Rianne's POV
Alas nuebe na nung nagising ako. Bumangon na ako at nagtootbrush na para makakain na sa baba. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng ritwal sa loob ng banyo, bumaba na ako.
"Kuy-" napatigil ako ng makita ko si Dustin sa baba na nakangiti.
"Goodmorning!" Bati nya sabay tayo. Naka maong pants sya at naka V-neck black na t-shirt, with his wavy light brown hair... He looks so... handsome.
"Oh? Baby loves, naparito ka?" Taka kong tanong. Ngumisi sya.
"Wala lang, namiss kita. Yayain sana kita mamasyal." Nakangiti nyang sabi.
"Oh bunso? Ngayon ka lang bumangon? Nako naman!! Kanina pa sya naghihintay sayo dito!" Singit ni kuya. Gulat kong nilingon si Dustin.
"Huh? Eh ba't hindi mo ako ginising kuya?" Irita kong tanong kay kuya. Napakamot naman si kuya.
"Ano ka! Kanina pa kita kinakatok!" Aniya.
"Tss. Si mama at papa po?" Irita kong sabi.
"Umalis muna! Alam mo naman yung dalawang 'yun!" Utas ni kuya sabay higop ng kape. Nagbakasyon nga pala sila dito, 2 weeks lang tapos babalik na naman sila, kaya sinusulit ni papa na makasama si mama. Ang sweet lang kasi kahit papaano nagbibigay sila ng oras sa isa't isa.
"Ganun ba. Wait, ligo muna ako baby loves." Taranta kong sabi. Sabay akyat.
After 10minutes ready na ako. Sinuot ko dark blue jeans, long sleeves na see-through na kulay light pink at beige flat shoes, sinuklay ko na lang ang buhok ko since effortless naman kasi maikli hanggang balikat at curly na. Bumaba na ako.
"Lets go!" Nakangiti nyang sabi. Binigyan ko naman sya ng matamis na ngiti.
"Kuya, alis muna kami." Paalam ko kay kuya. Tumango si kuya.
"Alis na kami." Ani Dustin sabay senyas ni Dustin kay kuya. Tropa silang dalawa, e.
"Sige, ingat kayo." Pahabol ni kuya. Naglakad na kami palabas ng bahay.
Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta, hinayaan ko na sya. After ng ilang minuto lang, napansin kong tumigil kami sa isang garden.
"Ba't tayo nandito?" Taka kong tanong.
"Gusto kasi kitang makasama eh." Nakangisi nyang sabi. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa loob ng isang garden, malaki ito, puno ng bulaklak at nakapaligid ang nakadesign na mga halaman. Nakatakpan ito ng green bermuda. Wala masyadong tao dito sa loob. May nakikita akong couples na naka upo sa mga maliliit na benches, yung iba naman ineenjoy ang views.
"Ang ganda naman dito." Nakangiti kong sabi. Napatingin ako sa mga butterflies na malayang nakakalipad sa loob. Naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likuran ko.
"Kasing ganda mo Gail." Pabulong nyang sabi. Napakiliti ako sa bulong nya.
"Napaka bolero mo!" Utas ko sabay palo sa kamay nya na naka pulupot sa bewang ko. Narinig kong tumawa sya.
"Totoo naman eh! Ang Girlfriend ko ay napaka ganda. Ang swerte ko sayo, because of you natutunan ko ulit magmahal, dahil sayo nawala ang takot ko na matagal ko ng dinala noon. No words can Explain how I feel for you." Malambing nyang sabi. Ganito sya pag naglalambing, hindi nagsasawang ipaalala ang mga dahilan kung bakit masaga sya.
"Mas maswerte ako dahil nakilala kita. Pinaramdaman mo sakin na I'm a special girl." Nakangiti kong sabi. Naramdaman kong niyakap nya ako ng mahigpit. Ang saya ng puso ngayon, parang ayoko ng matapos ang araw na to.
"You deserved it." Aniya. May kung anong humaplos sa puso ko. Lord, wag nyo naman po sana syang hayaan mawala saakin. Mahal ko 'tong binigay nyong tao saakin.
Haay.. hindi ko alam sa dinadami ng tao sakanya pa. Sya na wala naman ginawa. Ang gusto lang naman namin ay ang sumaya, ayoko dumating yung time mawawala lang to.
Kinuha ko ang phone ko para makapag picture kami. Nakayakap pa rin sya sa likuran ko at saka ko clinick ang phone ko. Naka 3pose kami, I want to capture every moments.
Naglalakad lakad pa kami, kaya nung medyo dumilim na, naisipan namin mg dinner na lang sa bahay namin. Rare lang kasi kami mag dinner kasama ang pamilya ko, kasi usually sa labas o di kaya sakanila.
"Oh, kain lang ng kain iho." Ani Mama.
"Opo, salamat po." Sagot ni Dustin habang sumusubo.
"Kamusta na ang lagay mo iho?" Biglang tanong ni papa. Uminom muna si Dustin ng tubig saka sumagot.
"Ahh... hindi na rin po ako bumalik ng hospital simula ng nakagraduate po kami." Nakangiting sagot nya.
"Next year ba 'yung schedule mo sa operation?" Singit ni mama. Habang ako tahimik lang nakakinig, hindi kasi ako makapag salita dahil sa pagsikip ng dibdib ko. Nahihirapan nanaman akong huminga kaya napahawak na ako sa dibdib ko.
"Rianne? Are you okay?" Takang tanong ni Mama. Nakatingin silang tatlo sakin kaya tumango ako saka huminga ng malalim.
"I... I'm fine, mom." Sabi ko.
"Are you sure? Kasi madalas kitang napapansin na parang you're trying to breath deep." Ani kuya.
"What's that?" Kunot noo na tanong ni papa.
"I'm okay, don't worry. Kulang lang siguro ako ng excercise." I said then gave them a weak smile.
"Sure?" Singit ni Dustin, nakita ko sa mga mata nya na nag-aalala sya ng husto. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin, minsan hindi bigla na lang may kung anong pipitik sa puso ko at nahihirapan na lang pumintig. Mukhang nakukulangan na ako Iron.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.