Dustin's POV"SH*T!" Napamura ako sa ginawa nya! Nagsuka sya? Sa loob ng kotse ko? Uhgg kung minalas ka nga naman!! Napasabunot ko na lang ang buhok ko. Una, hindi ko to kilala pero tinulungan ko! Pangalawa! Sinukahan nya pa ang kotse ko! Leshugas! Bigla kong napatigil ang pagreklamo sa utak ko ng marinig ko syang may binanggit na pangalan.
"Andrew... Andrew... Andrew..." Lumingon ako sakanya, nakita kong tumutulo ang luha nya pero nakapikit parin sya. Andrew?
"Andrew! Bakit? Sob*" umiiyak habang tulog? Sino naman kaya si Andrew? Baka ito yung rason kung bakit halos magpakalunod na sa alak. At mukhang nasaktan talaga ito.
"May mali ba sakin?..." Pabulong nyang sabi pero narinig ko parin, nakatulog na siguru. Minasdan ko ang mukha nya, chinita, maputi, matangos ang ilong, mga labi nyang pulang pula, pero bakit sinasayang nya ang oras nya sa taong nanakit sa kanya? Well sabagay! Ganun rin ako noon, di ko masisisi. Teka... Parang pamilyar mukha nya ah? San ko ba to nakita? Uhmm... Uhggg... Tsss... Saan nga ba? Uhmmm... Ayy ewan! Baka nakasalubong ko lang. Saan naman? Nako! Naalala ko na lang tuloy nung huli kong nakaharap ang ganitong situasyon, noong... Teka? Parang... Parang namumukhaan ko na... Oo! Sya nga! Sya yun! Hindi ako nagkakamali, sya yung babae sa resort namin noon! Yung nang uubos ng bato! Hahaha Tama! Ang liit ng mundo! Mukhang pinaglalaro tayo ng tadhana. Ang pagkaka alala ko, Broken hearted din yun sya noon. So ngayon ganun pa rin? Ang galing ah!
"Ikaw pala yun! Patingin nga! Ang laki na kasi ng changes eh!" Sabay hawak ko sa mukha nya, di nya naman mararamdaman kasi mahimbing ang tulog. Kaya pala parang nakilala na kita.
Inandar ko na ang sasakyan at pinatakbo na ito, saan ko naman to iuuwi? Ni hindi ko alam ang pangalan nya! Agad kong pinark muna sa side ng daan ang kotse ko, nakita ko ang bag nya, kinuha ko ito at tinignan baka may makahanp akong address nya. Tss. Mukha wala! Nakita ko ang wallet nya, agad kong kinuha at binuksan, my I.D. pero walang nakalagay na address. Pangalan lang kasi ang nakalagay, parang VIP pass. 'Rianne Gail Sandoval' ito pala pangalan nya? Bagay naman sakanya. Pero tsk! Bat wala man lang kalaman laman tong bag nya! Nakita ko ang cepllphone nya at agad kong kinuha, binuksan ko pero... May password! Ang laking tulong, grabe!
Nagstay na lang kami dito sa kotse kahit ang baho! Ayoko din dalhin sya sa condo., ako pa ang kakarga dito? Ang bigat nito! Baka lumala pa sakit ko dito, nagpalit ako ng lugar, pumunta ako sa backseat. Pati ako gusto ko na rin masuka, nagstay na lang kami dito, ala una na ng umaga.
Umupo na ako at pinatong ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko para gawing unan. Kargo ko pa to! Tss. Pero di talaga ako makapaniwala, sya pala to? Ang babae noon na umiiyak, sya pala ang babaeng umiiyak ngayon. Ngumiti na lang ako, ngumiti? Teka? Bat naman ako ngingiti? Tss. Ang laki ng atraso neto sakin! Pinikit ko na lang ang mga mata ko, inaantok na rin kasi ako.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
Fiksi UmumIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.