap ulit ako kay Gail pero nakatalikod na sya at naglalakad na patungo sa dagat. Teka? Ano ba ang nangyayari?
"Gail? Sa'n ka pupunta?" Pasigaw kong sabi pero hindi sya lumingon, patuloy lang sya sa paglalakad na parang hindi nya ako narinig, kinabahan ako nang makita ko hanggang beywang nya na ang tubig, napatigil ako, humarap sya ulit at dahan-dahan iniangat ang kaliwang kamay nya saka kumaway ng nakangiti, napakunot ang noo ko, napaawang na lang ang bibig ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari.
Kumurap ako, mabilis lang pero bigla syang nawala sa paningin ko. "No! Gail! Gail! ...Don't leave me!" Naiiyak kong sabi. Para akong nabuhayan ng takot ng makita ko ang pag laho nya sa paningin ko. Saan na sya? Iniwan nya na ba ako? "GAIL!!!" Buong lakas kong sinigaw ang pangalan nya.
Napaupo ako ng magising, hingal na hingal at parang tuyo ang lalamunan ko.
"Dustin?" Bungad sa'kin ni mama. Lumingon ako sakanya. "Did you have a bad dreams? Is this about Rianne? Kanina ko pa kasi naririnig ang pagtawag mo sa pangalan nya na parang may nangyayari na masama sa panaginip mo." Lumingon ako kay mama. Pananginip lang ba 'yun? Damn! Buti na lang.
"It was a bad dream ma." Sabi ko na lang saka hinilamos ang mga kamay sa Mukha ko. Bakit may ganun akong panaginip? Ano ba'ng pinapahiwatig ng panaginip na 'yun.
"Makakauwi na tayo ng pilipinas bukas. Tutal, okay ka na, sinabi na ng doktor na pwede ka na raw magbyahe." Ani mama. Tumango na lang ako. Mahigit isang taon na pala ako dito, at hindi ko na mapigilan hindi maexcite na umuwi. 1 week rin akong nagstay sa rest house namin para lang mafully recover. I can't wait to see Gail.
Masaya ako dahil sa nasurvived ko ang operasyon, now I can say na Cancer free na ako. Sobrang saya ko ng nalaman ko na naging successful ang operation, hindi na nga ako makapaghintay na hindi ibalita 'to kay Gail.
Kamusta na kaya sya. Malamang, namimiss nya na ako. Siguradong nagtatampo 'yun dahil wala na syang natanggap na balita sa'kin, pa'no rin naman kasi, tutok na tutok ang pamilya ko sa'kin dahil mahigit ilang buwan rin akong minomonitor ng mga doctor dito. Hindi rin ako nakapag email kasi bawal raw ako mastress, sina Ate naman kapag nag e-email raw sya hindi raw nag rereply si Gail, pero ang sabi nya kasi magpagaling ako at 'wag na raw muna syang intindihin do'n, kaya ginawa ko 'yun.
Napaisip tuloy ako sa naging panaginip ko. Tss. Ayoko sa panaginip na 'yun!
"Hindi na ako makakasama sa pinas, Ma, Pa." Ani Ate. Nang kinabukasan, maaga kasi ang flight namin.
"Osige. Ingat sa pag balik ng france." Ani Mama. Tumango naman si Ate saka niyakap si Mama at papa. Pabalik na rin kasi sya sa paris para ayusin ang mga naantala nyang business meeting.
"Ingat ka ate." Paalam ko. Ngumiti sya at ginulo gulo ang buhok ko.
"Ikaw din. Ingatan mo sarili mo." Aniya saka niyakap ako. "And... just tell me if when ang kasal nyo ni Rianne, ah? Ako na bahala sa wedding gown nya at ng mga bridesmaid." Natatawang sabi ni ate, niyakap ko sya ng mahigpit.
"Salamat. Tatawagan kita." Sabi ko saka kumalas.
"No worries, brother. Oh Karl? Ikaw ingat din, 'wag muna mag gigirlfriend, ha?" Pang-aasar nyang sabi. Tumawa naman kami maliban kay Karl na nakakunot noo.
"Whatever Ate!" Irita nyang sabi sabay saksak ng headphones.
"Osgie na anak. Una na kami. Ingat ka." Ani papa. Pagkatapos namin mag paalam pumasok na rin kami sa loob ng airport. Halos lumipad na ako papasok ng eroplano dahil sa sobrang excited ko na umuwi.
Hindi ko talaga maalis ang saya at kaba, after 1 year of suffering not being with her is like a torture to my heart. This time mas maraming oras na kami para sa isa't isa. Mabubuo na namin ang mga pangarap namin. Magpapakasal kami sa oras na makarating kami sa pilipinas.
Just wait for me, Gail. Pabalik na ako.
Pagkalapag ng eroplano nag ayos at kinuha na nila Papa ang mga gamit, ako kasi hindi pa pwedeng magdala ng mabigat baka raw maapektuhan pa, kaka opera lang raw kaya si Papa na ang nagdala.
Tahimik at kinakabahan na ako sa loob ng sasakyan. Sa frontseat ako kasama ng driver namin, sa backseat naman sina Mama't Papa at Karl.
"Can't wait son?" Biglang tanong ni Mama, napalingon ako sakanya saka ngumiti.
"Sort of mom." Nakangisi kong sabi. Excited na kinakabahan ako sa oras na 'to, ano kaya ang reaction ni Gail pag nakita ako? Masaya? Galit o ano? Alam ko naman maiintindahan nya. Isang sorpresa talaga ang pag balik ko dahil wala syang alam na darating na ako. Alam kong yayakapin nya ako ng bigla sa saya.
Sa bahay nina Gail na ako nagpa baba, hindi ko na kasi mahintay pa ang bukas. Sabi kasi nina mama na bukas na lang raw kaso sabi ko mas gusto ko ngayon na.
"Okay, sige. Take care. Hindi na kami bababa anak, medyo pagod na rin, papuntahin mo na lang si Gail sa bahay bukas, okay?" Ani mama. Tumango ako at nagmadali ng bumaba. Dala ko ang bulaklak na binili namin kanina sa byahe. Kinapa ko ang box ng singsing na nabili ko pa sa paris, this will be my proposal ring.
Sa totoo lang pinapapawisan na ang kamay ko sa kaba. After 1 year kasi ng hindi pagkikita, ngayon na lang ulit kami magkakaharap, and this time I will make it sure na hindi na kami magkakahiwalay pa. Dala-dala ko ang magandang balita para sakanya. Alam kong naghihintay sya.
Nakatayo na ako sa labas ng kanilang gate habang nakatulala sa loob ng bahay nila, nagtaka ako kung bakit maraming tao sa loob. What's happening? Bakit parang tahimik at malungkot, tsaka teka... bakit parang mas lalo akong kibahan? and whats with this people? May okasyon ba? 'Yan ang bigla kong naisip.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng gate at humakbang papasok sa loob ng bahay. 'Yung iba busy sa kwentuhan, 'yung iba naman parang nagluluksa. Ano ba'ng meron?
Bigla ulit akong nakaramdam ng kaba at takot, parang nararamdaman ko na ayaw ng pumasok ang katawan ko sa loob pero nilabanan ko ang pakiramdam na 'yun at dahan-dahan humakbang papasok sa loob ng pinto at dun ko lang napagtanto kung ano ang nagaganap.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.