Dustin's POVNasa rooftop kame ngayon ng gym namin kasama ko mga baliw kong barkada. March na pala, ilang weeks na lang, graduation na.
"Mga tol, san kayo magcocollege?" Utas ni Harry habang nagi-strum ng guitara.
"Ako, baka sa U.P eh" sagot ni Ryan.
"Ako baka sa U.E. hahaha dun kasi gusto ng girlfriend ko eh." Tawang tawa sabi ni Trigger.
"Wow! Tsong ang Loyal mo ah! Hahahah ako baka U.P. din.. Eh ikaw Dustin?" Utas ni Harry sabay lingon sakin.
"Ang lalayo nyo ah! Ako sa I.U eh" ngiti kong sabi.
"Oo nga, ang lalayo natin ah! May time pa kaya tayo para magkikita kita?" Utas ni Ryan.
"Baka mamaya nyan, maging busy na kayo ah!" Sambit ni Harry, na nag i-strum pa rin ng guitara.
"Hahaha kayo lang! Lalo na yan si Trigger, baka mahihirapan na tayong makahanap ng time dyan." Asar na sabi ni Ryan.
"Hahahah hindi naman.. Basta keep in touch tayo. Ngayon na lang tayo magkakahiwahiwalay eh!" Utas ni Trigger.
"Oo nga eh!" Maikli ko na lang sagot.
"Sayang di ka nag attend ng Prom dustin!" Utas ni Ryan. Di pala ako nakaattend, nagstay kasi ako ng 1week sa hospital pinapahinga ako ng doktor, kaya di na rin ako nakaattend, wala din naman akong planong pumunta. Nalaman rin pala nila Trigger na nagusap kami ni Sandy, kinwento ko sa kanila nung nakalabas na ako.
Medyo nakakarecover na rin ako kasabay sa paggaling ng mga sugat ko sa kamay. Ngayon, medyo okay na ako, atleast may closure na kami. Tanggap ko na, kaya tama, sarado na ang puso ko, ayoko na rin umibig pa.
"Oo nga eh. Last prom natin. Hahah" pabiro kong sabi.
"Hahaha kaya nga eh! Tara baba tayo!" Pagyaya ni Trigger.
"Saan tayo?" Pagtatanong ni Harry.
"Kakain, ako taya!" Maikiling sagot ni Trigger.
"Ohyeaaah! Hahaha" utas ni Harry sabay tayo. Tumayo na rin ako, sabay akbay ko kay Harry palabas ng gym.
"Mga tol! Pinagtitinginan tayo! Iba talaga pag gwapo nuh? Hahaha" pabirong sabi ni Ryan. Nginingitian kame ng mga babae. Eto naman si Harry feel na feel. Eh gwapo naman talaga to, lalo na si Trigger, badboy looks. Haha
"Hi Dustin" bati ng isang babae, sabay tili-tili at hampas sa mga kasama nyang inaasar sya. Parang 2nd year student.
"Pare, Hi daw oh!" Asar na sabi ni Harry. Nginitian ko na lang sya.
"Hi, Sam!" Bati ni Harry sabay kindat ng dumaan kami sa harap ng mga babaeng nakatayo sa corridor.
"Hi dustin!" Utas ni sam na nakatingin sakin, ngumiti na lang ako, si Harry naman nagtaas ng isang kilaya. Hahaha natatawa ako sa mga to!
"Tss. Ako ang nagHi iba ang binati!" Inis na sabi ni Harry.
"Hahaha saklap nun pare! Hahah ibig sabihin mas gwapo si Dustin!" Utas ni Trigger sabay halakhak. Tumawa din kami ni Ryan.
"Hahaha hayaan mo sya! Hindi lang naman sya ang babae dito!" Ngiting sabi ni Harry.
"Napaka playboy mo huh!" Sambit ni Ryan. Nagtawanan na lang kami. Lumabas na kami sa campus, hinahayaan na lang kame ng guard, practice lang naman meron para sa graduation.
~~~
Nasa isang Restaurant kame. Nag order na rin.
"Saan kayo magbabakasyon?" Utas ni Harry.
"Baka sa palawan ako." Sagot ni Trigger.
"Kame out of town. Hongkong raw sabi ni mommy eh" sambit ni Ryan.
"Wow! Sosyal kayo huh! Hahaha eh ikaw Dustin?" Pagbaling nya sakin.
Dumating na rin ang order namin."Baka sa france. Pinapapunta kasi kame ni ate dun, hindi nya kasi maiwan yung pag-aaral nya, baka nga dun pa ako mag aral eh." Utas ko. Gusto kasi ni mama dun, para pwede raw ako mamonitor ng mga specialista dun.
"Huh? Akala ko ba sa I.U???" Gulat na tanong ni Trigger habang sinusubo ang pagkain.
"Wala pa naman assurance." Utas ko. Pero 100% na raw, dun muna ako, ayoko rin naman sabihin sakanila baka magtampo.
"Aah. Pero diba mas okay din dun? Magagaling din ang mga doctor dun." Utas ni Trigger.
"Oo nga eh. Kaya nga, baka dun muna ako." Sambit ko sabay kain.
"Basta keep in touch tayo huh?" Singit ni Ryan. Ngumiti ako at nag 'okay sign'.
Natapos na kaming kumain at decide na mag stroll, maglalaro raw sila sa Play time zone. Inabot kami ng limang oras sa paglalaro, tawanan lang at asaran ang ginawa namin ng buong araw. Ayus din, pag namatay na ako, atleast may dala akong alaala kasama nila.
Pagkatapos ng mahabang oras, nag decide na kami umuwi. 7pm na pala. Una ni Trigger hinatid si Harry.
"Mga pare salamat? Ingat!" Sabay wave ng kanyang kamay, sumenyas naman kami na 'okay'
Sunod na hinatid namin si Ryan. Sumenyas na rin kami. Sunod akong binaba ni Trigger.
"Tol? Salamat! Ingat!" Sabay senyas ko, sumenyas din sya at pinaandar na ang sasakyan. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.