CHAPTER SIXTY SIX

2 0 0
                                    

Rianne's POV


Lumipas ang buwan na wala pa rin akong balita kay Dustin, honestly natatakot na ako dahil ni hindi ko man lang alam kung ano ang nangyagari sakanya. Kinkabahan ako.

Napahawak ako sa tyan ko dahil nararamdaman ko ang pag galaw ng anak ko, sa ilang buwan nya sa tyan ko ay naging maayos naman. Ipinasok ko na muna ang notebook at papel na hawak ko.

Napatigil ako sa pag haplos sa tyan ko ng maramdaman ko ang kirot sa puso ko. Parang pinipiga na parang iniipit, kaya napahawak na ako sa dibdib ko, nahihirapan na naman akong huminga. Sinubukan kong tumayo pero napaupo ako dahil sa hindi ko na kaya ang sakit. This past few days nararamdaman ko na unti-unti ng lumalala dahil mas lalo ng sumasakit, hindi na rin ako nakapagcheck up dahil alam ko naman na wala ng magbabago.

"Aarrgg!!" Bahagya akong napasigaw sa sakit kaya sinubukan kong takpan ang bibig ko para hindi marinig nila mama ang sigaw ko. Pabilis na pabilis ang pag hinga ko dahil sa hinahabol ko na ang hininga ko. Palala na ng palala ang nararamdaman ko.

Pinilit kong tumayo at hinanap sa side table ko ang gamot ko, nanginginig ang buo kong katawan ramdam ko ang kakaibang sakit sa puso ko, pagka kuha ko agad kong binuksan at mabilis na nilunok ang tableta. Umupo ako sa gilid ko at pilit na huminga ng maayos.

Nang nakahinga na ako ng maluwag, tumayo ako at lumabas ng kwarto. Medyo okay na ang pakiramdam ko kaya naisipan kong uminom ng tubig dahil sa nauhaw ako, may kaonting kirot parin pero humuhupa na. Inayos ko na muna ang sarili ko saka bumaba.

"Oh, anak?" Nagitla ako ng makita ko si mama kaya napahawak ako dibdib ko. "Ay, nagulat ba kita? I'm sorry honey..." ani mama saka niyakap ako.

"It's okay ma." Sabi ko ng kumalas na sya sa pagkakayakap.

"Rianne?? nagnonosebleed ka!" Gulat na hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko kaya napahawak ako sa ilong ko saka tinignan ito, halos manginig ako sa takot ng makita ko ang dugo.

"M-Ma..." nanginginig kong sabi. Bigla akong natakot dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyayari, palala ng palala na ba?

"ROEH!!!" Sigaw ni Mama saka ako dinala sa sofa at pinaupo habang ako nakatingin sa dugo ko. Nahihirapan akong lumunok dahil sa may nakabara sa lalamunan ko. Para akong natigilan ng paghinga sa takot.

"Ma? Baki- Rianne? Ba't dumudugo ang ilong mo? What hap-" tarantang sabi ni kuya.

"Get the car! Dadalhin natin sya sa hospital!" Taranta rin sabi ni mama. Kaya nagmadali si kuya lumabas habang si mama inaalalay ako, naramdaman ko ang nerbyos ni mama dahil sa nanginginig ang kanyang mga kamay. Ako naman halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko sa takot na dalhin nila ako sa hospital. No! Hindi nila ako pwedeng dalhin sa hospital dahil malalaman lang nila.

Pero bago pa ako makapag protesta bigla na lang dumilim ang paligid ko at sunod nun, wala na akong naalala.

Nagising na lang ako sa haplos sa mukha ko, at una kong nakita si mama na may bahid na alala sa kanyang mga mata at mukhang kakagaling lang sa pag-iyak kaya agad sana akong uupo ng pigilan nya ako.

"Anak! Take a rest." Ani mama. Nakita ko si kuya na naka yuko at nakatungkot ang ulo sa mga palad nya. Marahil ay alam na nila ngayon ang situasyon ko.

"I'm okay ma." I said then I gave them a fake smile. Lumungkot lalo ang mukha ni mama.

"K-Kailan pa?" Pumiyok si mama sa tanong nya kaya napatulala ako sa mga mata nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Ma..." sambit ko, at dun na bumagsag ang kanina nya pa yatang pinipigil na mga luha. Napayuko ako.

"Why you didn't even tell us? B-bakit kailangan sa doktor pa namin malaman? How long will you keep this to us?" Nanginginig na tanong ni mama kaya napapikit ako ng mariin.

"Ma... I... I Can't. Ayokong mag-alala pa kayo sa'kin." napatigil ako ng magsalita si mama.

"Anak? Pamilya mo kami! We should know about your condition too! Sa paglihim mo mas lalo kaming nag-aalala sa'yo, you and your Baby. Oh god! We need to tell this to your dad!" Ani mama saka kinuha ang phone nya. 'Di ko na sya pinigil, minasdan ko lang sya habang nag-aalalang kinikwento sa papa ko. Nakita ko si kuya na naka-upo parin at hindi man lang nag-iba ng posisyon. Alam kong nag-aalala sya sa'kin.

"K-kuya?" Utas ko. Inangat nya ang ulo nya sa'kin at dun ko lang nakita ang basa nyang mukha. Umiiyak ba sya? Naramdaman kong uminit ang mga sulok ng mga mata ko. I just can't sit and look him na malungkot dahil masakit makita ang pag-alala nila sa'kin.

"Dustin should know about this!" Malungkot nyang sabi. Napaawang ang bibig ko. No! Hindi nya dapat malaman, dahil alam kong mag-aalala lang 'yun. Kaya mabilis akong umiling.

"N-No, kuya." Nanginginig kong sabi. Inis na tumayo si kuya.

"Anong NO? Tinago mo na nga sa'min, tapos itatago mo pa sakanya? Buhay mo at ang ng baby ang nakasalalay dito! He should know about your condition!" Aniya. Lalo akong umiling na parang nagmamakaawa na 'wag nyang sabihin dahil mas lalo kong hindi makakaya ang makitang malungkot sya.

"K-kuya please... hayaan po muna natin sya magpagaling. Kuya, please..." mangiyak ngiyak kong sabi. Napayuko ako para pigilan ang paghikbi. Marahan kong hinaplos ang tyan ko. Ang anak ko.

"I Can't believe this!" Ani kuya saka umiling iling.

"Please..." sabi ko saka tumingin sa mga mata ni kuya.

"Pa'no mo nagagawa ang unahin ang iba kung buhay mo at ng anak mo ang nakasalalay! Komplikado ang situasyon nyo! For once! Isipin mo rin ang sariling lagay!" Umalingawngaw ang boses nya sa loob ng kwarto. Nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot, inis at sakit. Lumaki ako ng kuya's girl at masaya ako na nagkaroon ako ng kapatid na katulad nya. Naging sandalan ko sa lahat ng saya at sakit pero hindi ko maisip na sa isang iglap kinailangan kong iwan sila.

Napatakip na ako ng mukha dahil sa alam kong tama ang kuya ko, pero hindi nya maialis sa'kin ang takot.

"Rianne! 'Wag kang umiyak! Makakasama 'yan sayo! Just rest now. Nakausap ko na papa mo, uuwi sya bukas. And Roeh, just don't tell na lang." Ani mama saka ako hinplos sa buhok. Alam kong mag-aalala lang sila sa'kin ng husto dahil nalaman na nila ang tungkol dito.

Siguro ganun talaga ang buhay, hindi mo alam kung tatagal ka pa ba o hindi na, nakakasayang man ang panahon na sana ay mas lalo mong punahalagahan pero binalewala mo lang, sana mas lalo kong nakasama ng matagal ang mga pamilya ko, sana gumawa pa kami ng maraming kalokohan ng mga kaibigan ko at sana gumawa pa kami ng maraming-marami na memories ni Dustin, sa panahon na lumipas alam ko naman na tama na ang panahon na naibigay sa'kin, pero kung may hihiling man ako gusto ko pa makasama ang anak ko, ang makita syang lumalaki, gusto ko pa syang iguide sa magiging mundo nya.

I just can't imagine na sa oras ilalabas ko na ang anak ko ako alam kong hindi ko na sya makikita. Masakit isipin na wala na ako sa tabi ng anak ko, hindi ko na sya makikita sa pag laki. Pero kontento na ako sa magiging mangyari dahil alam kong hindi nila iiwan ang anak ko, alam kong maalagaan sya ng mabuti ng Daddy nya. Pinahid ko ang luha ko ng maalala si Dustin, sa maikling panahon namin na pag sasama hindi ko naisip na magiging ganito ang situasyon namin hindi ko naisip na kailang pang umabot sa ganito, alam kong sa operasyon nya magiging matagumpay 'yun, pero nakakalungkot, masakit man dahil sa pag balik nya, hindi nya na ako maabutan. Ni hindi ko man lang sya makakasama. Hindi ko na sya makakasama pati na ang anak namin.

Napicture out ko ang future namin ni Dustin kasama ang anak namin pero hini na pala mangyayari 'yun, masakit dahil kinailangan pang mag-yari 'to sa'min.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon