Rianne's POV
Ilang buwan na rin pala nakalipas. Bumalik na sina kuya at papa sa london. Si mama naman nagopen na ng isa pang branch, lumalago na rin kasi ang bakeshop nya. Ako na ang naghahandle sa bagong shop nya, lahat dun ako na ang nagdedesisyon, ginawa ko iyon puro lang mga sweets, kaya ang nilagay kong pangalan Sweet Crib's, iba't ibang cakes ang inisip ko, hindi sya yung type na bakery lang gusto ko kapag papasok sila feeling nila nasa isang romantic place sila, nakaglass ang mga windows tapos yung kulay ng walls ay cherry blossoms kapag gabi may mga mini lights na nakapaligid sa loob. May mga antique woods naman sa edges.
Naging inspirasyon ko dito si Dustin, sinabi ko naman sa kanya, kilig na kilig naman ang lalaki na 'yun. Hindi naman halata na sya ang inspirasyon ko sa disenyo ng shop ko, kasi lahat ng sweet moments namin na pictures ay dinikit ko sa taas ng walls. Hindi naman ako na bigo sa mga customers, kasi simula ng inopen ko ito, hanggang ngayon napupuno pa rin sila, ako na ang nagaassist sa mga customers, kahit may mga crew ako gusto ko makita na masaya sila sa siniserve namin dito.
"Kayo po ba ang may ari Ma'am?" Nakangiting tanong ng isang babae na naka high school uniform may kasama syang lalaki na nakauniform rin, pero magkaiba sila ng I.D, halatang private school ang babae at yung lalaki public school. Siguro ay boyfriend nya ito.
"Hmm.. Opo." Nakangiti kong sabi.
"Kayo po ba ang mga nasa pictures? I find it so cute po. Ang ganda ng shop nyo, and believe it or not po, tatlong beses na po kami kumain dito." Nakangiti nyang sabi. Ngumiti naman ako sa pag compliment nya.
"Thank yo-" hindi ko na natapos ng may biglang pumasok sa loob namin na matandang lalaki na naka americanang suot na may kasamang tatlong lalaki na naka puting polo na mukhang body guards.
Napaatras ako sa ginawa ng matanda, bigla nyang hinila ang babae na kausap ko kanina, at ang tatlong lalaki hinawakan naman ang lalaking kasama nya kanina.
"PA! BITAWAN N'YO 'KO!" Sigaw na sabi ng babae.
"Ilang beses ko na sayong sinabi na wag ka ng magpakita sa anak ko ha?" Galit na dinuro duro ng matandang lalaki sa binatilyo. Napaawang ang bibig ko sa nakikita ko, ako mismo ay nagulat sa pag sulpot nila dito.
"Sir, seryoso po ako sa anak nyo. Mahal ko po ang anak nyo" Pagmamakaawa ng lalaki sa ama ng babae. Marahil hindi sya tanggap ng pamilya ng babae. Kawawa naman pala. Pero teka? Bakit hindi man lang pumili ng lugar 'tong taong to? Dito pa talaga. uhg.
"Mahal? Ano ba ang alam mo sa pagmamahal? Hindi ka bagay sa anak ko! Magiging miserable lang ang anak ko!" Matigas na sabi ng matanda.
"PA!" Saway sa kanya ng anak nya na umiiyak na.
"Tumahimik ka! Binalaan na kita Emma!" Sigaw ng matanda. Halos lahat nakatuon na ang pansin sa kanila.
"Sir! Magsisikap ako para lang maibigay ang mga kaya nyong ibigay sa anak nyo." Mangiyak ngiyak na lumuhod ang lalaki sa harap. Biglang kumulo ang dugo ko.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nasa tuktok ang anak ko! Hampas lupa ka lang!" Sabay duro nya. Hindi ko na nakayanan ang mga sinasabi ng matapobreng matandang ito. Agad kong hinarap sya.
"Wait sir! Mag hunusdili po kayo nandito po kayo sa loob ng shop ko." Pinigilan ko ang sarili ko, ayokong patulan ang mas matanda saamin, turo yan ng magulang ko.
"I don't care kung nasaan kame! Ang anak ko ang pakay ko! Wag kang makialam!" Sigaw nyang sabi. Agad umakyat ang dugo ko sa ulo ko, halos gusto ng sumabog ang mga ugat ko. Matalim ko syang tinignan.
"Alam ko po ang pakay nyo ay ang anak nyo pero wag po kayong magwala dito sa teritoryo ko, may mga customers po ako dito!" Inis kong sabi. Biglang nagdilim ang mukha ng matanda.
"Kilala mo ba ako? Ha? Alam mo bang pwede kong ipasara tong pipitsugin mong shop!" Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Hindi. At wala akong balak na kilalanin ka! Alam nyo may hangganan ang pasensya at respeto ko, nandito kayo sa lugar ko. Wala kang karapatan na pagsalitaan ang isang tao na wala naman ginagawa! Kung nakikipagkita sya sa anak nyo yun ay mahal nila ang isa't isa, hindi nya kasalanan ang mahalin ang anak nyo! Hindi nyo pwedeng diktahan ang isip at puso ng anak nyo! Wag nyong ibase sa estado ng taong mamahalin ng anak nyo! Dahil hindi mabibili ng pera ang kasiyahan ng isang tao!" Gigil na gigil kong sabi. Kumunot ang noo nya at kinuyom ang kanyang panga.
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!" Galit nyang tugon.
"Then I suggest wala din kayong karapatan para pagsalitaan ang batang ito! Pantay pantay tayo sa mundo, pagdating sa respeto lahat tayo may mga karapatan!" Inis kong sabi. Kumukulo na ang dugo ko!
"Wala kang modo! Halikana Emma! Ayoko ng makita ka na nakikipagkita sa dukhang yan! At lalong ayaw na kitang makita na pumupunta ka dito sa basurang shop!" Sabay talikod nya at mabilis na kinaladkad ang anak nya, kahit na anong panlalaban ng anak nya mabilis pa rin syang isinama palabas kasama ang tatlong lalaki. Iniwan ang batang lalaki na nakaluhod pa rin, tila umiiyak.
Binaling ko ang atensyon ko sa mga taong tahimik at gulat sa nangyayari kaya huminga ako ng malalim.
"Uhm.. I appologize on what happened, pasensya na po. Let's continue and enjoy the foods." Nakangiti kong sabi. Agad naman nag si ayusan sila ng upo at tinuloy ang pagkain. Binaling ko ang lalaking naka upo parin, agad kong sinenyas ang mga crew na bumalik na sa kanikanilang trabaho.
"Tumayo ka na dyan! Wala na rin tayong magagawa kasi papa nya yun." Kalma ko syang pinatayo at pinaupo.
"Bakit pa kasi ako pinanganak na mahirap!" Malungkot nyang sabi. Huminga ako ng malalim bago sya sinagot.
"Siguro hindi pa to panahon nyo. Pero kahit ganun, ipaglaban mo sya, dahil kung mahal nyo ang isa't isa kahit anong unos ang dadaan sa buhay nyo ay kaya nyong harapin." Nakangiti kong sabi. Napansin kong ngumiti sya.
"Salamat nga po pala kanina." Aniya. Nginitian ko sya at tinapik sa balikat.
Nakakamangha ang batang 'to, pero nakakainis 'yung ama ng babae. Masyadong matapobre! 'Wag naman sana sya makarma. Tch. Sama ng ugali. Pag sa'kin nangyari 'yun, baka magpapatiwakal na ako.
Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga customers. Umalis na rin kasi ang binatilyo na malungkot. Kawawa naman. Pero ganun naman talaga ang buhay, e. Hindi ka mananalo kapag mahina ka sa laban.
BINABASA MO ANG
Between Life and Death
General FictionIn everything that happens theres always in between. In between Life and Death theres always Hope.