CHAPTER ONE

56 2 1
                                    

Rianne's POV

"OMGEEE!! RIANNE!!" Bungad sakin ni jessica pagkarating ko sa school. Parang nakakita lang ng multo ang itsura nya! Ke aga-aga tsimis nanaman ang balita nyan! -_-

"Oh ano nanaman yan?? May nasagap nanaman yang antena mo na tsismis?" Pabiro kong sabi.
"Oo at ikaw tsismis ko!" Seryoso nyang sabi, ano nanamn kaya yun!

I'm Rianne Gail Sandoval, 16 years old, simple lang ako, maputi, kulot ang dulo ng buhok naturally brown na mahaba, medyo slim. Nasa fourth year high school ako section A, sa Saint Anthony Daniel University. May dalawa akong bestfriends si Jessica at si Nikki. Magkakaibigan kame simula pa nung grade school.

"H-ha? Anong tungkol sakin? Jessica binabalaan kita! Umayos ka" pananakot ko sa kanya! Nakaka gulat naman kasi, ako daw yung topic nya! Tsk.

"Kanina kasi sabay pumasok si Andrew at si Bianca!!" Oh ano naman kaya big deal dun? As if naman may ginawang kababalaghan hahaha.. Si Andrew ay boyfriend ko, magtithree weeks na kame, ika tatlong boyfriend ko sya. Ewan ko ba kung bakit hndi pa ako nadadala, lagi kasi akong iniwan pero di pa rin ako nawawala ng pag asa na darating din si Mr. Right! Kaya nung nakilala ko si Andrew alam ko na sya yung tipong seryoso sa relationship. Gwapo si Andrew, matangkad maputi, medyo masungit yung dating nya, pero astig tignan, kasama sya sa mga varsity players dito sa school namin.
Kaya sinabi ko sa sarili ko na sya na ang huling mamahalin ko, hndi naman sguru nya ako sasaktan diba? Sana.

"Oh tapos?" Sagot ko sakanya.

"Anong, 'Oh tapos' ka dyan?? Hello! Yung BOYFRIEND mo ay may kasamang higad!!" Pasigaw nyang sabi. Nakakairita boses nito, pwede ng pambasag baso hahah, si Bianca isa sa mga Famous ladies sa school kilala kasi pamilya nila at sa taglay nyang ganda.

"Sabay lang naman sguru! Ikaw kung anu-ano na ang pinag iisip mo!" Totoo naman kasi, kahit maganda pa sya alam ko naman na wala lang yun kay Andrew, may tiwala ako sa kanya kahit ilang beses ng napunit ang tiwala ko sa mga past relationships.

"Oo nga naman diba? Sabay lang naman sila at MAGKA HOLDING HANDS LANG NAMAN PO SILA!! Walang mali dun diba?" Sabay irap nya sakin at naiinis na boses. A-ano raw?? Si Andrew at Bianca magkaholding hands? Unconciousely my jaw drop! Hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon sa narinig ko, hindi naman magsisinungaling si Jessica sakin kahit abot langit ang inis nya kay andrew. Dumiretso na kame sa room namin, at umupo sa tabi ng bestfriends ko, wala ako sa sarili, hindi ko alam kung anong gagawin, pano kung totoo yun? Anong gagawin ko? Wag naman sana.

"Wuy! Rianne? Problema mo?" Tapik sakin ni Nikki ng dumating sya, bigla akong bumalik sa pagka ulirat ko, at tignan lang sila.

"Na pano to?" Tanong ni Nikki kay jessica.

"Pano kasi, yung magaling nyang boyfriend may kahawak kamay papunta sa school, akala nila nasa park sila! Mga walang hiya talaga!!" Inis na sabi ni Jess.

"W-what?? Sino yung babae??" Gulat na tanong ni nik.

"Edi sino pa nga ba! Yung naging sikat sa pagiging flirty! Tss" sabay irap nya, nag cross arm pa yung gaga, akala nya sya yung niloko! Pero di ko talaga alam kung anong gagawin. Uhg!

"Huh?? Srsly? Abat naman! Loko yun ha? Pag sa harap ni rianne akala mo parang di makabasag plato yung lalaking yun ah!! Pero kapag nakatalikod na si rianne, eh parang bulate!! Arrghh!" Sabay bagsak nya sa bag at libro nya.

"Oh? Ano rianne? Anong gusto mong gawin sa dalawang yun ha??" Pahamon na tanong ni jess.

"Tumahimik ka nga! Lahat ng bagay naayos sa magandang usapan! Magtutuos kame mamaya!!" Igting bagang kong sabi.

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon