Rianne's POV
Ilang araw na lang School Fest na namin. Medyo wala na masyadong class dahil sa busy na yung iba. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung paguusap namin last day ni na Jess. Confuse nga ba? O dinideny ko pa sa sarili ko? Gusto ko nga ba sya?
"Gail?" Napahinto ako sa paglalakad. Alam ko na kung sino. Tss, sya lang naman ang tumatawag saakin ng ganun eh.
Lumingon ako sa kanya.
"San punta mo?" Aniya.
"Uuwi na sana. Busy kasi si Jess, may lalakad naman sina Nikki at Ryan ngayon." Utas ko habang naglalakad na kami palabas ng gate. Lagi na ako mag isa. Pero sa mga nakaaraan na araw magkasama naman kami ni Dustin, since same school kami, tapos busy din sa pag hahunting ng chiks si Harry kaya nawawala rin sya ng kasama.
"Huh? Maaga pa ah? Oo nga pala sinabi ba sayo ni Nikki na magkikita tayong lahat sa Club house?" Aniya.
"Uhm. Nabasa ko nga yun. Party ni Harry diba?" Utas ko.
"Oo. Ano punta kayo?" Aniya.
"Ewan ko kay Nikki at Jess. Ako kasi baka hindi eh!" Utas ko. Tinatamad kasi ako.
"Bakit? Nako! Hindi pwede! Pumunta ka! Susunduin kita mamaya 7pm. Sige see you later!" Aniya sabay lakad.
"Pero-" Lumingon ako pero nasa malayo na sya. Uhg! Kaasar! Sabing hindi eh!
Naglakad na ako para sumakay na ng taxi. Pagkapara sumakay na ako.
6:30pm*
Naghanda na ako, nagsuot ako ng black dress na fit saakin at nagflat shoes. Tinali ko ang curl hair ko at naglagay na rin ako ng kaonting make up at lip gloss.
Dinial ko ang number ni Nikki. Ilang rings lang at sumagot na sya.
"Hello?" Utas nya sa kabilang linya.
"Hello Nik? Pupunta ba kayo?" Tanong ko.
"Oo, susunduin pa namin si Jess. Ikaw ba?" Aniya.
"O-Oo." Maikli ko na lang sagot. Ang alam nya kasi, hindi ako sasama.
"Nice! Susunduin ka namin." Aniya kaya mabilis akong sumagot.
"W-wag na, si Dustin kasi-" biglan naputol ang sinabi ko ng tumili sya. May sira ba 'to?
"Okay sige, see you." Aniya sabay off na.
Kinakabahan ako, humarap ulit ako sa salamin at inayos ulit ang itsura ko.
"Anak? Nasa labas na si- oh my! Ang ganda ganda mo talaga, even with or without make ups." Nakangising sabi ni mama.
"Hahaha Ma, matagal na akong maganda" nakangiti kong sabi.
"Oo okay sige na! Mana ka sakin syempre!" Tatawa tawang sabi ni mama.
"Hahahah sige po ma, alis na po ako." Sabay beso ko.
"Okay sige, ingat kayo ha? Wag masyadong gabihin ha?" Paalala nya. Nag nod at ngumiti na ako at lumabas na.
****
Dustin's POV
Narinig ko ng bumukas ang gate, sumilip ako sa bintana ng kotse ko, nakita ko ang likod nya, nag sasara sya ng gate, pero di ko inasahan ng humarap na sya, napalaglag ang panga ko sa kanya, bakit parang hindi ko matangal ang tingin ko sa kanya. Napaka ganda nya, bagay sa kanya ang pagtali ng kanyang buhok, mas pumuti sya sa suot nya, mga mata nyang ngumingiti, hindi ko alam kung bat nakukuha syang lokohin. Napaka amo ng mukha nya.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.