CHAPTER THIRTY THREE

6 0 0
                                    


Rianne's POV

Nakakainis naman ang araw na to! Tsk! Sabay pahid ko sa luha. Umuwi na ako, wala akong gana pumasok, wala din naman kami gagawin eh. Naiinis ako, naiiyak, nagagalit! Ang hirap naman ng situasyon ko na to eh! Tsk. Binuksan ko ang gate at pumasok na sa loob. Magkukulong na lang ako sa kwarto. Iiyak ko na lang ang araw na to. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa bumungad saakin. Hindi ko inaasahan na..

"Jess? Nikki?" Gulat kong sambit. B-bat sila andito? Nakita kong ngumiti sila.

"Hi Ria! Hehehe surprise!" Utas ni Nikki. Ngumiti ako at pinahid ang luha ko na lumalabas sa gilid ng mga mata ko. Agad silang lumapit at niyakap ako.

"I'm sorry kanina Ria! Papansinin naman talaga sana kita, kaso naisip ko, isurprise ka namin. Heheh" utas ni Jess sabay yakap saakin ng mahigpit.

"Kainis naman kasi kayo eh! Pinapahirapan nyo pa ako." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Hahahaha ikaw kasi eh! Pero past is past na! Ang mahalaga may natutunan tayo!" Ngiting sabi ni Nikki.

"Oh ano? Okay ka na ba?" Pag alalang tanong ni Jess. Okay? Hindi pa eh. Hindi pa pala nila alam ang nangyari. Nagsimula nanaman akong umiyak.

"Hindi eh! Ang tanga ko kasi eh! Bat nagpakatanga nanaman ako?" Iyak kong sabi. Para na akong bata na inagawan ng laruan. Kinwente ko ang lahat nangyari saakin simula nung pumunta ako sa condo nya at sa pag surprise pati na ang nakita ko nung araw na yun. Pati na rin ang pag punta ko sa Bar, at may nakilala na masungit. At yung nangyari rin kanina.

"Talaga? Sino naman? Gwapo ba? Buti naman walang masamang nagyari sayo?" Pagpapanic na tanong ni Nikki.

"Hahaha dahan-dahan naman! Pwede isa-isa lang? Hahaha well... Gwapo? Oo. Matangkad, maputi, perfect ang mukha, singkit din. Swerte nga ako dahil kahit masungit yun hindi naman ako ini-" bigla akong napatigil sa sigaw ni Nikki.

"Waaaaaaaaahhhh!! Gwapo? Shet shet! Sino? Nakuha mo ba ang number?" Pasigaw sigaw ni Nikki, habang tumitili. Tss. Ta mo to! May nanlilugaw na nga ang lande lande pa! Hahaha

"Aray Nikki ha! Tumahimik ka nga! May manliligaw ka na nga!" Iritang sabi ni Jess habang sinusubo ang pizza.

"Hahahah manliligaw pa lang naman! Tsaka, hindi naman ako interesado dun sa sinasabi ni Rianne. Yung akin lang, malay mo! Sya pala ang para kay Rianne! Malay mo destiny nya pala tapos pinalampas nya pa! Hahah" tatawa tawang sabi ni Nikki. Tss. Destiny? Wadapak! Hindi yun mangyayari. Tsk

"Oowss baka pag nakita mo yun! Siguradong papalitan mo yang manliligaw mo! Hahaha" pangungutya ko kay Nikki.

"Hindi ah! Hahaha gwapo kaya yung Ryan. Hahah ay Oo ininvite nga pala nila tayo sa outing nila!" Hm? Outing? Well kapag kasi may trip yung mga barkada ni Ryan, hindi ako nakakasama, kasi laging wrong timing, tsk! Buti na lang this friday hindi.

"Talaga? Kailan naman? Tara sama tayo!" Excited kong sabi. Ayus yun! Siguradong mag eenjoy ako, kasi maliligo sa beach.

"Hahaha sa saturday na!! Sama tayo ha?" Ngiting sabi ni Nikki.

"Tss. Kayo na lang!" Walang ganang sabi ni Jess.

"Hahaha asuuus! Ayaw mo lang makita si Harry eh! Yiiiee" pang aasar ni Nikki. Hahah pano kasi, lagi raw syang pinagtitripan ni Harry, sabi ni Nikki. Lagi syang inaasar, eh eto naman si Jess pikon na pikon raw! Parang asar na asar din talaga sya dun. Hindi ko pa kasi sya nameet, minsan kasi di ako sumasama. Si Trigger at Ryan pa lang ang nameet ko. Nung pumunta sila sa school. Apat raw silang magkakaibigan, so yung isa di ko pa nameet, pero taga I.U raw eh. Pero ang laki kaya ng school, yung isa naman nasa ibang bansa.

"Tss. Tumahimik ka nga! Wag na wag mong babanggitin yang pangalan nya, tumatayo balahibo ko! Nababadtrip ako" Irita nyang sabi.

"Sumama na tayo! Para naman kay Rianne to eh! Kailangan nya munang mag time out sa kakaisip." Ngiting sabi ni Nikki. Hahaha siguro nga! Kailangan ko nga kasi masyado ng napagod ang puso at utak ko. Tinignan namin si Jess ng naka ngiti.

"Ohh? Ano yang ngiti nyo! Tss! Hindi nyo ako mapipilit." Irita nya parin sabi. Mas nilakihan pa namin ang ngiti sabay gesture ng naka please ang kamay. Hahah parang bata kami.

"Sigi naaa" utas namin pareho ni Nikki.

"Tss. Ok fine! Ilang araw?" Inis nyang sabi. Hahah pumayag din.

"Well.. Friday ng hapon ang usapan. Ang uwi natin sunday ng hapon." Utas ni Nikki. Hmm tama lang din ang araw. Para naman maiwasan ang pagkastress ko.

"Ano? Ang tagal naman!" Pagrereklamo ni Jess.

"Oa ka rin! Umuwi kasi ang isa nilang barkada. Si Daa... Du... Ah Dustin pala. Haha" ngiting sabi ni Nikki. Ang pagkaka alam kasi namin may isa pa silang barkada, nasa France raw, ang sabi nila wala raw assurance kung uuwi pa raw. Umuwi na pala?

"Ahh kaya pala! Oh ano? Sinabi mo na ba kay Ryan?" Utas ko. Baka kasi mamaya makalimutan nya, libre pa naman lahat.

"Oo natext ko na kahapon pa! Hahah" tatawa tawang sabi Nikki.

"Ang bilis mo talaga pag si Ryan na noh!" Asar na sabi ni Jess. Hahah baliw talaga tong si Nikki.

"Hahaha ganun talaga eh!" Ngiti nyang sabi.

"Kailan mo ba balak sagutin yun? Mabait naman sya ah? Gwapo, mayaman, matalino!" Utas ko, sabay cross arm. Matagala na kasi syang nililigawan, may balak pa kaya syang sagutin yun?

"Hahaha relax lang! Darating din tayo dyan. Ang saamin lang gusto muna namin ienjoy ang panliligaw nya." Ngiti nyang sabi. Ayy nako! May sira na ata to! Tss. Nag kwentuhan at tawanan lang kami ng buong oras. Gabi na sila nung maka uwi. Magkita kita na lang raw kami sa friday. Usapan namin sa bahay ni Nikki. Susunduin raw kasi kami ni Ryan.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon