CHAPTER THIRTYONE

3 0 0
                                    


Rianne's POV

Nagtungo ako sa room ni Jess. Alam ko naman kung saan ang mga rooms nya. Kailangan ko syang maka usap, kailangan kong makipag ayos. Sila na lang ang meron ako, bukod sa pamilya.

Agad kong hinanap sya ng makarating ako sa room nya. Nakita ko syang naka upo at nag susulat, nakatakip ang tenga nya ng earphones nya. Pumasok at nilapitan ko sya.

"Jess?" Tawag ko, tinaas nya ang ulo nya ng naramdaman nyang may tao sa harapan nya, ng makita nya ako binaling nya ulit ang tingin nya sa ginagawa nya. Galit pa rin sakin. Uhgg

"Jess? Please, gusto sana kitang maka usap." Utas ko. Hinawakan ko ang braso nya. Tumigil sya at tinignan ulit ako. Pero blangko ang aura nya.

"Gusto sana kitang makausap. Please?" Pag ulit ko. Tinanggal nya ang earphones sa tenga nya.

"Bakit pa? Hindi mo naman ako kailangan diba?" Sabay saksak ng earphones nya sa tenga nya. Hinila ko ang earphones nya.

"JESSICA? Please!" Pagmamakaawang boses ko. Alam kong wala akong karapatan. Pero, ako na nga ang nagpapakumbaba eh.

"Kapag may kailangan ka saka ka pa lalapit!" irita nyang sabi.

"Hindi naman sa ganun! Gusto ko lang naman magsorry sa mga nasabi ko. Ako ang Tanga! Oo nagpakatanga ako, at ang tanga tanga ko kasi hindi ako nakinig!" Sabay hikbi ko. Masyado ng wasak ang puso ko, hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Napatigil sya sa pagsusulat pero hindi pa rin tumitingin sakin.

"Umalis kana! May classe pa ako." Walang gana nyang sabi at tinuloy ang pag susulat. Magsasalita pa sana ako ng dumating ang prof nila. Umalis na lang rin ako, mukhang hindi nya na ako kakausapin. Nalulungkot ako, naglakad na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, si Nikki naman may classe yun. Ang sarap umakyat sa building at tumalon pababa. Nakakasawa ng mabuhay. Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit nangyayari to saakin. Akala ko masaya na ako, pag masaya ka pala biglang babawiin sayo, para bang patikim lang. Kung ganun lang naman bat kailangan pa natin magmahal kung babawiin lang naman. Tss. Naglakad na lang ako sa campus ng may makita ako, si A-andrew? Papunta sya sa direksyon ko. WtF! Anong gagawin ko? Shet! Shet! Shet! Wait... Gawdd! Papalapit na sya!! Lumingon ako, baka may kakilala ako dito, tumingin tingin ako sa mga benches, ng may mahagilap sa paningin ko, t-teka? Sya ba yung lalaking kasama ko kagabi? Yung antipatikong masungit? Oh gawd! Sya nga!! Dito pala sya nagaaral? Tss.

"Rianne??" Rinig kong tawag ni Andrew papalapit sakin. Hindi ako lumingon, kailangan kong magpanggap! Lumapit ako sa lalaking tumulong sakin kagabi. Bahala na! Mag sososrry na lang ako. Uhgg

"Baby Loves?" Tawag ko sa lalaking tumulong sakin. Tumingin sya sakin at ang kasama nya pati na mga iba pang estudyante na naka tambay dun. Oh my gosh Rianne! Nakakahiya ka! Arrgh lupa lamunin mo na ako please, please! Agad akong lumapit sa kanya. Nakita kong nagulat sya at lumingon pa sa likod na parang hindi sya sure na sya ang tinawag ko. Ano ba to! Sumakay ka naman please!

"Baby loves andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap! Tara na? Diba may date pa tayo?" Utas ko na sabay dilat pa sakanya para bigyan sya ng signal. Pero mukha di nya naman na gets! Ayy nganga! Tsk. Nginitian ko sya at tumingin sa dereksyon ni Andrew. Nakita kong nakatingin sya, naka salubong ang kilay.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Taka nyang tanong.

"Ohw! Pare? Seryoso?" Gulat na tanong naman ng kasama nya. Great! Baka mabuking pa ako dito!

"Rianne? Pwede ba kitang maka usap?" Utas ni Andrew na papalapit saamin.

"Ah... no! May pupuntahan pa kami eh!" Utas ko sabay lingon sa masungit na lalaki. Gulat naman syang tumingin sakin.

"Tara? Hiramin ko muna boyfriend ko ha? May usapan kami eh!" Ngiti kong sabi sa kasama nya, tumango na lang ang kasama nya. Hinila ko na ang gwapong nilalang na to. Gulat na gulat pa rin sya. Hindi na ako lumingon kay Andrew. Hindi ko sya kayang harapin! Nung makalabas na kami sa school, binitawan ko na sya.
Ni isa saamin hindi nagsasalita. Walang imikan. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko. Sobra.

"What was that?" Irita nyang tanong. Pa english-english pa! Tss. Ang sungit ni kuya ah!

"Ahm ano kasi. Uhm... Sorry ah? Sorry talaga! Kinailangan ko lang talagang gawin yun kasi may iniiwasan lang ako. Wala na ako ibang paraan kundi yun, sakto naman nakita kita, kaya agad akong lumapit." Walang hinto kong paliwanag. Nakita ko naman na tumaas ang isang kilay nya.

"You mean that guy? Yung lumapit sayo? Sya ba yung Andrew?" Taka nyang tanong na nakataas pa rin ang isang kilay, bat ang gwapo nya? Mas gumagwapo sya pag nakataas ang isang kilay. Masungit nga lang! Tsk. Pero teka? Binanggit nya ba ang pangalan ni Andrew? Ibig sabihin ba? Kilala nya? Whaaaat???? Napaka intrigero ah.

"T-teka? Pano mo nalaman ang pangalan nya?" Kinakabahn kong tanong. Wag mong sabihin?...

"Narinig kong binanggit mo kagabi! Pano mo naman pala malalaman, eh lasing na lasing ka pala kagabi. Tss." Irita nyang sabi. So ganun pala? Binanggit ko? Ano pa ang sinabi ko? Nakakahiya naman pala! Tsk.

"H-ha? Ano pang sabi ko? Maygosh! Nakakahiya naman. Sorry and... T-thank you pala ah?" Pagpapakumbaba ko. Nakakahiya naman kasi kung magtataray pa ko.

"Well sinabi mo kasi niloko ka." Maikli nyang sabi. Nakakaloka! Nakakahiya! Ibang tao pa ang pinagsabihan ko sa nangyari sakin. Uhg

"Ganun ba. Sige. Salamat ulit." Maikli ko na lang sagot. Aalis na ako, nakakahiya kasi ang pinaggagawa ko. Tsk

"Sa susunod wag kang maglalasing ng walang kasama!" Walang buhay nyang sabi. Tss. Ang sungit! Nag nod na lang ako at naglakad na palayo.
Baka kasi mainis lang ako. Tsk.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon