CHAPTER NINETEEN

3 0 0
                                    

Rianne's POV

Umupo ako sa may bench ng school namin. Hinihintay ko kasi si Andrew, nagtext kasi sya na gusto nya raw kaming magkita. Ewan ko ba, gusto nya sya lang ang magyaya. Pagkasi niyayaya ko sya, ang dami nyang rason, naging madaling ang pagkikita namin, tapos hindi pa masyado nagtetext or tumawag, minsan hindi ko na maiwasan na hindi mag isip ng kung anu-ano sakanya, hindi naman mahirap na mag isip ng kung anu-ano, baka nga may ginagawa na syang kabalastugan eh. Pero gusto ko pa rin mag isip na nagbago na sya, naniniwala ako na kahit anong mangyari may forever pa rin kami, pinaramdam nya at sinabi nya na magiging forever kami!

Kung anu-ano na rin ang sinasabi nila Jess, baka raw niloloko nanaman ako, pinapaasa nanaman ako, baka nga kapag wala sya sa tabi ko eh baka may iba na raw yun kasama. Naiinis ako hindi dahil sa mga sinabi nila, kundi sa sarili ko, eto nanaman ba? Rianne? Mauulit nanaman ba?

"Baby?" Narinig kong tawag ni Andrew, inangat ko ang ulo ko, nasa harap na pala sya.

"Ah." Yun na lang nasabi ko dahil nagulat ako sa bigla nyang dating.

"Tara? Let's eat." Yaya nya sabay hablot na sa bag ko. Tumayo na rin ako at sinundan sya papunta sa kotse nya.

"Namiss kita!" Utas nya ng pumasok na kami sa kotse nya. Nabigla ako sa ginawa nya, bigla nya akong hinalikan sa labi. Nabibigla pa rin ako kahit nahalikan nya na ako. Ngumiti na lang ako, ngumiti rin sya, saka nya pinaandar ang kotse nya.

Pumunta kami sa isang restaurant, medyo wala masyadong tao dito. Omerder na sya, mga ilang sandali lang dumating na ang inorder namin. Nagsimula na rin kaming kumain.

"Baby? Kamusta naman ang subjects mo?" Ngiti nyang tanong.

"Uh.. Okay naman. Ikaw? Pumapasok ka ba?" Seryoso kong tanong, nalaman ko kasi na hindi raw masyado nag a-attend si Andrew. Bakit naman kaya? May problema kaya to? Pero sa nakikita ko sa kanya parang wala naman.

"Oo naman! Kailangan kong pumasok para sa future natin." Diretso nyang sabi ng naka ngiti.

"Talaga? Nalaman ko kasi na hindi ka raw pumapasok. Bakit?" Sarcastic kong tanong

"H-huh? Sino naman nagsabi? Ikaw naman, bat nagpapaniwala ka sa mga yun!" Irita nyang sabi. Nagbuntong hininga na lang ako. Ayoko na rin magkipagtalo eh. Lalaki lang kasi pag pinatulan ko pa.

Pagkatapos namin kumain, umalis na kami sa restaurant, pumunta kami sa condo., nya. Gusto nya raw ipakita ang bago nyang condo. Kaya pumayag na rin ako, lumipat na kasi sya ng unit. Malayo ang binili nyang condo., ano pa raw at naka kotse sya.

Nung nakarating na kami, umakyat at pumasok na kami sa unit nya. Ayus din, maganda, malaki ang unit nya, nasa 9th floor yung unit nya, agad kong sinilip ang glass window nya, ang ganda lalo na pag gabi, nakikita ang mga ilaw mula dito. Naramdaman kong niyakap ako ni Andrew mula sa likuran.

"Namiss kita ng sobraaa!" Pabulong nyang sabi. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa tenga ko. Ramdam ko ang paghalik nya sa balikat ko.

"Andrew wag!" Tinanggal ko ang kamay nya na nakapulupot sa bewang ko, pero mabilis nyang niyakap ulit ako, iniharap nya ako. Ngayon magkalapit na ang mukha namin. Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha ko, saka dinampi ang labi nya sa labi ko, naramdaman kong hinaplos nya ang likod ko, tumayo lahat ng balahibo ko sa braso, hindi pwede to! Ikakasal muna ako! Agad kong tinukak sya! Bigla naman syang nagulat sa pagtulak ko.

"What?" Inis nyang sabi.

"Anong ginagawa mo? Diba sabi ko ayoko ng ganito? Napag usapan na natin to diba?" Irita kong sabi. Matagal nya na rin gustong gawin namin, pero lagi ko syang inaayawan. Eh sa talagang ayaw ko eh. Kasi kung mahal nya ako, maghihintay sya hanggang sa tamang oras. Tss.

"Okay, I'm sorry. Di ko lang napigilan sarili ko. Nadala ako. Alam mo naman mahal kita diba?" Paglambing nyang sabi sabay yakap. Kailangan ko ng umuwi, baka kung ano pang mangyari. Tss.

"Ihatid mo na ako. Gabi na, hinahanap na ako ni mama." Utas ko sabay kalas ko sa yakap nya.

"Okay sige. Tara na!" Yaya nya sabay kuha ng susi nya sa table. Sumunod na rin ako, at lumabas na. Bumaba na kami at pumasok na sa kotse. Buong byahe wala kaming imikan. Asar! Dapat ko bang gawin yun? Baka kasi isipin nyang hindi ko sya mahal. Pero diba dapat kung mahal nya ako edi respetuhin nya ako! Tss. Kausap ko yung konsensya ko ngayon. Haay.

Pagbaba ko, nag wave na lang ako, mukha kasi nawala ang mood nya, inantay ko hanggang sa umalis sya. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon