CHAPTER FOURTY

7 0 0
                                    


Rianne's POV

Napaawang ang bibig ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Trigger. Like, seriously? As in?... Hell no way!

"NO!" Sabay namin sabi ni Dustin, nagkatnginan kaming dalawa. Kahit sya mismo mapapatalon sa upuan dahil sa Dare ni Trigger.

O gawd! Hindi pala ako dapat nag Dare! Crap!

"O? It's just a game! And diba sabi ko, dapat walang KJ sa game!" Nakangising sabi ni Trigger.

"Trigger!" Matigas na sabi ni Dustin, nagkasalubong na ang kilay. Tss! As if gusto ko! Kainis lang ah!

"Ayoko! Bakit yung Dare ko ganun? Hindi ako papayag!" Pagpoprotesta ko. Kakakilala ko lang dyan, tapos hahalikan ko na? Ano to? Nasa America lang?

"Oh? Relax! Hahah Don't take it seriously, it's just a game!" Pag singit ni Harry, nag nod naman yung mga loka kong kaibigan! Dinilatan ko sila, napaka suportive lang ah? Isa pa tong si Jessica, ngumisi lang! Asar! Akala ko ba bitter sya? Uhg

"It's not Funny! Cut it Off!" Inis na sabi ni Dustin.

"Okay! It's not Big deal! A game is a game. I'll take the Dare!" Irita kong sabi. Kanina ang lakas ng loob kong sumang ayon sa laro, e. Tch.

"TALAGA?" Gulat nilang tanong, except kay Dustin na Badtrip na ang itsura.

"What? Hahah wag mong isipin na gusto rin kitang halikan! And don't worry hindi ako contaminated!"
Paasar kong sabi, sabay taas ng isang kilay. Nagsitawanan silang lahat. Nagtaas din ng isang kilay si Dustin.

"Bakit? Hindi ba?" Utas nya sabay grin. Tss. Ang kapal din ah!

"Ano? Hahah asaran na lang ba? Naduduwag ata kayo!" Pangaasar na sabi ni Trigger, lumingon kaming dalawa kay Trigger. Ngumisi lang si Trigger. Gawd! Anong plano nya? Tsk

Lumingon ako kay Dustin, na nakatingin ng matabang kay Trigger. Napalunok ako, huminga ako ng malalim. 'Kaya mo mo Rianne! Wala lang to, isa lang!' tumayo ako, pero nanghihina na ang tuhod ko, nanlalamig, naramdaman kong lumakas ang pagtibok ng puso ko pati mukha ko uminit na. Tumingin silang lahat saakin. Pero shet! Hindi ako makagalaw!

"Naduduwag ata kayo! Simpleng Dare! Hindi pa magawa. Hahah" pangaasar na sabi ni Trigger.

Naramdaman kong may biglang humatak sakin at... at... Napalaki ang mga mata ko sa ginawa ni Dustin. He Kiss me? O yes! Crap! He kiss me!! Nakaramdam ako ng init sa mukha, para akong nakukuryente, nabibingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko, at may naramdaman ako ng kung ano sa tyan ko. Nabibingi ako at hindi na makagalaw. Tumagal ng segundo at bigla akong bumalik sa pagka stroke ko. Takte! Ano yun? Bakit parang nabitin ako? Hahaha

Bahagya syang napaatras, napatingin ako sa mga kasama namin, pati sila hindi na makagalaw sa pagka gulat. Napanganga sina Jess.

Oh my Gut! I need water! Hindi ko mapatahimik ang pagkalakas lakas na pagtibok ng puso ko. Para akong hinihingal, sa oras na to.

"Done!" Walang buhay nyang sabi.

"Dustin?" Gulat na tawag ni Harry.

"What?" Aniya.

"Is that you?" Gulat na tanong ni Ryan.

"Yeah. It's a game!" Inis nyang sagot.

"Oh yeeess!! That's our Dustin! Hindi umaatras! Hahah" utas ni Harry at nag-apiran sila ni Ryan.

"Hahahaha game lang to! Okay tuloy tayo sa laro." Nakangising sabi ni Trigger. Pinaikot ko na ang bote, pero wala ako sa sarili, lutang na lutang ang utak ko, napasulyap ako kay Dustin, naka upo lang na parang walang nangyari. Bakit hindi sya affected? Ganun lang ba kadali para sakanila ang humalik? Ako nga, akala ko kaya ko, pero hindi ko magawa. Hindi parin tumitigil ang kabog ng puso ko.

Ilang oras na ang lumipas, natapos na ang laro, pero ako hindi pa rin nakamove on sa nangyari. Hindi naman ako first time halikan. Pero bakit parang iba ang dating saakin. Yung halik na hindi ko maexplain sa sarili ko, kahit laro lang, pero bakit iba? Nararamdaman ko pa rin ang dampi ng labi nya. Sheet!! Naloloka na ako sa kakaisip! Rianne! Wala yun! Sa kanya nga wala lang!! So dapat wala lang yun sayo! Napahawak ako sa labi ko. Sheeet.

Natapos ang mahabang laro ng hindi ko man lang napansin, nagsibalikan na kami sa mga kwarto namin, kasama ko ang dalawa kong baliw na Bestfriend at ang girlfriend ni Trigger. Na una na sya saamin umakyat, inaantok na raw kasi sya. Naglakad na kami papunta sa kwarto namin habang inaasar ako ni Nikki. Nakakainis na nga eh, kung hindi ako makamove on, eh mas lalo na to! Inaasar ako ng kung anu-ano dahil kanina, kesyo ang swerte ko raw, ano raw ang feeling, kinilig ba raw ako. Puro 'Tss' at irap na lang ang sagot ko. Masyado ng masakit ang tagiliran ko sa kakatusok nya. Kainis! Ayoko ng isipin yun! Masyadong badtrip eh! Imagine? Parang wala lang sakanya? Para sabihin ko sakanya! Swerte sya! Ang daming gusto sakin, tapos sya? Kabago bago lang namin nagkakilala!

"O? Tapos na yung game, Mukha ka parin ampalaya?" Paasar na sabi ni Jess.

"Nakakainis naman kasi eh! Bakit ganun ang dare ko? Tss." Padabog kong sinara ang pinto ng makapasok na kami sa kwarto.

"Eh baka may nakita si Trigger na hindi namin nakikita! Haha" utas ni Nikki sabay halakhak.

"Ano naman? Uuuhhhgggg!" Irita kong sabi sabay sabunot sa buhok ko. Okay na sana ang trato namin kahit bago lang, sa nangyari kanina, awkward na kami sa isa't isa. Tsk!

Between Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon