Jessica's POV
Nagulat kaming tatlo sa nagsalita sa harap ng stage. Di ko inaasahan to, I'm sure pati si Rianne, hindi nya to inexpect! Ano nanaman bang pakulo to ni Andrew, like hellow! Kilala ko na tong mga uri ni Andrew!
Tumama ang spotlight na kung saan ang lugar namin. Leshugas talaga! Tinignan ko si Rianne, parang natetense na ang itsura nya, bibigay nanaman to! Si Rianne kasi madaling mahulog. Lalo na pag si Andrew na, dito lang kasi sya tumagalnkahit ng 'months lang' not like sa dalawa nyang naging ex, yung una 1year pero LDR lang, yung isa naman 4months lang kaso parang naglalaro lang ng bahay bahayan, magpapakita na seryoso ang panliligaw, tapos ano? Tsk ewan ko ba kung bat niligawan pa sya! Kung ganun lang naman ang gagawin nila sa friend namin. Eto naman kasi si Rianne di pa rin nawawalan nagpag asa kahit ilang ulit nang nasasaktan, lumilipas agad ang sugat, pero ma totrauma na rin sya.
"Papalapit na sya!" bulong ni Nikki. Nakita ko naman sya na papalapit na. Kapal din ng apog nito! Tsk pagkatapos ipagpalit si Rianne. Kumukulo dugo ko eh! As if parang ako lang ang niloko eh! Well... Na phobia na kasi ako sa mga lalaking nang iiwan! Ako kasi ang mas masakit, papa ko pa ang nangiwan. Okay lang sana kung Boyfriend eh. Pero tatay? Mas masakit pa yun kesa sa nararamdaman ni Rianne. Yung sa araw-araw kang gigising hindi mo ramdam ang presence ng isang father figure. Yung kahit gusto mong isumbong kapag binubully ka, yung kapag nagka 1st crush ka, gusto mong ikwento, para bigyan ka ng konting advice, yung bang sabay kayo ng pamilya mo magsisimba, magmomall, icelebrate ang birthday's mo, yung maranasan mong pagalitan ka ng papa mo, yung ihahatid ka susunduin ka. Wala eh, lahat yan naransan ko ng wala sya, mama ko at bunsong lalake lang ang kasama ko. 7 pa lang ako nung iniwan nya, tandang tanda ko pa yun! Nag aaway sila ni mama. Nakita ko pang may daladala syang mga bags. Ni hindi man lang nya ako nilingon habang umiiyak ako na tawag tawag ko pa sya, kaya simula nun, naging tahimik na ako, bukod kila Rianne na Childhood ftiends ko, nilayo ko na ang sarili ko sa ibang tao lalo na sa mga lalake, kahit may kapatid akong lalake pero hindi ko pa rin mabago ang nararamdaman ko, tinatanong ko naman kay mama kung bakit, ang sagot nya lang, naghanap ng iba, kaya abot langit ang galit ko. sguru nga tama nga sila, man hater nga sguru ako.
Nakita ko na sa harap namin si Andrew.
"Please give me another chance. One last chance Rianne and I'm going to make things right... Please?" Utas nya. Sabay luhod nya, Nilingon ko si Rianne naramdaman ko ang higpit na hawak nya sa kamay ko, nanlalamig ang mga kamay nya, hindi nya siguru alam kung anong gagawin.
Nabigla ako ng bitawan nya kamay ko at tumayo, tapos bigla syang tumakbo."Rianne?" Sabay sigaw namin ni Nikki at sabay tayo. Nagkatinginan na lang kami ni Nikki.
"Maybe... Kailangan nilang mag usap?" Takang tanong ni Nikki. Binaling ko na lang ang tingin ko kung saan sya tumakbo, nakita ko naman sinundan sya ni Andrew. Sana okay lang sya.
Naghintay-hintay pa kami ni Nikki ng ilang oras.
"Babalik pa ba yun?" Pag alala kong tanong. Nagaalala na kasi ako, ano na kaya ang nangyayari dun?
"Baka nag-uusap pa sila. Hindi naman siguru sya pababayaan ni Andrew!" Utas nya sabay kuha sa cellphone nya.
"Hindi ka ba nag aalala? Ayus lang ba sayo kung makipagbalikan si Andrew kay Rianne?" Pagalalang tanong ko, hindi kasi malabo eh. Para sakin ayoko na! Yung tipo nyang yun, hindi na dapat binibigyan ng second chance. Tsk
"Hooy! Sobra ka din! Hindi naman sa hindi nagaalala, syempre besfriend natin yon, eh yung sakin lang, hayaan muna natin na magusap sila. Tsaka alam mo naman kung ano ang magpapasaya kay Rianne diba?" Utas nya. Tama bang hayaan ko na sya na magpakatanga ulit, lagi na lang kasi yun nasasaktan, pano kasi, hinahayaan nya lang sarili nya eh.
"NO WAY! NO WAY!!!" bigla kaming napalingon sa nagsisigaw, napatingin naman yung iba, kahit maingay ang sounds dahil sa nag sasayawan hindi parin nakaligtas samin yung boses ng isang babaeng nagwawala. Yung mga malapit lang ang nakarinig, tulad namin na isang table lang ang nakaharang sa gitna namin.
"No way! Hindi pwede!!" Pagsisigaw ni Bianca, habang hinahampas ang bag nya sa table, magulo na ang mesa, ang mga kasama nya naman pinipigil sya.
"Napaka iskandalosa talaga! Tsk!" Iritang sabi ni Nikki.
"Tss. Hindi nya ata tanggap!" Yun na lang sagot ko, napansin kong lumingon sya saamin. Tinitignan lang namin sya ni Bianca. Agad syang lumapit sa lugar namin.
"Nasaan ang malandi nyong kaibigan ha?!" Sabay turo-turo nya saamin. Naramdaman kong tumaas ang presyon ko, tumayo ako, napansin ko rin tumayo si Nikki, bago pa ako nagsalita, bigla kong narinig na sumigaw si Nikki.
"Anong sabi mo?!" Inis na sabi ni Nikki. Hindi na ito ang Nikking masayahin, seryosong Nikki na. Binaling ko ang tingin ko kay Bianca na ngayon ay maitim na ang aura.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!!!" Pasigaw kong sabi. Nanggigigil ako!
"Ang. Sabi. Ko. Nasaan. Na. Ang. Malandi. Nyong. Kaibi-" PAK* Hindi nya natuloy dahil sa mabilis na sampal ni Nikki. Nagulat naman ako, hindi ko inasahan yun.
"How dare you to slap me!!!" Sigaw nyang sabi sabay hawak nya sa kanang pisngi nya.
"Yes I dare! Wala kang karapatan para tawagin mong MALANDI si Rianne! Wala ka sa kalingkinan nya para tawagin mo sya na dapat ay para sayo ang sinasabi mong malandi!" Galit na sabi ni Nikki. Ngayon ko lang nakita to na ganyan. Nung mga bata kasi kami, malayo saamin ang mga away at gulo kaya, hindi ko nakita sakanya ang magalit.
"Bakit? Totoo naman hindi ba? Alam nya kami na ni ANDREW!" Sabay duro nya kay Nikki. Bigla kong hinampas ang kamay nya na nakaturo kay Nikki.kumukulo talaga ang dugo ko, nilalamig na ang mga kamay ko, nanginginig na buong katawan ko sa inis.
"Wag mong duruin si Nikki! At anong sabi mo? Inagaw ni Rianne si Andrew? Huh! Ang kapal mo rin noh. Kasing kapal ng make up mo! Bago mo sabihin na inagaw nya si Andrew tanungin mo muna sarili mo kung sayo ba sya nauna!! Hahahaha nakakatawa ka rin eh noh? Masyado kang GGSS kaya nakakalimutan mo na kung hanggang saan ka lang!" Inis kong sabi. Nakita kong gigil na gigil ang mga kamay nya, magkasalubong ang mga kilay na, galit na to, baka any moment nga sasabog na!
"Halika na Jess! Wag na natin aksayahin pa ng oras itong impokrita!" Sabay talikod ni Nikki. Sumunod na rin ako, nasira ang gabi namin. Dapat nga best prom ang gagawin namin eh! Kaso eto ang napala namin! Tss. Hindi nanamin sya nilingon, hinanap na lang namin si Rianne, baka kung napano na yun.
"Ang kapal talaga ng mukha! Peste!" Iritang sambit ni Nikki.
"Hayaan mo na yun! Nakakasira na masyado ng gabi eh!" Utas ko, sabay lingon-lingon. Saan na kaya yun?
"Jess?" Pabulong na sambit Nikki sabay hila sa may halaman.
"Bakit?" Pabulong ko rin tanong.
"Si Rianne" pabulong nya pa rin sabi sabay senyas, napatingin naman ako kung saan sila Rianne, nasa fountain, ka usap nya si Andrew, sa itsura nya mukhang nagka usap na nga sila.
"Tara na!" Aya ni Nikki.
"Huh? Pano si Rianne?" Pagalalang tanong ko. Baka kasi hanapin nya kame.
"Tinext ko na sya, tsaka susunduin sya ni tita, tara na! Ihatid na kita, andun na si manong sa labas." Sabay hila nya sakin. Sumama na rin ako. Hinayaan na muna namin sya na mag usap silang dalawa.
Sumakay na kame sa kotse nila at pinaandar na ng driver.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.