Rianne's POV
"Ma? Alis na po ako" paalam ko kay mama, nasa banyo pa kasi sya, naliligo.
"Okay sige, ingat ka." Sagot ni mama. Lumabas na ako ng bahay, siniguru ko muna na nilock ko na lahat ng pinto at gate.
Nung nakalabas na ako, bilga ako napanganga sa lalaking nakatayo sa side ng pader namin.
"Hi, Goodmorning" bungad saakin ni Andrew. Oo nga pala, gusto nya raw ako sunduin para sabay na raw kami papasok. Kahit umaga lang raw kasi pag uwian, di raw kasi sya makakasabay pag uwian, may practice sila every 4-6pm, Basketball player kaya busy raw sila, si Bianca naman, ayun mukhang narealize nya ata na hindi talaga sila, nanggulo sya nung kinabukasan, pinigilan naman sya ni Andrew. Oo nga pala hindi pa kame nagkabalikan, nung prom nagka intindihan naman kame na, ayoko pa, ayoko muna. Kaya willing raw syang maghintay. Sabi nya kasi babawi sya, so hinahayaan ko na lang sya. Natatakot kasi ako pag padalos dalos nanaman ako, masasaktan lang ako.
"Hi, Goodmorning too." Bati ko naman sakanyan. Nung nangyari sa prom, kinabukasan naging balita agad yan, pero di ako iniwan ni Andrew, wala raw sya pakealam. Sila Jess at Nikki naman, ramdam kong umiiwas sila, kahit hindi nila sabihin, halata naman.
"Tara?" Aya nya sabay kuha sa bag ko.
"No, ako na! Hindi naman mabigat" utas ko sabay bawi sa bag.
"Ako na! Para naman di ka mapagod." Sambit nya sabay ngiti.
Kung sana noon mo pa to ginawa, kung sana hindi mo ko niloko, sguru hindi ako naiilang sayo."Kaya ko na pramis!" Sabay kuha at sinuot ko na ang shoulder bag ko.
"Okay sige, kaw bahala." Ngiti nyang sabi. Maygudness! Naninibago talaga ako sa taong ito.
Nagtaxi kami papunta school. Pagnilakaran kasi, baka malate lang kami. After ng ilang sandali, nakarating na kami sa school. Asusual, pinatitinginan parin kami. Hindi parin kasi sila naka move on sa balita eh, gusto nila maging updated. Hahah. Naglakad na kami papuntang classroom ko. Hindi kasi kami magkaklase, so ihahatid nya lang raw ako.
"S-sige Andrew, dito na lang ako. S-salamat." Utal kong sabi. Naiilang pa kasi ako. Parang nagka gap ang relasyon namin. Kahit na kaibigan pa, hindi ko parin kayang ibalik ang dati.
"Sge. Ingat ka" utas nya, sabay talikod at naglakad na palayo.
Ano bang nangyayari? Hindi pa rin kasi makasink in sa utak ko ang mga bagay na nangyayari. Diba dapat masaya ako? Kasi bumalik sakin si Andrew? Pero bat parang natatakot ako? Uhgg ewan. Pumasok na rin ako sa classroom, nakita ko sila Jess. Si Nikki nagpapowder, si Jess naman nagbabasa. Nilapitan ko sila, hindi ko na kasi kaya ang mga nangyayari eh. Okay lang na mawala si Andrew wag lang tong dalawa kong Bestfriends.
"Uy Jess." Utas ko, naluluha na ako. Nasasaktan ako sa pag iwas nila.
Hindi ako pinansin ni Jess. Si Nikki naman nagaayos na ng buhok nya."Jess? Nikki? Sorry na. Alam nyo naman masakit kapag umiiwas kayo eh!" Utas ko sabay punas ng luha. Wala pa naman ang iba pa namin kaklase, mga nasa pito pa lang kami, yung iba nasa labas pa, yung iba naman nagchichikahan sa labas ng corridor.
"Natitiis nyo talaga ako?" Humihikbi na ako. Masama ba akong kaibigan? Bat ganun na lang ang pagiwas nila sakin? Naramdaman kong may yumakap sakin. Tinaas ko ang mukha ko para tignan kung sino, sila Jess at Nikki. Umiiyak na rin.
"Ikaw kasi eh!" Utas ni Jess sabay punas ng luha.
"Nakakainis ka! Sinira mo ang foundation ko! Tss." Sabay punas rin ng luha si Nikki. Niyakap ko sila ulit ng mahigpit, ibig sabihin okay na kami?
"Okay na ba tayo?" Ngiti kong tanong.
"Oo na! Di ka namin matiis eh! Yung weeks nga lang nahirapan na kami eh!" Iritang sagot ni Nikki.
"Talaga?" Sabay hawak ko sa magkabilang balikat nila. Ngumiti naman sila, at niyakap ko ng mahigpit na mahigpit! Okay na rin kami. Sawakas! Di nga talaga nila ako matiis. Hahah
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Ang saya ko lang. Pagkatapos ng ilang discussion ng mga subject teacher nag ring ang bell para sa recess. Lumabas na kaming tatlo na nagtatawanan dahil sa kalokohan ni Nikki.
~~~
Dito kami bumili sa college building. Puno na kasi sa High school canteen. Di naman ban ang high school na bumili dito.
"Kamusta na kayo?" Biglang tanong ni Jess. Habang umuupo na kami, dala-dala ang tray ng snacks.
"Huh? Nino? Andrew? Hm okay naman. Ganun pa rin, pahirapan." Utas ko sabay bukas ng chips.
"Ayus naman? Gusto mo bang magkabalikan kayo?" Tanong ni Nikki.
"Ewan ko eh." Maikli ko na lang sagot. Di ko pa kasi alam kung ano ang isasagot eh. Oo na hindi? Tss
"Ano bang balak mo?" Utas ni Jess sabay kagat sa sandwhich nya.
"Ang mageffort, paghintayin." Sarcastic kong sagot. Gusto ko kasi malaman kung seryoso ba sya.
"So may chance nga?" Utas ni Nikki.
"Pwede naman siguru diba?" Malungkot kong sabi. Alam ko kasi tutol sila sa nangyayari eh.
"Ikaw bahala! Kung sa tingin mo masaya ka, edi sge, take the risk. Try nyo baka mag work na." Utas ni Jess. Alam ko, sa puso nya, ayaw nya. Ayaw nya kasing makita kami ni Nikki na nasasaktan. Lalo na ako.
"Alam mo Ria, hindi naman sa ayaw namin sakanya. Eh diba parang nasira na ang tiwala mo diba?" Pagsingit ni Nikki. Ewan ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin.
"Subukan mo ulit. If na fail, move on. Ganun lang!" Utas ni Jess.
Sguru nga, tama si Jess. Susubukan ko lang naman."Sige." Yun na lang nasabi ko.
Pagkatapos namin kumain. Bumalik na kami sa Classroom, may quiz kasi kame, umupo na kame, kasabay nun pagpasok ng subject teacher namin, nagpaquiz sya ng 50 items. Sabog utak namin. Hahaha pagkatapos nun Lunch break na, pagkatapos kasi ng lunch break, may practice kami para sa graduation.
Naglunch kami ulit sa College building, pareho kasi kanina, mas marami na ang kumakain dun. Nakwentuhan, tawanan lang kaming tatlo. Kaya nung natapos na ang lunch break, nagtungo na kami para sa Last Practice namin.
Ang dami pa lang Seniors. Buti na nga lang hindi malaki ang gym kaya hindi kami siksikan.
"Ilang tulog na lang, gagraduate na tayo!" Excited na sabi ni Nikki.
"Hahaaaha Oo nga eh! Maminiss ko ang school natin." Utas ni Jess.
"Hahaha hindi mo ba mamimiss si Mr. Borquillo? Hahaha" pang-aasar ko kay Jess, si Mr.Borquilla ay ang pinaka strict na teacher. Taga sina unang tao kasi kaya gusto nya sundin namin patakaran nya, matanda na pero ang lakas ng memorya.
"Hahahaha sya ang pinaka mamimiss ko PROMISE! hahah" tatawa tawa nyang sabi. Sira talaga!
Lumingon lingon ako, baka makita ko si Andrew, tinignan ko ang row nila at... Andun sya nakatayo rin, nakatingin sakin. Ngumiti sya, ngumiti na rin ako. Ewan pero natataranta ang puso ko, parang gusto nya ng lumabas.
Binaling ko na ang tingin sa Teacher na magtuturo saamin, nagsimula na rin kami.
Pagtapos ng mahaba habang practice, pinayagan na kami magsi uwian.
"Haay nakakapagod swear!" Ngiting sabi ni Jess.
"Magtiis tayo para sa graduation! Hahahah" pabirong sabi ni Nikki, nagtawanan na lang kami. Ilang tulog na lang talaga!
"Una na ako sa inyo ha? May pupuntahan kasi kame ni mommy." Pagpapaalam ko sa kanila.
"Ah osge, ingat kayo" utas ni Nikki sabay wave nilang dalawa.
Lumabas na rin ako sa gate at natanaw ko na ang kotse ni mama.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.