CHAPTER FIFTY FOUR

2 0 0
                                    


Rianne's POV




"Ininvite nga pala ako nina Nikki sa party ng pinsan nya, sa beach raw gagawin" utas ko sabay upo sa tabi ni Dustin, nandito kasi kami ngayon sa condo nya, wala na rin kasi kami class, 1st sem namin sa 4th year level.

Simula nung naging kami wala ng araw na malungkot ako, lagi nya akong pinapasaya kahit sa simpleng ngiti nya saakin. Lagi kaming magkasama at kapag minsan busy kami nakukuha nya parin itxt at tawagan ako. Nakilala na rin sya nina papa at kuya nung umuwi sila nung summer, approved sya kay papa, at mas approved sya kay kuya kasi medyo nagkakaintindihan sila.

"Saan ba yun? Malapit lang ba? Sino sino kayo? Lalake ba ang pinsan nya?" Nakasimangot nyang tanong. Natatawa ako sa inaasta nya, halatang naiinis kasi hindi sya makakasama, pupuntahan kasi nila ang iba nilang relatives sa Tagaytay, nagtaon pareho ang araw.

"Hmm... diba sinabi ko na sayo kung saan, malayo dito, 2hours ang byahe. And Oo lalaki, ano naman problema dun?" Utas ko. Nagbuntong hininga sya. Alam ko talagang gusto nyang sumama dahil ayaw nyang may lumalapit saakin na iba.

"Tss. Sasama ako!" Irita nyang sabi.

"Huh? Eh diba pupunta kayo sa Tagaytay?" Napaupo ako ng maayos sa sinabi nya.

"Eh sasabihin ko na hindi ako makakasama!" Aniya sabay yakap mula sa likod ko. Ang pagkakaalam ko eh kailangan nilang pumunta kasi family gathering raw yun.

"Ano ka? Eh diba importante yun? Ah! Hindi pwede, kailangan mong sumama! Atsaka andun naman si Ryan eh" sabay lingon sa kanya. Sinandal nya ang kanyang noo sa gilid ng pisngi ko.

"Yun na nga eh! Buti pa si Ryan makakasama, masasamahan nya ang girlfriend nya, pero ako hindi ko man lang masamahan ang girlfriend ko." Malungkot nyang sabi. Parang may konting kirot akong naramdaman na may halong kilig. Pero talagang hindi sya pwedeng hindi sumama, lagi na kaming magkasama, bihira na lang sya sa bahay.

"Alam ko naman yun eh, alam kong gusto mo talagang sumama, pero hindi mo pwedeng tanggihan ang pamilya mo. Sige na, hindi na ako sasama." Utas ko at ngumiti ang malungkot nyang mukha. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Hindi na lang ako sasama. Magiisip na lang ako na pwedeng idahilan kina Nikki at Jess.

"H-huh? Bakit?" Hindi makapaniwala nyang tanong.

"Eh diba ayaw mo naman ako papuntahin diba? Ayos lang naman, maghahanap na lang ako ng pwedeng idahilan sa kanila." Nakangiti kong sabi. Napa upo sya ng maayos at humarap saakin. Bigla nya akong niyakap.

"Mahal na mahal kita Gail. Mag ingat ka dun ah? At kung pwede wag kang makikipag usap sa mga lalaki, wag mo akong kalimutan itxt hmm? Ipapabantay kita kay Ryan." Aniya at hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Tignan mo to! Kanina kulang na lang sabihin na 'Wag na akong pumunta' tapos ngayon.

"Akala ko ba-" hindi ko na natapos ng bigla nya akong hinalikan, nagtagal ng isang minuto ang halikan namin. Halos manghina ang katawan ko pero buti na lang marunong kami maglagay ng limitasyon.

"Pinapayagan na kita sumama. Isang araw lang naman kayo diba?" Nakangiti nyang sabi.

"Talaga? Hindi ka na nagtatampo?" Taka kong tanong.

"Opo." Aniya sabay ayos ng buhok ko.

"Mag ingat rin kayo dun ha? Txt mo ko, and iwas ka rin sa mga babae, baka alam mo na... may mga ibang bisita din dun!" Nakangisi kong sabi. Pero alam kong hindi ko na kailangan ipaalala sa kanya, kasi bukod sa akin at sa dalawa kong kaibigan, hindi sya lumalapit sa iba, parang yung first time na nakita ko sya, masungit pero pag binabati sya, sinasagot nya naman at hanggang dun lang.

"Of course! Alam mo naman ikaw lang ang nilalapitan ko, eto nga o? Kulang na lang magdikit tayo!" Natatawa nyang sabi. Natawa na rin ako sa sinabi nya.

"Hahaha sira!"sabay yakap ko sa kanya na patagilid, ang kamay nakapatong sa ulo ko, ang isa nya naman kamay nys nakapatong sa tyan ko. Hinalikan nya ang noo ko.

Gusto ko naka ganito lang kami, yung bang ayaw ko ng matapos ang araw na kasama ko sya, kung pwede lang itigil ang oras eh gagawin ko makasama ko lang sya lagi.

"Sana huminto ang oras" utas ko.

"Oo nga eh. Gusto ko lagi kitang nasa tabi. Yung bang ayaw ko ng mahiwalay sayo" seryoso nyang sabi.

"Lagi mo naman akong nasa tabi, at hindi tayo maghihiwalay." Nakangiti kong sabi. Naramdaman kong hinigpitan nya ang yakap.

"I love you Rianne Gail." Aniya.

"I love you more Dustin." Sagot ko, saka hinalikan ako.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon