CHAPTER FIFTY EIGHT

2 0 0
                                    


Rianne's POV



After 2years...



Grabe ang tagal! Sinilip ko ulit ang kwarto ni Nikki na kasalukuyan nagbibihis. And hindi ko pa rin matanggap na magpapakasal na sila ni Ryan, well syempre masaya ako kasi at the end sila pa rin at sana habang buhay na ang pagsasama nila, yung akin lang, wala na nga si Jessica, iiwan pa ako ng lokang to! Pero okay lang naman masaya na ako, andyan naman si Dustin. Si Jess nga pala umalis na, pumunta na ng New york, pagkagraduate namin noon tinawagan sya ng company na ni recomend sa kanya ng school, nakapasa sya at interview na lang, at dahil matalino sya hindi na rin sya nahirapan kunin. Hindi nga lang sya makaka uwi kasi mag two-two years pa lang sya, hindi pa sya pinayagan, ang sabi nga ni Jess, bat ang aga nila magpakasal, ewan ko ba sa dalawang to, masyadong excited.

Ako naman hindi pa nagtatrabaho, gusto ko kasi maenjoy muna, si Dustin din ganun, sa kanya kasi anytime syang pwedeng pumasok sa bangko nila. Sa mahigit na dalawang taon marami rin nangyari. Si Trigger nasa singapore kasama na ang girlfriend nya, may business na rin dun, pero umuwi sila para sa kasal ni Ryan, si Harry ganun pa rin, mahilig sa adventure, naging traveler na sya, umuwi rin sya sa kasal ni Ryan, Kasama ang girlfriend nya, and Oo mukhang nagbago na ata.

Bumalik ulit ang malayong paglakbay ng utak ko ng makita ko na si Nikki na lumabas. She was so pretty with her long white gown. Napaluha ako pagkakita sa kanya.

"Oh? Bakit? Ba't ka umiiyak sisy! Ano ba! Yung make ko oh!" Mangiyak ngiyak nyang sabi.

"Hahaha I'm so Happy for you" utas ko sabay yakap.

"Hello two beautiful ladies. Ready na ba kayo?" Bungad ng kanyang mama ng pumasok ito. Kumalas na kami sa pagkakayakap at pinahid Ang mga luha saka nagtawanan.

"Ready na ma!" Nakangiting sagot ni Nikki.

Naglakad na kami palabas ng hotel room at pumasok na sa loob ng kotse na gagamitin nya papunta sa simbahan, since ako naman ang Maid of honor ako ang umaalalay sa kanya.

After 5minutes dumating na kami sa simabahan, nakita kong naghahanda na ang iba sa labas. Ang mga bisita naman nasa loob na. Una akong bumaba kasi ako at si Dustin ang unang papasok, sya kasi ang Bestmen. Si Nikki ang huling papasok kasama ang mama at papa nya.

Lumapit na ako kay Dustin na nakatayo at inaayos ang coat nya, nakakalaglag ng mata ang ayos nya, mas lalo syang gumwapo sa dating nya. Naka wax ang hair na parang ginulo lang, bagay sa kanya ang grey coat with matching white longsleeves na naka maroon necktie, nagbago na ang itsura nya since nag graduate kami, kahit hindi na ganun ka laki ang katawan nya dahil sa sakit nya pero tama lang sa tangkad nya. Napansin ko naman sa tabi nya ang mga pinsan ni Nikki na parang kiti-kiti na tinitignan si Dustin. Parang umusok ang ilong ko sa nakikita ko. Kahit hindi sila pinapansin ni Dustin naiinis ako. Agad akong lumapit sa kanya.

"Ako na!" Nakangisi kong sabi. Napatigil naman sya at napatingin saakin, nakaawang pa ang bibig na parang hindi nya inasahan ang itsura ko. "Bakit?" Nakangiti kong tanong. Narinig kong nagbulungan ang tatlong babae. Pero hindi ko na pinansin.

"Ikaw ba ang ikakasal?" Taka nyang tanong. Napakunot noo ako sa tanong nya.

"Huh? Bakit?" Utas ko.

"Kasi ang ganda mo, halos hindi na nga kita nakilala eh." Nakangisi nyang sabi. Naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"Tss. Bolero!" Sabay palo ko ng mahina sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa, natigil lang ng sabihan na kami na magsisimula na raw.

Kaya after ng 3minutes, Nagsimula na rin kami. Una kaming pumasok ni Dustin. Nakatingin silang lahat saamin. Napansin kong pumipikit pikit si Dustin.

"Bakit?" Mahina kong tanong.

"Hmm.. iniimagine ko, tayo ang kinakasal." Bahagya syang ngumiti. Napangiti ako sa sinabi nya.

"Gusto ko, makita kang nakasuot ng mahabang white gown. Gusto ko, ako ang nakatayo sa harap ng altar habang naglalakad ka palapit saakin." Aniya ng nakangiti. Hindi na ako nakakasagot sa mga salitang sinasabi nya, para kasing any moment maiiyak na ako. Tinignan ko sya.

"Magpakasal na tayo?" Utas ko na naka ngiti.

"Huh?" Mabilis nyang tugon.

"Bakit? Ayaw mo?" Irita kong sabi.

"H-hindi naman! Pero..." aniya sa seryosong tinik.

"Pero ano? Kasi ayaw mo nga!" Kunwaring inis ako.

"Hindi nga! Pero kasi... ayokong maitali ka sakin kasi alam naman natin na hindi na rin naman ako magtatagal, ayokong itali ka sa maling tao, gusto ko pag wala na ako, maghanap ka ng taong karapat dapat." Malungkot nyang sabi. Sinadya namin na mahina maglakad dahil sa usapan namin, buti na lang mahaba ang aisle.

"Gusto kong itali mo ako. Ilagay natin na pag ganun ang nangyari, na wag naman sana, pero handa pa rin ako." Malungkot kong sabi. Kahit na iwan nya ako hindi na ako maghahanap pa ng iba. Sandali syang napatigil sa pag salita at huminga ng malalim.

"Sige. After my Surgery magpapakasal tayo. Since sa amerika gagawin ang operasyon, gusto ko pag balik ko aayusin na natin ang kasal." Seryoso nyang sabi. Napangiti ako sa sinabi nya.

Nang pumunta na ang lahat sa kanya kanyang lugar, bumukas na ang pinto at nakita na namin si Nikki. She's perfect, ang swerte ni Ryan sa kaibagan namin ni Jess, hindi lang matalino at maganda, napaka bait at responsable sya. We've been like sisters na, simula pa nung bata kami. Nikki was such a girly kumpara sa'min ni Jess, pero kahit na pasosyal ang dating nya, palaban at matapang sya pagdating sa buhay. Hindi nya siniseryoso ang problema nya 'di katulad namin ni Jess, kaya believed ako sa babaeng 'to, blessed ako dahil sa bibayayaan ako ng mga katulad nila that even in my worst day nandyan sila para umalalay sa'kin.

Nakita ko ang saya sa mga mata ni Nikki hanbang papalapit ng papalapit. Kasabay sa tugtog ng mag martsa nya, napapaluha ako. They're both lucky to each other. Sana dumating yung time na ako naman ang maglalakad sa simabahan gamit ang mahabang puting gown. Alam ko matutupad din 'yun.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon